Zach's POV
And one day, I saw that girl again nong naglalakad ako sa hallway. May hawak hawak itong tray nang pagkain. Noong nasa harapan ko na siya ay bigla akong nagulat dahil binangga niya ako. Tumapon yong hawak nitong pagkain pero salamat at sa kanya rin iyon tumapon. I know na sinadya niya iyon. But I didn't scolded at her kahit gusto ko pero di ko na ginawa dahil sa mga matang nakatingin sa akin. Sa tabi kasi nang Persia na iyon ay si Charlotte. Nakatingin si Charlotte sa akin at hinihintay kung ano ang gagawin ko. Ngingitian ko sana siya pero umiwas na ito nang tingin at umalis. Iniwan ko na rin yong Persia na iyon doon at hindi ko na siya tinulongan pa. It's her fault anyway.
Hindi pa ata sumuko sa pagpapapansin yang Persia na yan. Papunta na ako sa locker ko noon when I saw her standing on my locker. Ano naman kaya ang ginagawa niya roon. Lumingon lingon pa ito sa paligid kung kaya nagtago ako. Then I saw na may nilagay ito sa locker ko at sinara na niya iyon. Umalis na ito at nang makita kong nakalayo na siya ay pumunta ako sa may locker ko. I opened it and I saw her love letter. Kinuha ko iyon and I didn't even bothered reading it. Itatapon ko sana iyon sa basurahan but I saw Jiro. Magkatapat kasi ang locker namin kung kaya nakita niya ako. Tinago ko iyong sulat sa bulsa ko. Tumingin ito sa akin pero hindi siya ngumiti. Nilabas lang niya yong libro niya sa locker at umalis na din. At nang makaalis siya ay may naisip ako.
I know na masyado na akong selfish sa gagawin ko but I don't care. Kung kaya nilagay ko ang sulat nang Persia na iyon sa locker ni Jiro, sinigurado kong nasulat roon kung kanina galing ang sulat.
Persia Caramel.
Natawa ako sa pangalan but I found her name cute.
Hindi ko na binasa ang mga nakasulat sa love letter at nilagay ko iyon sa locker ni Jiro. I did that dahil gusto ko mahulog si Jiro sa ibang babae. Gusto kong kalimutan niya ang nararamdaman niya kay Charlotte. Gusto kong magkaayos na ulit kami at by that time, pwede ko nang ligawan si Charlotte. Na hindi ko na magiging karibal ang kaibigan kong si Jiro.
Pumasok na ako noon sa Math subject ko. At pagkatapos ay may P.E pa kami so pumunta na muna ako sa locker ko. And I'm shocked when I saw that Caramel girl, si Persia na nakatago sa may wall. Hindi niya siguro ako nakita pero kita naman siya sa pwesto niya. Siguro ay inaabangan niya kung ano ang magiging reaction ko kapag nakita ko ang sulat sa locker ko. And that scene hurt me. I have to say sorry But I can't kaya naman para hindi siya masaktan I still opened my locker. I stared at my empty locker para lang ipaalam na hindi ko kinuha ang love letter niya. Then after a minute, umalis na ako. I hoped that worked. Kaya nagtago uli ako at tiningnan kung ano ang gagawin ni Persia. Nakita kong binuksan nito ang locker ko. Marahil ay nagtataka kung bakit wala roon ang sulat niya. I felt sorry for her. I felt na masyado na yata akong masama to do that na sa iba ko pa nilagay ang sulat niya. I hoped na hindi ko sana siya nasaktan nang husto.
So what I did was sinundan ko siya after that. Maybe dahil nakikonsensiya ako but I already planned that. And I saw Jiro na naglalakad sa likuran niya so another idea strucked my mind.
I have to call out her name. Tapos kapag lilingon ito ay si Jiro ang makikita niya. Well, nakaheadphones si Jiro so hindi niya maririnig yong sigaw ko."Persia!" sigaw ko at sinigurado kong maririnig niya iyon. Nagtago ako sa likuran at sumilip kung narinig ba niya iyon. It worked. Lumingon si Persia and tiningnan niya si Jiro. I hoped na mapansin niya si Jiro at mapansin rin siya nito. I hoped na sana magkagusto si Jiro sa ibang babae though hindi ko alam kong si Charlotte pa rin ang laman nang puso niya.
The days went on like that. Mag-isa ako at wala man lang nakakausap that is why I was thankful for that notebook and whoever left that on my desk. Until napansin ko na naman ang Persia na iyon na nakatingin sa akin. Maybe she was the one who left this notebook. Marahil siya dahil sa nakita ko ring siya ang naglagay nang love letter sa locker ko. Well, at least may silbi ang kwadernong binigay niya. Hindi ko ito itatapon. Nagdradrawing pa ako nang may maapakan ako sa ilalim nang desk ko. Pinulot ko iyon at nakita kong lapis ni Persia. Nakasulat pa talaga ang pangalan niya sa lapis niya. I don't know kung ibabalik ko ba iyon or iiwan ko na lang sa mesa. Isinantabi ko muna iyon sa gilid nang desk ko at hahayaan na lamang siya na ang kumuha. So noong patapos na ang klase namin ay iniwan ko iyon
pero nakita kong umalis ito. So I have decided na kunin na lamang ang lapis niya. Ibabalik ko na lang kapag may chance ako.
Lumingon ako sa labas at umuulan pa rin so I have decided na hintayin munang tumigil ang ulan bago umuwi. Tumambay muna ako sa hallway mag-isa. Siguro aabangan si Charlotte at kakamustahin man lang.
At tulad nang inaasahan ko I saw Charlotte na mag-isa. May dala dala itong box at nakita kong nahihirapan siya sa pagbuhat noon so nilapitan ko siya at nagbulontaryong buhatin iyon. Binigay naman niya sa akin iyon."Saan mo dadalhin to?" tanong ko sa kanya.
"Sa stockroom," sagot nito. Naglakad kami pareho at nasa unahan siya. Dalawang taon na noong huli kaming magkasama. I don't know kung bakit umiwas siya sa akin nang mga panahong iyon. At sa dalawang taong iyon, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Nga pala, free ka ba ngayon?" tanong nito matapos kong ilapag ang box sa stockroom.
"O-oo, bakit?" tanong ko.
"Labas tayo, sa dating resto,"sagot nito. Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya.
"Okay,"sabi ko at gumanti rin nang ngiti. Maybe ito na ang umpisa na babalik rin kami sa dati. Tinulongan ko pa rin si Charlotte sa pagbubuhat nang mga box papunta sa stockroom. At nang matapos na kami ay bumalik kami sa room nila. Nagpaalam muna si Charlotte na kukunin lang niya ang bag niya sa loob. Hinintay ko siya sa labas at nang lumingon ako sa likuran ay nakita ko si Jiro na palabas sa isang classroom. At pagkatapos nang ilang segundo ay lumabas rin si Persia. Mukhang galit at nakasimangot si Persia at may hawak hawak rin itong papel. Dahil ba iyon sa ginawa ko? I hope na sana hindi sinaktan ni Jiro si Persia. Kasalanan ko rin naman iyon. Umalis si Persia at nilingon ko siya mula sa bintana at kahit umuulan pa rin ay umuwi itong walang payong."Tara na," sabi ni Charlotte. Tulad nang dati, pinahawak na naman niya ang bag niya.
Sumakay kami sa jeep at nang makarating kami sa paborito nitong resto ay umorder na kami.
" Charlotte I wanted to ask you something," sabi ko. Tumingin ito at saka nagkunot-noo."Ano iyon?"
"Nong gabi sa prom noon, bakit ka umiiyak?"
Tinitigan lang niya ako nang seryoso.
"Okay lang kong ayaw mong sagutin," sabi ko.
Nagpuntang-hininga ito bago sumagot.
"Pasensiya ka na kung ngayon ko lang sasabihin. But ...nakita ko kasi yong lalaking gustong-gusto ko nang gabing iyon. I wanted to dance with him but I saw him running away with another girl," sagot nito.
And then I remembered that time that I was running away with Persia. Hindi kaya ako ang tinutukoy niya?
"A-and who's that guy?" tanong ko. Tumingin ito sa akin bagi sumagot. Sana sabihin niyang ako.
"I-I don't know his name. Sa ba kasing section eh. Ang unfair ko nga noon dahil iniwan ko pa si Jiro eh,"sagot nito. Magtatanong pa sana ako pero dumating na iyong order namin at ramdam kong ayaw nang pag-usapan ni Charlotte ang tungkol doon. Pero sa tingin ko hindi naman ganoon ganoon na lamang ang dahilan para umiyak siya nnag gabing iyon. There's something more.Fast Forward
Masaya ako dahil matapos ang araw na lumabas kami ni Charlotte ay ngumingiti na ito at kinakausap ako kapag nagkakasalubong kami sa hallway.
Pagkatapos nang P.E subject ko ay dumiretso na ako sa classroom. Maaga pa naman kung kaya baka wala pa ang mga kaklase ko sa arts. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Persia na nakaupo sa upuan ko. Hawak hawak nito ang puting kwaderno. Marahil ay gusto niyang malaman kong nasa akin pa rin ang bigay niyang kwaderno. Lumapit ako sa kanya at nakita kong namumula na ito dahil sa hiya.
"A-ah.. a-ano p-pasensiya ka na... a-akala ko kasi diyan yong upuan ko.. h-ha-ha," utal utal na sabi nito. Umalis ito sa upuan ko at iniwan niya ang puting kwadernong binigay niya. Siguro ay gusto nitong malaman kong ano ang mga sinusulat ko roon. Dumating na ang iba pa naming kaklase so umupo na rin ako.Ilang minuto lang ang lumipas ay tumingin ako sa direksiyon ni Persia dahil ramdam kong nakatingin ito sa akin. At ang di ko inaasahan ay ang pagtatama nang aming mga mata. Hindi ako umiwas nang tingin at ganoon din siya. At noong tinitigan ko siya, I felt something. Hindi ko maexplain kung ano iyon. I saw her waved at me and I smiled hindi dahil sa kumaway siya pero dahil pulang pula na siya. Umiwas na ako nang tingin dahil baka mahimatay pa siya kapag titingnan ko siya nang matagal.
Nilabas ko na ang puting kwadernong iyon and I started drawing her face. Yong pulang pula niyang mukha at di ko mapigilang huwag ngumiti kapag naaalala ko ang mukhang iyon. At pagkatapos nang discussion namin ay nagligpit na ako nang gamit nang makita ko ang lapis ni Persia sa bag ko. Maybe isasauli ko na lamang iyon. Kinuha ko iyon at lumapit sa kanya. Abala siya sa pagliligpit nang gamit niya at nang mapansin niya ako ay lumingon siya. Sobra na naman ang pamumula nito at kahit gusto kong pagtawanan ang mukha niyang iyon ay pinigilan ko. Iniabot ko ang lapis niya at natagalan pa siya bago iyon abutin. Nagpasalamat siya at tumango lang ako. Pagkatalikod ko ay doon ko na pinakawalan ang mga ngiti ko.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...