Zach's POV
December 31
Napatingin ako sa kalendaryo. December 31 na pala and it's been two weeks simula nang makita ko uli si Persia.
Madilim pa rin sa paligid dahil alas kwatro pa lamang nang madaling araw.
I adjusted my vision at nang tumagal ay bumangon ako mula sa pagkakahiga. I switched on the lights at tumingin tingin sa paligid. My room is a little bit messy dahil sa nagkalat na mga papel at mga nakabuklat na mga libro. Hindi rin naman ako makatulog kung kaya naisipan kong linisin ang table sa kwarto ko. Kumuha ako nang mga kahon kung saan ko ilalagay ang mga hindi ko gagamitin na papeles. Inayos ko iyon at inilagay ang mga libro sa bookshelves sa kwarto ko. Iniarranged ko iyon para kung sakaling may kakailanganin ako ay alam ko kung saan ko inilagay ang libro.
I did that for almost an hour at pagkatapos ay naisipan kong magjogging. Kumuha ako nang manipis na sweatshirt at kinuha ko rin ang headphones ko.
I locked the house at itinali ko nang maayos ang shoelaces ko. That was when I was having a deja vu.
Flashback
(Five years ago.....)
Naglalakad ako sa hallway at katatapos lang nang klase namin. Papunta ako sa C.R para magpalit nang P.E shirt dahil may soccer pa kami. Gusto ko pa naman sanang maglaro nang basketball pero wala akong magagawa dahil sa soccer ako napunta. Kukunti pa lang ang naglalakad sa hallway. Hawak hawak ko iyong P.E shirt ko nang mapansin kong naalis ang sintas nang sapatos ko. Umupo ako at saka itinali iyon at pagkatapos ay iniangat ko ang ulo ko. Napansin ko iyong babaeng nag-iwan sa table ko nang notebook.
I think her name was Persia. Iyon ang pangalang binaggit nang teacher ko noong binato niya ito nang chalk.
Naglalakad ito sa hallway at mukhang nagmamadali. May hawak hawak itong painting at nakangiti pa ito habang palakad lakad sa hallway. I never noticed her before not until, lagi kong napapansing nakatingin ito sa akin.
Sinundan ko siya nang tingin at nakita kong inilagay niya ang painting niya sa may bulletin board. Ngumiti pa ito at pinunasan iyong salamin nang bulletin. Nagtaka tuloy ako kung ano ba ang nasa painting na inilagay niya.
Nakita ko uling pabalik ito sa room niya at kunwari ay nagtatali pa rin ako nang sintas nang sapatos. At nang makita kong palapit na siya ay naisipan kong patidin siya. Bago pa niya ako malagpasan ay pinatid ko siya at muntikan na siyang sumubsob sa sahig.
"Excuse me po, Kuya huwag po kayong humarang sa daan," sita niya ngunit nanatili akong nakayuko at kunwari ay inaayos ang sintas nang sapatos ko. Marahil ay hindi niya ako nakikilala. Hindi na siya nagsalita pa at nang makaalis ito ay pinuntahan ko ang mga painting na nakadisplay sa bulletin board. Nasaan kaya ang painting ni Persia rito?Marami kasing mga painting na nakadisplay rito eh. Tig-iisa kong tiningnan ang painting and nagtaka ako doon sa isang painting.
Maybe this painting was hers.
She made use of cubism. Hindi ko nga naintindihan ang painting niya dahil mukha yatang abstract. Pero sa tingin ko, iyong painting niya ang nagstand out among the other paintings dahil sa mga colors na ginamit niya. Maya maya pa ay may mga ibang studyante ring tumingin sa mga nakadisplay na paintings. And noong aalis na sana ako ay naalis iyong sintas nang sapatos ko.
Bakit ba lagi na lang naalis ang sintas nang sapatos ko? Iaayos ko sana iyon nang may babaeng nakatayo sa harapan ko. It was Persia. Nakatingin siya sa mga nakadisplay na paintings kaya nagtaka ako.
Anong ginagawa niya rito? Kakaalis lang niya kanina. Bakit siya bumalik?
Nakatayo siya sa harapan ko at nang humakbang ito paatras ay naapakan niya ang paa ko dahilan para lumingon siya. Nang makita niyang ako iyon ay namula ito. Tumalikod ito bigla at mukhang tinatago niya sa akin ng namumula niyang pisngi.
Makalipas ang ilang segundo ay lumingon ito sa akin.
"P-pasensiya n-na....," sabi niya at saka umupo para itali ang sintas nang sapatos ko. Nabigla ako dahil hindi naman niya kasalanan kong bakit naalis ang sintas nang sapatos ko. Hindi ko pa siya napigilan at nakatingin lang ako sa kanya habang iyong ibang studyante ay nakatingin sa amin.
