Part 11

234 5 1
                                    


Persia's POV

Zach?!

Kung panaginip ito, pakisapak naman ako oh para naman magising na ako. Hindi ko alam kong bakit ganoon pero ibang iba na yata ang Zach na nakikita ngayon sa nakilala ko at minahal ko noon.

Dahil ang kulay nang buhok ng Zach na nakikita ko ay kulay pula. May piercing na rin ito sa magkabilang tenga at sa aaminin ko, mas lalo pa itong gumwapo. Nakasuot rin ito nang headband at ngumunguya nang bubble gum. Nasaan na iyong lalaking tahimik at inosenteng Zach na nakilala ko?

"Ang gwapo nong naka jersey nang 3!" nakikilig na sabi ni Stacey at nilabas pa ang cellphone para picturan si Zach. Siya kasi yong nakasuot nang number 3 na jersey.

Agad agad akong napafacepalm nang maalala kong sumigaw ako kanina. Oh hindi!! Paniguradong narinig niya iyon at nakita niyang AKO MISMO NA SI PERSIA CARAMEL ANG SUMIGAW!!!!

Wala na. Wala na talaga. Kasalanan nang dalawa ito kung bakit ko chineer si Isiah kung kaya tinitigan ko sila.

"Oh Persia, bakit ganyan ka makatingin? Para namang mamamatay tao kami sa mga tingin mo," -Stacey

Gusto kong sabunutan, suntukin o ano tong dalawang ito kaso di ko magawa dahil kaibigan ko sila kung kaya yong bag ko yong pinagsususuntok ko. Nakakainis!

Tinaasan lang ako nang kilay nong dalawa at mas naiinis pa ako dahil puro si Zach ang usapan nila. Sabi ko nga sa kanila tutulo at tutulo ang laway nila sa Zach na iyan.

Nag-umpisa na ang laro officially at yong mga mata ko ay kay Zach lang nakatingin. Yong matangos niyang ilong, yong mga mata niya, yong mga ngiti niya, yong pagdribble niya nang bola at pagshoot niya nang bola, masyado na siyang perpekto para sa akin.

"Uy, nakita mo iyon? Naka three points yong boyfriend mo," sabi ni Stacey.

"HINDI KO SIYA BOYFRIEND OKAY," wala na akong pake kung malakas ang boses ko o sumigaw man ako dahil ang importante sa akin ay nahanap ko na uli si Zach.

"Eh kasasabi mo lang kanina na bebe mo eh,"-Trisha

"Fine! Pero hindi ibig sabihin noon ay boyfriend ko siya! At saka tigil tigilan na nga ninyo yang kakapicture niyo sa number 3 na iyon,"sabi ko. Mukhang nabadtrip yata ako dahil wrong timing yong mga nangyari ngayon. Kung hindi sana inagaw ni Stacey yong phone ko di sana hindi na niya nireplayan si Isiah! Pero kung hindi nangyari iyon eh malamang hindi ko makikita si Zach.

"Bakit ka ba galit? Picture lang naman ah saka makapagreact ka kala mo naman kilala mo," Trisha

I rolled my eyes. Gusto kong sabihin sa kanila na si Zach iyon pero baka magsisisigaw na naman sila dito sa gym at mapupunta na naman sa akin iyong attention nang mga tao kaya huwag na lang.

"Kyaah! Tumingin ka dito numero tress!"-Trisha

"Ang gwapo talaga niya!"-Stacey

Magkalaban ang grupo ni Zach at Isiah at dikit ang laban. Masyado silang magagaling at ang hirap makapuntos. 22 yong score nina Zach at 23 naman kina Isiah. Malapit nang matapos yong game at sa last 10 seconds nakapuntos si Zach kung kaya natapos ang laro na wagi ang kanilang grupo. Pumalakpak pa ng ako nang manalo ang grupo nina Zach.

