Persia's POV
" May problema ba?" tanong sa akin ni Zach nang nasa canteen kami at kumakain.
"Wala," tipid kong sagot ngunit alam kong alam niya na hindi ako okay.
"Ano pa ang gusto mong kainin?"tanong uli niya.
"Wala,"tipid ko uling sagot at itinuon ang attensiyon ko sa binabasa kong libro.
Dalawa lang kami sa table at katatapos lang nang Valentines Day noong isang araw. Ni hindi man lang niya ako binigyan nang rosas o binati kahit sa text man lang.
"I heard you were sick," sabi niya.
"Oo," tipid kong sagot. Hindi na siya nagtanong pa at isinaksak ang earphones niya.
Hindi ko alam pero nawawalan na talaga ako nang gana sa ganito. Nakakapagod na lalo na at hindi ko pa rin ramdam na nag-aalala siya sa akin. Like kahit late man lang na sweet surprise mula sa kanya ay wala?!
Tumunog ang cellphone niya at akmang lalayo na sana siya para sagutin iyon ay pinigilan ko siya.
"Hindi mo na kailangan pang lumayo. You can answer that here. Wala ka namang tinatago sa akin di ba?" sabi ko. Nagulat yata siya sa sinabi ko at piniling huwag sagutin ang tawag.
"Sagutin mo na," sabi ko.
Tumunog uli ang phone niya at ako na ang kumuha sa kamay niya para sagutin iyon.
"Hey Zach," mula sa kabikang linya ay narinig ko ang isang boses nang babae.
"Hey Zach. Are you there? I called to inform you that I just received the flowers you've sent me. Aw, that's so sweet of you," isang malanding boses nang babae ang narinig ko sa linya.
Hindi ako makasagot sa narinig ko. Gusto kong itapon ang cellphone niya at awayin siya. Now, alam ko na. Alam ko nang pinaglalaruan lang ako ni Zach. Alam ko nang may iba pala ito at hindi lang ako.
Ibinababa ko na ang tawag at dahan dahang tumingin sa kanya.
"Sino siya Zach?" tanong ko. Nakatingin ako sa kanya nang seryoso at hinihintay kung ano na namang rason ang ipapaliwanag niya sa akin.
" P-persia...... that was just a friend," sagot niya.
"Friend? As in kaibigan? Iba ka rin Zach, nagawa mong magpadala sa kaibigan mo nang bulaklak kaysa sa girlfriend mo na nandito lang sa tabi mo," sabi ko at tumulo na naman ang mga luha ko.
Hindi siya tumingin sa akin. Marahil ay guilty ito sa kung ano man ang pinagagagawa niya.
"L-look Persia... I-I have some reasons k-kung bakit k--,"
"Tama na Zach. Ayoko na nang mga dahilan mo," sabi ko at umalis roon.
"Persia!" sigaw ni Zach pero hindi ko na siya nilingon.
I had enough. Tumutulo pa ang mga luha ko nang harangin ako ni Brylle sa hallway.
"Yo!" sabi niya. Iniangat ko ang ulo ko para makita siya at nang mapansin niya sigurong umiiyak ako ay umiwas ito sa pagkakaharang sa akin.
"Sorry," sabi niya at dahil naiinis ako and at the same time nasasaktan ako ay hinampas ko siya nang malakas sa braso.
"Ouch!" sabi niya at saka ako umalis doon.
Nakakainis kang Zacharious Buenavista! Ayoko nang magbulagbulagan at magtangatangahan! Kung mahal niya ako ay dapat nag-eeffort siya. Dapat sisishin ko ang sarili ko kung bakit ako nasasaktan ngayon! Kung bakit ako nahulog sa kanya! Kung dapat ko rin bang sisihin ang tadhana kung bakit pa kami pinagtagpo! I need to make a decision!
****
"So how' was your Valentine date?" tanong sa akin ni Miki.
Nasa bahay siya ngayon at may dala pa itong pagkaing nakalagay sa supot. Kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa tawag na sinagot ko.
"Damn that red haired heartless jerk named Zeus!!" sigaw niya.
"It's Zach not Zeus," sabi ko. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. I received text messages from Zach at nagsosorry siya sa nangyari.
Sorry?! Kahit ilang sorry pa mula sa kanya ang marinig ko, hindi pa rin mabubura ang kasalanang ginawa niya sa akin.
Ang pagtaksilan ako? At kay Karen pa?!
Kissing another girl at the bar?!
Tapos nagpadala pa nang bulaklak sa ibang babae?! On a Valentines Day?!
These sums up all.
"Zach's not f*cking serious about you!" sigaw ni Miki. Ngayon lang ata natutong magmura ang babaeng ito. Ngayong buntis siya.
At kanina ko rin gustong sabihin kay Miki na ayoko talaga ang amoy nang kinakain niya.
"A-ano ba yang kinakain mo?" tanong ko sa kanya.
"Kimchi!" masigla nitong sabi. Ngumuya uli ito nang kimchi at mukhang nakakatatlong garapon na siya at kararating lang niya sa bahay sampung minuto lang ang nakalilipas.
"Naglilihi ka nga. At sa kimchi pa,"sabi ko.
"Nakakainis nga si Brylle! Tinatapon niya lagi dahil daw amoy paa! And Damn, sana naman makahanap na siya nang matutuluyan at puro na lang kalat ang nasa unit ko," sabi niya at itinaas ang mga paa sa mesa.
Oo nga pala at nakikitira ang lalaking iyon kay Miki.
"H-hindi ka ba nag-aalala na baka malaman niyang...... b-buntis ka?" tanong ko. Tumigil ito sa pagkain at tumingin sa akin nang seryoso.
"K-kahit naman malaman niya.... w-wala naman siyang magagawa d-dahil hindi siya ang...... a-ama nang batang dinadala ko," sabi niya at saka ngumiti nang pilit.
"Hindi si Brylle ang ama?!"
"Let's not talk about this Persia," sabi niya.
"O-okay. I-I'm sorry," paumanhin ko.
Lumipas ang mga minuto at nagtanong uli si Miki sa akin.
"So tatapusin mo ba ang relasyon niyo ni Zeke?" tanong niya. Hindi ko na siya iniwasto sa pangalan ni Zach.
Tumingin ako sa mesa ko at nakita ang librong binili ko. Ang senyales.
Paano kaya kung humingi pa ako nang senyales sa pangalawang pagkakataon?
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...