Bakit niya iyon ginawa? Humingi uli ito nang sorry at saka patakbong umalis.
Weirdo. Napakaweird talaga niya.
"Zach! Uy, Zach! Kanina ka pa namin hinihintay ah!" tawag sa akin nang kaklase ko. Oo nga pala may P.E pa ako. Umalis ako roon at tumungo sa field.
Pero noong hapong ding iyon ay nakita ko ang painting ni Persia at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para kunin iyon. Sinigurado ko pang walang studyanteng nakatingin sa akin.
*** End of flashback****
Isinaksak ko ang earphones ko sa tenga at nagsimulang magjogging. Nagpaikot-ikot lang ko sa subdivision and pagkatapos nang ilang round ay bumalik ako sa bahay. Ala sais pa lang nang umaga ay nakareceive na ako nang tawag mula kay Soda. Tuloy na tuloy daw ang party mamaya sa kanila at imbitado ako. Sumagot naman akong dadalo ako dahil wala naman sina mama sa bahay. Ako na ang nagluto nang breakfast ko at saka pagkatapos ay naligo na ako. Balik na naman sa hospital kahit patapos na ang taon. Trabaho naming mga doctors na bantayan ang mga pasyente.
Dinala ko ang kotse ko sa hospital at alas otso pa lang nang umaga ay may mga nakapila nang magpapacheck-up.
Wala pa roon si Persia dahil mamayang alas dos pa ang consultation namin.
Halos hindi na ako nakapaglunch dahil sa dami nang nagpaconsult kung kaya nang sumapit na ang alas dos ay hindi na ako nakakain pa dahil dumating si Persia.
Iniabot niya sa akin ang puting notebook at nang aabutin ko sana iyon ay tumunog iyong sikmura ko.
Nakakahiya! Tumingin siya sa akin sabay talikod at pinipigilan ang kanyang tawa. Samantala ako sa upuan ay medyo namumutla na.
"Mukha yatang hindi kapa nakapaglunch doc... bakit hindi na lang tayo kumain sa labas tutal pwede naman tayong mag-usap roon habang kumakain," sabi niya at ngumiti.
*****
"So ito po iyong mga naaalala ko, " sabi ni Persia at iniabot sa akin ang puting kwaderno. Kumakain kaming dalawa sa canteen nang hospital at pinagtitinginan kami nang mga nurses at kapwa ko doctors. Hindi ko na lang sila pinansin at binasa ang mga nakasulat sa kwaderno.
Ang isinulat niya roon ay ang mga alaala niya sa isang mataong lugar. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihing mataong lugar kaya ikinuwento niya sa akin.
"Over the past two years lagi ko na lang nakikita ang sarili kong naglalakad sa isang park ... tapos may lalaki sa tabi ko.... hindi ko lang gaano makita ang mukha niya...," sabi niya at uminom nang shake.
"Maybe... pwede ka naman sigurong maglakad lakad sa mga lugar malay mo may maaalala ka," sabi ko at ibinalik ang kwaderno.
" I guess so... p-pero sa tingin ko kasi doc, hindi siguro ako nagkaroon nang magandang alaala sa loob nang ilang taon... dahil kung mayroon man... I think dapat matagal na akong hinanap nang mga taong nakalimutan ko na," sabi niya at tumingin sa akin nang diretso.
Nasaktan ako sa sinabi niya. Hinanap? Doon nga siguro ako nagkulang. Hindi ko man lang siya pinadalhan nang sulat noon at malay ko, baka dumating pa ang balita sa akin at bumalik ako.
"Noong isang araw..... a-ano pala iyong sin---," tatanungin ko sana siya tungkol sa sinabi nito noong isang araw bago siya umalis ngunit may lalaking tumawag sa kanya mula sa likuran ko.
Lumingon ako sa likuran at may lalaking kumakaway sa kanya. Napakunot-noo akong tumingin doon sa lalaking palapit sa direksiyon namin.
"Hindi mo man lang sinabi sa akin para sinamahan kita. Day off ko ngayon," sabi noong lalaki kay Persia at hinawakan niya ito sa balikat.
Hindi ko kilala ang lalaking ito at ngayon ko lang siya nakita. Hinawakan ni Persia ang kamay noong lalaki.
"By the way, siya pala ang doctor na sinasabi ko.... si Doctor Zach Buenavista," sabi ni Persia at inilahad naman sa akin noong lalaki ang kamay niya. Iniabot ko iyon at saka ngumiti.
"And you're?" tanong ko dahil gusto kong malaman kung sino ang lalaking ito at kung bakit siya nandirito.
"Nice to meet you Doc Zach, I'm Alexander. Her boyfriend."
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...