Part 73

143 6 0
                                    


Zach's POV

" Sige na! Come on Zach. Wala talagang gustong sumama sa akin eh! Sa mall lang naman tayo pupunta!"

Napakamot ako nang ulo dahil kanina pa ako kinukulit ni Charlotte na samahan siya sa mall dahil may bibilhin daw siya.

"Okay. I'll go with you," sabi ko at saka lang niya binitiwan ang braso ko.

Nasa hospital kami at abala ako sa pagchecheck nang mga papeles dahil katatapos ko lang bisitahin ang mga pasyente kanina.

" Matagal pa ba iyan?" tanong niya sa akin.

She asked me the same question for the sixth time and I keep on repeating that it would only take me a minute to finish this.

Binuksan niya ang bintana nang office ko.

" That's why you look so pale, hindi mo man lang kasi pinapapasok ang oxygen dito sa office me," sabi niya at saka tumingin tingin sa labas.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa pag-aayos nang mga papeles para masamahan ko na siya.

"May comfort ba dito?" tanong niya sa akin.

Itinuro ang pintuan sa may gawing kanan nang office ko. Pumasok siya roon at ako naman ay abala pa rin sa pagliligpit.

May kumatok sa pintuan nang office ko at nang bumukas iyon ay isa sa mga nurse at sinasabing may naghahanap raw sa akin. Nakakunot noo akong tumingin sa nurse at nabigla ako nang makita ko kung sino ang nasa likuran niya.

Persia?

Umalis na ang nurse at pumasok naman si Persia. Nakatingin lang ako sa kanya habang pahakbang siya palapit sa akin. Nakangiti siya sa akin at hindi ko alam kung bakit.

"Hi," masigla niyang bati.

" P-pasensiya na I wasn't informed na may consultation ka pala ngayon,"sabi ko.

"No, it's okay. Nahuli rin kasi noong sinabi ko sa nurse," sagot niya.

"Maupo ka," sabi ko at itinuro ang upuan sa harapan ko.

May isang minutong katahimikan bago ako magsalita. At sa loob nang isang minutong iyon ay nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay may hinahalungkat sa bag.

" About sa nangyari noong isang araw... s-sa may pedestrian lane.. I'm so so---," bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita siya.

"It's okay. Kinalimutan ko na iyon," sagot niya.

"But that was a--,"

"Okay. Tama na. I know." sagot niya. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang siya nagalit sa nangyari.

"I came dahil gusto kong ipakita sa iyo ang litratong ito,"sabi niya. Kinakabahan ako sa kung ano ang litratong tinutukoy niya.

Maya maya ay inilapag nito ang mga litrato kung saan magkasama kaming pareho. I think those photos were taken from the beach and the ball we have attended before. Nakatingin siya nang seryoso sa akin at napalunok ako.

I never saw this day coming na may mahahanap siyang mga litrato.

"I want you to explain this to me?!" medyo napalakas ang boses niya.

"W-well.... t-those photos... w-were... us," utal utal kong sagot dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya iyon.

" That's it. Tayo. Tayo nga ang nasa litrato. Bakit hindi mo sinabi sa akin kung sino ka ba talaga...?"

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon