Persia's POV
"I'm so sorry! I didn't mean to do that," paulit ulit na paumanhin noong babaeng nanampal sa akin. Matapos kasi ako nitong sampalin ay umalis ito kahapon. Nagulat nga ako noon dahil akala ko fiancee siya ni Zach. I thought she was Charlotte at kinabahan ako doon. Naalala ko tuloy yong sinabi ni Stacey. What if maunahan ako? What if huli na ako kung aamin ako kay Zach?
"I'm really sorry," paumanhin ulit nito. Nasa may gate kami at hinarang niya ako para daw magpasensiya sa nangyari kahapon dahil nabigla lang daw ito.
" Ayos lang yon," sabi ko. Tiningnan pa niya ako para siguraduhing ayos lang talaga ako. Nakasuot ito nang mahabang palda na kulay dilaw na umaabot hanggang ankle at chubby siya pero hindi naman siya masyadong mataba. Napakacute nga niya dahil sa malalim nitong dimples sa magkabilang pisngi. At halatang may lahi ito dahil singkit at malambot at mukhang alagang alaga ang kutis nito.
"By the way, I'm Meiko Sachiro but you can call me Miki," pagpapakilala nito.
"Pero sino ba yong fiancee mo na sinasabi mo?" tanong ni Stacey. Ngumiti ito bago sumagot.
" Si Brylle Washington!" sabi nito at saka tumalon talon pa sa saya.
"Si mushroom?!" gulat kong tanong at tinaasan niya ako nang kilay.
"Mushroom? Bakit naman mushroom ang tawag mo kay Brylle?" tanong nito.
"Y-yong kulay kasi nang buhok nito," sagot ko. Tumango ito at binalewala na lang yong sinabi ko.
"Since katatransfer ko lang sa Eastville baka pwede namang itour niyo ako rito," sabi nito at patingitingin sa kanyang mga kuko.
"S-sige ba," sagot ko. Baka wala itong kakilala sa university so since kami na yong una niyang nakilala then pumayag ako. Inunahan niya ako sa paglalakad at nakapagtataka lang kasi mukhang alam naman niya yong pasikot sikot sa campus eh.
Umikot ikot kami sa lahat nang buildings sa university at halos mapagod kami kakalakad.
"By the way, nasaan ba madalas tumambay si Brylle?" tanong nito. Pinahawak niya ang bag niya sa akin dahil nabibigatan daw siya. Hindi ako nagreklamo marahil ay pagod na rin ito. Wala rin kasi akong dalang libro kung kaya kinuha ko na.
"Sa cafeteria. Doon kasi madalas tumambay yong grupo nila," sagot ni Trisha.
" How did you know about that? Don't tell me.... na sikat ang grupo nila rito sa university? Hindi naman siguro iyon nakakapagtaka dahil mga gwapo sila,"" tanong nito.
" Oo since varsity players silang lahat sa grupo and close sila ni Persia," sagot ni Stacey. Ramdam kong hindi yata gusto ni Stacey si Miki marahil ay naaartehan ito sa kanya.
"Close kayo? Wala naman akong narinig tungkol doon ah. I hope hindi ako nagsayang nang sorry kanina at effort sa mananampal sa iyo kapag nalaman kong nilalandi mo talaga si Brylle," sabi nito at nakacross arms pa sa harapan ko.
"Bakit naman niya lalandiin si Brylle?! Eh si Zach lang naman ang laman nang puso at utak nang babaeng ito," sagot ni Trisha at inirapan si Miki. I thought mag-aaway ata sila tungkol doon pero ngumiti lang si Miki at hinila ako.
"So saan ba pumupwesto sina Brylle?" tanong ni Miki sa akin at palingon lingon pa sa mga tables sa cafeteria.
"Dito," sagot ko at itinuro ang table kung saan madalas pumuwesto sina Zach. Umupo si Miki roon at bago pa ako umupo sa tabi nito ay pinigilan niya ako.
" Ah, Persia umorder ka muna. Strawberry shake yong order ko at kumuha ka na rin nang cupcake yong walang halong milk o cheese,"sabi nito. Cupcake na walang halong gatas o cheese?! Nagbibiro ba to eh yon nga yong kadalasang binibenta rito sa cafeteria eh.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...