Persia's POV
"Ano?!" ganito ang reaksiyon nina Stacey at Trisha nang sabihin ko ang sinabi sa akin ni Miki two weeks ago. Yes, two weeks ago. Balik eskwela na naman kami at si Zach naman ay hindi pa nagkukwento sa nangyari sa kanya sa bakasyon niya sa probinsiya niya. Nagtampo nga ako sa kanya dahil hindi man lang siya tumawag sa akin sa loob nang dalawang linggo. At ngayon? Ni hindi ko nga siya nakasabay kumain nang lunch dahil busy daw ito sabi ni Orion. Kasabay kasi namin si Orion dito dahil sinagot na pala ni Trisha si Orion.
"H-hindi pa niya sinasabi kung sino ang ama nang dinadala niya," dugtong ko.
"Could it possibly be.... Brylle?" tanong ni Orion.
" H-hindi natin alam, mas mabuti pa kung hintayin na lang nating na bumalik si Miki rito,"sagot ko.
"So babalik si Miki sa Pilipinas?" -Trisha
" Ganoon nga," sagot ko.
"Kailan?" tanong ni Stacey.
"I don't know," sagot ko.
" Eh kung sabihin natin kay Brylle?" tanong ni Orion. Binatukan naman siya ni Trisha.
" Hindi pa nga tayo sigurado tsaka hayaan nating si Miki ang magdesisyon nang bagay na iyan," sagot ni Trisha.
Nang matapos kaming kumain ay nagdiretso kami sa kanya kanya naming klase. Naglalakad kami sa hallway nang makasalubong ko si Zach na naglalakad sa hallway at nakatingin sa kanyang phone. Napakagwapo talaga niya sa suot niyang puting pulo at ang pulang buhok niya ay pinakulay na niya nang itim. Huminto muna ito at mukhang hindi pa niya ako napapansin. Nilagay niya ang kanyang phone sa tenga at mukhang may tinatawagan siya.
Nilabas ko ang phone ko sa pagbabakasakaling ako ang tinatawagan niya. Nakangiti pa akong tumingin sa phone ko.Hinintay ko ang tawag pero mukhang nagkamali yata ako dahil hindi ako ang tinatawagan niya. Nakita ko itong sumandal sa may bintana nang hallway at nakangiti habang may kinakausap sa phone.
Ang mga ngiting iyon. Mukha yatang importante sa kanya kung sino man ang kausap niya.
Hindi ko siya nilapitan at pinagmasdan ang gwapo niyang mukha. Maswerte ba ako dahil girlfriend niya ako? O maswerte siya dahil minahal ko siya? Ewan ko.
Ilang minuto rin akong nakatayo roon nang ibaba na ni Zach ang tawag. Hindi siya umalis sa pagkakasandal sa may bintana. Tumingin pa ito sa kanyang relo at mukhang naiinip na sa kahihintay kong sino man ang hinihintay niya. Lumakas nang kaunti ang ihip nang hangin kaya nagulo ang nakaayos na buhok niya. Inayos niya iyon at saka ini unbutton ang isang butones nang kanyang puting pulo.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya nilaoitan nang oras na iyon. Marahil ay dahil siguro sa hindi niya pagpaparamdam nang dalawang linggo.
Lalapitan ko na sana siya nang mapansin ko ang babaeng lumapit sa kanya. Nakatalikod ito sa akin kung kaya hindi ko makita kung sino ito.
Nakangiti pa si Zach sa babaeng iyon. May sinabi pa ang babaeng iyon at hinawakan si Zach sa braso. Nainis ako sa nakita ko pero bakit parang may pumipigil sa akin na lapitan si Zach. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko at mukhang nakapako pa ako sa kinatatayuan ko.
Nag-usap silang dalawa at sabay na naglakad patungo sa direksiyon ko. Nang makita ko ang mukha nang babaeng iyon ay nagulat ako.
Si Karen. Ang kaklase namin ni Zach dati sa Art subject.
( Para sa mga nakalimot na, si Karen iyong babaeng nasa part two or three nang story ko. BAckread na lang kayo kung nakalimutan niyo. haha XD)
Hindi pa yata nila ako napansin kung kaya humakbang ako palapit sa kanila.
"P-persia?" gulat na sabi ni Karen. Napalingon naman sa akin si Zach at nagulat rin siya.
Hindi ako nagsalita o ngumiti dahil hindi naman ako masaya sa nakikita ko. Naghintay ako nang tawag niya o text sa loob nang dalawang linggo at nakita kong tinawagan pa niya si Karen at hindi ako?! Kasi Girlfriend niya ako?! Tsaka anong pinag-usapan nila kanina sa telepono?!
"Hey, " bati sa akin ni Zach at ngumiti. Nakatingin lang ako kay Zach at sana naman nababasa niya ang mga tanong sa mga mata ko.
"Persia, It's nice to see you again," sabi ni Karen at niyakap ako.
" Akalain mo, nag- aaral ka pala rito. I didn't know," sabi pa niya." So may pupuntahan ba kayo? May klase pa kasi ako eh," sabi ko. Hindi ko inalis ang mga seryosong tingin ko kay Zach.
"Ah..... n-nagpapasama kasi ako kay Z-zach... s-sa library...," sagot niya.
"Ganoon ba? Malaki kasi ang eskwelahang ito baka nga naman maligaw ka. Buti naman at ang boyfriend ko ang nilapitan mo, madalas kasi siya sa library eh," sarkastikong sabi ko. Hindi ko talaga mapigilan ang inis ko at wala akong pake kung nahahalata nilang dalawa iyon. Normal naman siguro kung magselos ako.
" O-oo, p-pero kanina ka pa ba dito?" tanong ni Karen.
"Hindi naman. Naabutan ko lang noong tinatawagan ka ni Zach. Mukha yatang nakakatawa ang sinabi mo at nakangiti siya habang kausap ka," sarkastikong sabi ko.
" Hey Persia," tawag sa akin ni Zach. Mukha pa yatang ayaw niyang tinataasan ko ang boses ko sa babaeng ito. Tumingin ako kay Zach at saka ngumiti.
"Tsaka next time, Zach. Tawagan mo naman ang girlfriend mo. Hindi ko naman siguro kailangang sabihin sa iyong magpapasama rin ako sa library para sagutin mo ang tawag ko di ba? And one more thing Karen, its nice to see you.....," pagkasabi ko noon ay ngumiti ako. Umalis ako roon dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanila.
Pero sa totoo lang, ay gusto kong hilahin si Zach. Ayokong makitang magkasama sila. Ayokong makitang may kasama siyang iba. Tsaka ano bang pinag-usapan nila at ano ba ang totoong dahilan kung bakit sila magkasama?! Naiinis ako sa sarili ko.
Bago ako tuluyang lumayo sa kanila ay lumingon ako. Nakatingin silang dalawa sa akin at saka ko lang naalala ang isang hapong umuulan na nakita ko si Zach na may kapayong na iba. Kung hindi ako nagkakamali, si Karen ang babaeng kasama niya nang hapon ding iyon.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...