Persia's POV
Hindi ko maiwasang hindi sumilip sa sala sa pintuan nang kusina. AKO kasi yong nagboluntaryong magpainit nang tubig para sa kape. Syempre, nailang ako sa sitwasyon namin ngayon. Naririnig kong nagtatawanan silang tatlo sa sala. Nakapalagayan agad ni Brylle yong Charlotte na iyon. Nang kumulo na iyong tubig ay nagtimpla na muna ako nang kape. Bago ko iyon iserve sa kanila ay nanatili muna ako sa may pintuan at nakinig muna ako sa mga usapan nila.
" So how's your stay in Germany?" tanong ni Zach. Nakita kong nakangiti si Zach habang kinakausap si Charlotte. Para bang may tumutusok na karayom sa puso ko nang makita ko ang reaction ni Zach.
"Great," sagot ni Charlotte at inalis ang kanyang salamin. Inilapag niya iyon sa mesa at tinitigan niya si Zach.
"Mukhang tumanda ka yata nang ilang taon," tumatawang sabi ni Charlotte at nakita ko pang ginulo niya ang buhok ni Zach. Gusto kong magprotestang bawal niyang hawakan si Zach at gusto kong ibuhos itong kape pero naisip ko na masaya si Zach. Marahil ay dahil nakasama na naman niya ang kanyang KAIBIGAN.
" Dalawang taon lang naman ang lumipas and you never told us that you're coming. Sana naman nasabi ko kay Jiro," sabi ni Zach habang inaayos ang kanyang buhok.
" Geez, I called him kaso hindi siya sumasagot," sabi ni Charlotte at inilabas ang kanyang cellphone.
"See he's not picking up his damn phone," sabi ni Charlotte. Boses pa lang niya at sa pananalita niya ay mukhang ibang iba siya sa kilala kong kinuwento ni Jiro sa akin dati. Palibhasa galing Germany."Peranah?! Asan na yong kape?!" sigaw ni Brylle. Marahil ay naiilang din siya dahil mukha kasing si Zach lang ang nasa sala sa mga kilos ni Charlotte at hindi man lang pinagtuonan nang pansin ang mushroom na iyon na sa tingin ko ay nalulusaw na.
Ngumiti ako bago pumasok sa sala. Inilapag ko ang kape sa mesa at kumuha nang isang baso nang kape at hinihipan iyon.
"Zach kape oh,"sabi ko. Iniabot ko sa kanya yong kape at nginitian siya. Inabot naman niya iyon at nginitian ako. Umupo ako sa tabi niya dahil malawak naman iyong sofa kaya pinaggitnaan naman siya ni Charlotte.
" Whoah, too hot," sabi ni Charlotte nang maramdaman sigurong masyadong mainit yong kape. Malamang mainit talaga iyon, kape nga di ba.
"By the way, she's?" tanong ni Charlotte at itinuro ako. Hinintay ko kung ano ang isasagot ni Zach. Ang bilis bilis nang tibok nang puso ko kakahula kung ano ba ang isasagot niya.
"She's Persia," yon lang ang sagot niya. At inaamin kong, nasaktan ako dahil hindi man lang ba niya sasabihing She's Persia, and I'm dating her?! Nawala ang mga ngiti ko sa labi at dahil nanginginig ang mga kamay ko ay inilapag ko muna ang hawak kong kape baka mahulog ko pa at makahalata sila. Nagpunas ako nang kamay at nang tumingin ako kay Brylle ay nakatingin siya sa akin. Nahalata ba niya ang pag-iiba nang mukha ko? Mukha ba akong disappointed sa sagot ni Zach? Umiwas ako nang tingin at ifinocus ang attention sa mga larawang nakaframe malapit sa kinauupuan ko. Mga nakaframe na larawan nang pamilya ni Zach. Bata pa si Zach sa larawan at nakangiti ito. Baby rin at karga karga naman nang mama ni Zach si Zayne. Ngunit ayon sa kwento ni Jiro ay nagdivorce na ang parents niya. Kaya naman pala, wala sila rito. Mukhang busy ang mama nila sa work dahil siya raw ang kasama nina Zach sa bahay. Nanatili kaming nakaupo at tahimik ni Brylle habang pinapakinggan ang pinag-uusapan nina Zach. Kinukwento kasi ni Charlotte yong mga karanasan niya sa Germany. Hanggang sa maubos yong kape ko ay naisipan kong kumuha ulit sa kusina para naman makaalis na rito kaso hindi na ako nakakuha pa nang lakas na tumayo nang marinig ko ang sinabi ni Charlotte.
"By the way, do you remember the white notebook?" tanong ni Charlotte kay Zach. Napalingon ako sa kanya at nakita kong mukha ring nagulat si Zach sa tanong ni Charlotte.
"I gave that to you. Mukha kasing wala kang makausap noon," sabi ni Charlotte at ngumiti. Nagulat ako sa narinig ko."You were the one who left that notebook?" tanong ni Zach.
"Oh yes, loner ka kasi noon eh. I think it might help you. So nasaan na iyong kwaderno?" nakangiting tanong ni Charlotte.
Hindi ako makagalaw at hinintay ko kung ano ang sasabihin ni Zach. Parang pakiramdam ko ay isa akong suspek na nililitis sa korte. Hindi ko maexplain ang kabang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. It was Charlotte who left that notebook. Ngayon ay mukhang nalutas ko na ang isang misteryong hindi pa namin nasasagot sa loob nang dalawangg taon ni Zach.
"I.... I-I kept it," hindi ko alam kung nabingi ba ako sa narinig kong iyon. Isang kasinungalingang nanggaling mula mismo kay Zach. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Bakit kailangan niyang magsinungalin kay Charlotte?! Bakit?!
Wala akong karapatang sabihin ang totoo lalo na at wala ako sa posisyon para magsalita. Ako lang naman kasi si Persia. Isang PERSIA CARAMEL sa buhay ni Zach. Ano bang laban ko kay CHARLOTTE?
Tumunog yong cellphone ko sa bulsa ko. Ginawa ko iyong dahilan para makaalis sa sala.Pumasok ako sa kusina at sinagot ang tawag mula kay Miki.
"Balita ko binisita mo raw si Zach?" tanong niya mula sa kabilang linya. Hindi agad ako nakasagot.
"Uy Persia?" -Miki
"Ah? O-oo,"sagot ko.
"So how was it? Ano nakilala mo na ba ang parents niya? Nagustuhan ka ba nila? Pinakilala ka bang girlfriend ka niya?"sunod sunod na tanong niya. Pinigilan ko ang mga luha na gustong lumabas sa mga mata ko.
"H-hindi eh, w-wala k-kasi yong parents niya," sagot ko at pinunasan na ang tumulong luha sa mata ko.
"I'm jealous dahil mukhang masaya ka yata diyan eh," sabi niya na may halong tawa.
Hindi ako sumagot.
"By the way, I'm leaving tomorrow evening papuntang America. And bago iyon, gusto kong makasama ka Persia Caramel, I'm gonna date you, mamayang gabi," sabi niya.
" S-sige," sabi ko. Binaba na niya yong tawag at tumayo ako roon nang ilang minuto bago ko napansing nakatayo si Brylle at nakatingin sa akin.
Ngumiti ako at nagdahilang si mama ang tumawag sa akin at pinapauwi ako.
"H-hatid na kita,"mahinahong sabi ni Brylle. Tumango ako at bumalik ako sa sala para magpaalam kay Zach. Kinuha ko iyong bag ko sa tabi ni Zach. Tinitigan ko sila bago ako nagsalita. Nagkukwentuhan silang dalawa at mukha yatang hindi nila ako pinansin.
"Zach, I'm going home," sabi ko at nakangiting tumingin sa kanya.
"Ganoon ba? Thank you for visiting me," sabi niya at tumingin sa akin. Nagpaalam na ako kay Charlotte at ginantihan niya ako nang ngiti.
"Ihahatid ko na siya," sabi ni Brylle. Nagpaalam kami at hindi na ako nakapagpaalam pa kay Zayne. Nasa kotse na kami at pinapaandar ni Brylle yong kotse. Hindi ako umiimik at hindi rin siya umiimik. Buong biyaheng nakatingin lang ako sa labas nang kotse. Hanggang sa di ko namalayang nasa harap na kami nang bahay. Nagpaalam ako sa kanya at nang tumalikod ako ay tinawag ako ni Brylle.
"Peranah, are you okay?" Isang tanong mula kay Brylle na hindi ko masagot. Ayos lang ba ako? Siguro kaninang umaga, oo. Pero ngayong hapon? Mukha yatang hindi.
Hindi ko siya sinagot at tumango lang ako. Ngumiti siya at saka nagwave sa akin. Pumasok ako sa bahay at nagulat ako dahil nakita kong kinakausap ni Miki si mama sa kusina. Mukhang nakapalagayan na rin niya si mama. Mukhang magdadahilan rin ito para makasama ako. Kinindatan niya ako at mukhang alam kong pumayag na naman si mama. Hinila niya ako palabas at hindi man lang ako nakapagpaalam kay mama.Sumakay kami nang taxi dahil wala raw yong personal driver niya.
"San tayo pupunta?" tanong ko. Ngumiti ito nang nakakaloko bago sumagot.
"Sa isang bar!!" masayang sigaw nito.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomansaPaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...