Part 32

187 2 0
                                    


Persia's POV

" And you dyed you hair violet?!"-Brylle

"Para mas lalong maging bagay tayo,"-Miki

"In your wildest dream, pinirmahan ko lang ang kontrata dahil you blackmailed me!"-Brylle

" Shut up asawa ko! Alam ko namang talagang ginusto mo iyon eh! And besides, wasn't that a great idea nong niregalohan tayo ni papa nang sarili nating bahay?!"-Miki

" Bahay mo! Hindi ako titira doon,"-Brylle

" Whatever Brylle Washington, wala ka nang magagawa dahil we're officially engaged!"-Miki

Ganito yong eksenang naabutan ko sa canteen. Nahuli kasi ako dahil may group discussion kami. Nasa table na si Miki, Brylle at ang tatlong kaibigan ni Zach. Umupo na ako at tinanong kung nasaan si Zach.

"He's busy. At baka mamaya ay may practice game uli ito," sagot ni Soda.

Nalungkot yong mukha ko sa narinig ko. Nawalan tuloy ako nang ganang kumain.

Nilabas ko yong phone ko at wala naman siyang text. Kung tawagan ko kaya siya? Ano namang sasabihin ko? Tsaka ano bang pinasbubusyhan ni Zach? Wala naman siyang nakwento eh. Hanggang sa matapos na ang break ko ay hindi ako makapali. Nasaan kaya si Zach? Pupuntahan ko na lang siya sa gym mamaya at papanoorin sa practice game niya. Mabuti pa nga.

Lumipas yong mga oras at nang matapos ang klase ko ay nagpaalam ako sa mga kaibigan kong pupuntahan ko si Zach. Inasar pa nga nila ako masyado na raw akong maaalahanin sa boyfriend ko. Hindi ko naman siya boyfriend.

Naglakad na ako papunta sa gym nang makasalubong ko si Isiah. Mag-isa lang siya at nang makita niya ako ay huminto ito. Hindi ko na siya pinansin at nagdirediretso. Nang malagpasan ko siya ay bigla na lang niya akong hinila. Nilingon ko siya at pilit kumakawala sa mahigpit niyang pagkakahawak.

" Rinig kong you're dating that red haired guy," sabi nito at saka ngumisi.

"At ano naman ngayon kung oo!?" sagot ko.

" You have to pay for rejecting my offer before. I thought na madali lang mapasagot ang babaeng katulad mo,"sabi niya.

" Ibahin mo ako Isiah. Hindi ako tulad nang inaakala mo," sagot ko. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko at hinigpitan pa niya ang pagkakahawak.

"Talaga? Sa tingin mo papatulan ka talaga noon? Kilala ko ang mga katulad niya, he's not that serious sa mga katulad mo," sabi niya.

"Ibahin mo siya Isiah. Hindi siya kasing itim nang ugali mo at lalong hindi siya kagaya mong parang asong naghahabol sa kagaya ko," sagot ko. Mukhang napikon ko yata siya sa sinabi ko kaya mas lalong hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko dahil nasasaktan na talaga ako.

Isang kamay ang sumuntok kay Isiah mula sa likuran ko.

"Sh*t!" I heard Isiah cursed at napahawak pa ito sa kanyang pisngi.

"I didn't gave you the permission to touch her," sabi ni Zach at hinila niya ako sa likuran niya.

Isiah smirked at maya maya ay umalis na rin.

"Are you okay?" tanong ni Zach sa akin at tumango ako. Hinila niya ako papunta sa gym at pinaupo niya ako sa may bleacher. Sinabi niyang panoorin ko na lang siya sa practice game niya. Tinitingnan ko lang si Zach noon habang naglalaro siya.

"Si Zach ba iyon? Yong kulay pula ang buhok?" rinig kong sabi noong babae sa likuran ko.

"Yes, ang gwapo talaga niya!" kinikilig na sabi naman noong kasama niya.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon