Persia's POV
After our date, hindi na ako nagkaroon pa nang time para yayain uli si Zach lumabas. I'm still working at the W cafe. Napromote naman si Papa sa company na pinagtatrabuhuan niya kung kaya pinaparesign na niya ako. Sinabi kong sa susunod na linggo na lang ako magresign dahil tutulong muna ako sa Cafe nina Brylle. Pinapadesign kasi niya ung Cafe at ang theme ay Love dahil malapit na ang Valentines Day.
Nasa Cafe nga ako at gumugunting nang mga letterings nang bumukas ang pintuan. Maaga kaming nagsara para makapagdesign. Baka costumer na hindi nabasa yong close na sign.
Lumingon ako at nakita ko si Brylle. May hawak itong isang bote nang alak at pagewa gewang pang pumasok.
Hay naku. Ano bang gagawin ko sa lalaking ito.
"Pershia....," tawag niya sa akin at inalalayan naman siya ni Edward.
"Okay lang po ba kayo?" tanong ni Edward kay Brylle.
"Kashi... alam mo.... asdfghjkl," hindi namin maintindihan kung ano ang pinagsasabi niya.
Hinayaan na lamang namin siya sa isang table at inaasikaso ko ang mga letterings.
Tumunog ang cellphone ni Brylle. Binigay sa akin ni Edward yong phone niya. Unknown number naman iyon kung kaya nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko.
Baka naman mama ni Brylle ang tumatawag at hinahanap siya nito.
Sinagot ko iyon at pamilyar na boses ang sumigaw mula sa kabilang linya.
"Hoy lalaking walang magawa sa buhay! Nasaan ka ba hah?! Hinahanap ka na nang mama mo sa akin at Jusko! Kakarating ko lang dito sa Pinas ah at ako pa ang may kasalanan kung bakit naglayas ka!!!"
It was Miki.
"H-hello, Miki. S-si Persia to," sabi ko sa kanya mula sa kabikang linya.
"Huh? P-persia? M-magkasama kayo ni Brylle?"
Nagpaliwanag ako kay Miki at sinabi kong lasing si Brylle at hindi ko alam kung saan siya nakatira. Sinabi naman niyang pupunta siya rito. Pinahiga muna namin si Brylle sa sofa sa likuran at hinintay na dumating si Miki.
"Persia!" sigaw ni Miki nang makita niya ako.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
" Akala ko ba magtatagal ka sa America?!" tanong ko.
"I have to come back. Dahil alam mo naman hindi ba?" sabi niya.
Oo nga pala. Buntis siya.Hinila ko siya at saka bumulong.
"Sino ba ang ama niyan?" tanong ko.
" I...I... I think it's not the right time para sabihin sa iyo," sagot niya. Hindi na ako nagtanong pa.
Umupo kami sa isang table at nagkwento muna siya.
"I still have a jetlag. And I came back dahil nga I'm pregnant. Hindi ko sinabi kina mama and accidentally nagkita kami ni Brylle. Namukhaan niya ako and kahit nga nag-away kami before I left, sinabi kong ihanapan niya ako nang matitirhan but nah, heto siya lasing. Kinontact pa ako ni tita para tanungin baka sakaling alam ko kung nasaan siya nagtatago," kwento ni Miki.
Nagkwento pa ito nang tungkol sa nangyari sa kanya sa America. But dahil gumagabi na ay kailangan na naming umuwi. Hinintay ko munang makasakay sila ni Brylle sa taxi bago bumalik sa loob nang cafe.
Kinuha ko ang mga gamit ko at aalis na sana ako nang mapansin ko ang naiwang cellphone sa ibabaw nang mesa.
Kay Brylle iyong phone ah.
Nakalimutan ata niya ang cellphone niya. Kinuha ko iyon at ibabalik na lamang sa kanya iyon bukas.
Inilagay ko ang phone niya sa pouch ko. At naghintay na ako nang masasakyan. Nang makasakay na ako sa Taxi ay biglang tumunog ang cellphone ni Brylle.
Nilabas ko iyon at wala namang password eh. Isang text message mula kay Soda ang nabasa ko. Naisipan kong pumunta sa gallery niya. Wala namang masama kung titingnan ko ang mga larawan doon.
Mga stolen shots ko ang nakita ko doon. Hindi ko alam kung idedelete ko ba o hindi. May mga larawan naman si Brylle kaso puro nakahawak nang bola o nang paborito nitong basketball player.
Tiningnan ko naman ang mga videong kinuha niya baka pati ako kinuhanan niya nang video.
Nagplay ako nang isang video at si Brylle ang nagsasalita sa screen. Nasa bar ito dahil sa maingay na tugtog. Mukhang sinasabayan niya ang kanta at nang mapatingin ako sa likuran ni Brylle mula sa kinuha niyang video ay nagulat ako sa nakita ko.
Si Zach.
Hindi ako nagkakamali. Si Zach ang nakikita kong nakaupo sa couch at may kahalikang iba.
Hindi ako makapaniwala sa napapanood kong video. Tumulo ang mga luha ko at napahawak sa naninikip kong dibdib.
Ano bang ibig sabihin nito?!
Inioff ko ang phone at nagpunas nang luha.
Humagolgol ako sa nalaman ko. Ano pa bang hindi ko nalalaman tungkol sa kanya?!
***
Fast Forward
"Here," sabi ko kay Brylle sabay abot nang cellphone niya. Nakasalubong ko kasi siya sa hallway mag-isa at mukhang may hang-over dahil sa nakahawak ito sa kanyang ulo. Tiningnan niya ako at saka inabot ang cellphone.
"Paano napunta sa iyo toh?" tanong niya.
Nag-explain naman ako sa kanya.
"Si Miki? Kasama mo ba? " tanong ko.
"Yah pero kaninang umaga lang," sagot niya. Nakatingin pa rin siya sa akin at nang malaman niyang wala na akong ibang sasabihin ay humakbang siya paalis.
" Nakita ko ang nasa gallery mo," sabi ko. Naramdaman kong huminto ito sa paglalakad at tumingin sa akin.
"Ang alin?" tanong niya.
Para bang nareplay uli sa utak ko ang napanood ko sa cellphone niya. Pinigilan ko ang mga luha ko na gustong pumatak mula sa naalala kong video ni Zach.
"About Zach," sagot ko.
"I told you. ... No, I warned you," sabi niya at saka humakbang paalis.
Naiwan akong mag-isa sa hallway at isa isang pumatak ang mga luha ko. Hahakbang na sana ako paalis nang mapahinto ako dahil sa mga paang nasa harapan ko.
Hindi pa ako nakapagpunas nang luha nang iangat ko ang aking ulo.
Si Zach. Nakatingin siya sa akin at mukhang pawisan pa. Nakaheadband pa ito at nakahawak nang bola.
Nakakunot-noo itong nakatingin sa akin. Marahil ay nagtataka kung bakit ako umiiyak.
Humakbang siya palapit sa akin at saka binitiwan ang bolang hawak hawak niya. Hinawakan niya ako sa braso at pinunasan ang aking mga luha.
" Who made you cry?" tanong niya.
Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya at ganoon din siya.
"Bakit ka umiiyak?" tanong niya at saka niyakap ako.
Ikaw.
Kung alam mo lang kung bakit ako umiiyak, tatanungin mo pa rin ba ako?
Hindi ko nasabi ang mga katagang ito. Pinagtitinginan na kami nang mga ibang studyante. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at saka nagpunas nang luha.
"Zach pasensiya na," sabi ko at tumakbo palayo sa kanya.
Kailangan ko nang time para pag-isipan kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung magtatangatangahan o tapusin na ang lahat lahat sa amin ni Zach.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomansaPaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...