"Uy, bakit ang saya saya mo eh natalo nga yong grupo nina Isiah ,"-Trisha

Saka lang ako natauhan nang sabihin iyon ni Trisha. Agad agad akong nagdahilan sa kanila.

"Huh? A-ah... at least nga kahit natalo sila maganda pa rin iyong laban," sagot ko at mas lalo pa yata silang naguluhan sa sagot ko.

"Wala ka naman sigurong sakit?" tanong ni Stacey at kinapa ang noo ko.

"Hey Persia!" Yan na naman tayo. Tinatawag ako ni Isiah. Nakangiti ito at kumakaway pa sa akin. Ngumiti ako pero iyong pekeng ngiti. Pinapababa niya ako sa bench at tinulak ako nang dalawang kaibigan ko pababa kaya wala na akong nagawa.

"N-nice game...," iyon lang ang nasabi ko. iyon lang kasi ang pumasok sa isip ko.

"But we lost. And by the way did I heard it right? You called me bebe?" tanong nito at saka tumawa pero iyong attention ko ay napunta kay Zach na nakaupo at umiinom nang tubig.

Siniko ako ni Trisha nang mapansing hindi ako sumasagot sa mga tanong ni Isiah.

"Oo," yon lang ang nasabi ko at tumingin ulit kay Zach. Nagpunas ito nang pawis at sa di ko inaasahan ay nagtama ang aming mga mata. Hindi ako umiwas at hindi rin ito umiwas. Nakatingin lang kami sa isat isa na para bang kami lang iyong tao sa gym.

"Uy Persia, kanina ka pa tulala diyan," -Stacey

"Hah? w-wala," sagot ko. Umalis muna si Isiah nang tawagin siya nang mga kagrupo nito. Nilingon ko ulit si Zach at nakita kong paalis na ito.

"Cr lang ako," paalam ko kina Stacey at Trisha. Sinundan ko si Zach at nakita kong naglalakad ito papuntang men's shower room. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinundan basta ang gusto ko ay makita ko at makausap siya. Kahit kabado ako ay tinawag ko ang pangalan nang taong kahit kailan hindi nakalimutan nang puso at isipan ko.

"Zach!" mukhang mahina ata ang sigaw ko at hindi ito lumingon kaya nilakasan ko ulit.

"ZACH!" This time huminto siya at lumingon sa akin. Nakatingin ito sa akin nang deritso at nakakunot-noo. Lumapit ako at pakiramdam ko bibigay na ang mga tuhod ko. Ayoko namang matumba at gapangin na lamang ang natitirang distansiya sa amin.

"Z-zach?"

Nakakunot-noo pa rin itong nakatingin sa akin. Ibang iba nga talaga siya sa lalaking nakilala ko noon. Iba ang aura niya at ang mga titig niya. Mas lalo pang naging cold at mukhang hindi mo pa makakausap ang taong kagaya niya dahil sa itsura nito.

"Who are you and what do you want from me?" tanong nito na ikinagulat ko.

As in tinatanong ba niya kung sino ako?! Hindi yata kayang iprocess nang utak ko yong tanong niya kung kaya nakaalis na ito bago pa ako nakasagot. Ilang minuto yata akong naiwang nakatayo doon mag-isa bago ako bumalik sa realidad.

Hindi ba niya ako namukhaan? O baka naman hindi na niya ako matandaan? Nagka-amnesia ba siya?! Kung ano anong tanong iyong pumasok sa isipan ko. Alam kong si Zach iyon dahil kahit iba na ang kulay nang buhok at istilo nang pananamit at ayos nito ay alam nang puso kong si Zach iyon. Ang lalaking una kong minahal.

(A/N: Char! Kinilabutan na naman ako sa mga pinagsusulat ko haha. Anyways, naiimagine niyo ba si Bebe Zach? Yong bago niyang ayos ngayon? Yong badboy tingnan? Kinilig ako sa kanya infairness 😂😂 But Wait, ano kayang nangyari kay Zach at hindi niya makilala si Persia?") Abangan!

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon