Part 60

140 3 0
                                    


Zach's POV

"Congratulations!" bati ko kay Soda nang lumapit ito sa amin. Umalis rin si Brylle sa tabi ko and when Soda left para pasalamatan pa ang ibang mga bisita, mag-isa na ako roon.

I sat there for almost half an hour at kumain na rin. Hindi rin ako nagtagal roon dahil tinawagan ako ni Dr. Smith. May emergency raw sa hospital and kailangan nila nang isang doctor to do the operation. Nagpaalam ako sa kanila and I immediately drove my way papunta sa hospital. I haven't handled any operations before when I came back from Singapore a week ago.

Nagpark ako sa basement and dali-daling pumunta sa room kung nasaan si Dr. Smith. Inabutan ako nang nurse nang lab gown and kinausap ako ni Dr. Smith.

"The patient needs to be operated as soon as possible dahil kung hindi baka tumaas ang possibility na 10% chance na lang ang mayroon para mabuhay siya. I am a neurologists and I know what I'm doing. "

Ito ang linyang binitiwan ko nang sabihin sa akin nang isang doctor na baguhan pa lang ako at hindi dapat ako nagmamagaling. Tumahimik naman siya and hindi na nagsalita.

I looked over at the records noong pasyente and I found out that may tumor nga ito sa ulo. Kailangan niyang maoperahan sa mas madaling panahon or else baka hindi kayanin nang katawan niya ang operasyon kapag natagalan. Dr. Smith wanted me to do the operation now at alam kong risky ang gagawin ko kaya sinabi kong kailangan ko munang pag-aralan ang patient bago operahan. Sumang-ayon naman ito.

Kinuha ko ang mga records nang pasyente. I went to the room na nakaassign sa akin para sa consultation or check-up. Hindi lang tumor ang mayroon sa patient, unfortunately, nadiagnosed rin ito nang hydrocyphalus. Kaya kailangan munang unahing alisin ang tubig malapit sa utak niya before the tumor. I stayed the whole night sa office ko and ginising lang ako nang isang nurse para sabihing tumutunog ang cellphone ko.

It's 8 Am and Zayne was calling me. Hindi ko nga pala siya ininform that Dr. Smith asked me to do something. I explained to her kung bakit hindi ako nakauwi. Sinabi naman niyang sasabihin na lamang niya kay mama. I hanged up the phone at pinikit muli ang mga mata ko.

"Doctor kape ka muna," sabi noong nurse at inabutan ako nang isang basong kape.

"Thank you," sagot ko at nginitian iyong nurse. She blushed at nagpacute pa sa akin. May mga narinig rin akong tilian sa labas nang opisina at may mga babaeng sumisilip sa pintuan.

I cleared my throat at sinabi sa nurse na pwede na siyang umalis. Sinigurado ko ring nakasara iyong pintuan baka pumasok pa ang mga nurse dito. I massaged my forehead at ibinalik ang attention ko sa mga plano ko para sa operation. I'm confident na magiging successful ang operation ko.

I called Dr. Smith and pinag-usapan namin ang tungkol sa gagawin kong operation. Sumang-ayon naman siya that we will do the operation together.

We planned carefully lalo na at buhay ang nakataya rito. Aalis na sana siya sa office nang biglang may kumatok sa pintuan. Isa sa mga nurse na nakaassign sa pagbabantay sa pasyente.

"Doc, I'm sorry to inform pero wala na po ang pasyenteng dapat ay maooperahan..." nanginginig na sabi noong nurse.

"What do you mean?"

"Doc... h-hindi po kasi kinaya noong pasyente...masyadong mahina ang katawan niya and masyado nang delayed ang operation. It should have been six months ago pa sana," pagpapaliwanag nang nurse.

"Dr. Smith? B-bakit ngayon niyo lang naisipang operahan iyong pasyente na dapat ay six months ago dapat?!" tanong ko.

"Dr. Buenavista... calm down. Kalahating milyon ang babayaran nang pasyente para sa operation at wala sila noon. How about our doctor fee?!" -Dr. Smith

"Doctor fee?! Kahit kalahating milyon pa iyon, we're talking about life here. Hindi naman siguro tayo naging doctor para maningil lang! We're doctors and its our responsibility to take care of the health of our patients!" sigaw ko.

Hindi ko gusto ang mga dahilang walang pambayad ang mga pasyente kaya napipilitan silang patagalin ang operation. Kung kailangang gawin iyon, gawan nang paraan. We're just losing another life if we cared too much on getting an amount before performung an operation.

Umalis ako roon at nagtungo sa kwarto nang pasyente. I saw the whole family crying habang nilalagyan nang puting kumot ang namatay na pasyente.

Lumapit ako roon sa nanay at humingi nang sorry sa nangyari. Humagulgol pa ito lalo kaya I comforted her by tapping her back. Naaawa ako sa mga pamilyang hindi man lang nagawang ipaopera ang miyembro nang pamilyang may karamdaman dahil sa kahirapan. Nang idala na sa morgue ang bangkay ay bumalik ako sa office ko. Iyon sana ang unang pasyenteng matutulongan ko pero hindi ko na nagamot o natulongan man lang ang pasyente. I closed my eyes at pumikit saglit.

***

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at paggising ko ay parang may babaeng kumakanta sa tabi ko. Naramdaman ko ring bukas ang bintana dahil sa malamig na simoy nang hangin.

Napakakulit talaga nang nurse na iyon. I told her na huwag siyang pumasok sa office ko kapag wala akong pasyente. I need to rest dahil napuyat ako and I'm quiet disappointed dahil sa nangyari sa pasyente kanina.

Hindi pa ata nakutento iyong nurse ay nilakasan niya yong paghuhum niya. The song was familiar to me pero mali yata ang disturbuhin ako habang nagpapahinga. Sumandal ako sa upuan ko at hinanap ko iyong nurse. Nakatalikod siya sa akin.She's not wearing a nurse uniform at nakasuot lang ito nang kulay puting palda. Nakatayo siya sa may bintana at mukhang nagpapahangin doon.

"Who told you to come at my office?" nakacross arms ako habang nakatingin sa kanya. Kaso nagpatuloy lang ito sa paghuhum at nakatalikod sa akin na para bang walang narinig.

"Hey?! Naririnig mo ba ako?!" This time ay nilakasan ko ang boses ko at mukhang narinig niya.

Huminto ito sa pagkanta at lumingon siya sa akin. Nagtama ang aming mga mata at parang tumigil sa pag-ikot ang mundo nang ngumiti siya sa akin.

"Pasensiya na. Nagising ba kita...?"

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon