Persia's POV
"Ano? May naiwan ba? Check niyo mga gamit niyo," sabi ni Miki. Nakaimpake na kaming lahat at babalik na kami. I haven't told you yet pero hindi ko alam kung paano ko papansinin si Zach lalo na at niyaya niya akong lumabas. Kapag nakakasalubong ko siya ay umiiwas ako o kaya naman ay nagtatago ako sa likuran ni Miki. Ang bilis nang tibok nang puso ko lalo na kapag nakatingin ito sa akin. Kahapon kasi, hindi muna ako pinayagang lumabas lalo na at nagpapagaling pa lang ako. Hindi rin dumalaw si Zach sa kwarto ko after that at kagabi naman ay nakasalubong ko ito habang pababa ako nang hagdan. Nauhaw kasi ako kaya bumaba ako at hindi ko inasahang makikita ko siya. Iiwas sana ako kaso wala naman akong ibang dadaanan. Huminto ito nang makita niya ako.
Kunwari ay umubo ako at nakita kong nagsmirk ito.
"You're not yet advised to get up from your bed," sabi niya. Umiwas pa rin ako nang tingin saka nagsalita.
"Nauuhaw ako, kukuha lang naman ako nang tubig," sagot ko. Narinig kong nagbuntong-hininga ito. Wala namang masama eh. Tulog na yong mga katulong kasi hating gabi na. Hating gabi na nga?! Anong ginagawa niya rito sa oras na ito?!
Bago ko pa siya matanong ay nagsalita ito.
"I'll get a glass of water for you so wait here," sabi niya at bumaba muli sa kusina. Umupo ako sa hagdanan at habang hinihintay siya ay naisip kong bumalik sa kwarto. Pero napakasama ko naman kapag ganoon. Baka bawiin pa nito ang sinabi niyang date. Hinintay ko na lamang siya at maya maya pa ay dumating siya na may dalang tubig. Iniabot niya sa akin iyon at umupo siya sa tabi ko. Para yatang kulang pa yong tubig dahil biglang uminit yong pakiramdam ko.
"Bakit gising ka pa?" tanong ko para basagin yong nakakabinging katahimikan sa pagitan namin.
"Wala lang, I can't sleep," tipid nitong sagot. Wala naman akong maisip na magandang itanong sa kanya eh.
" Masyado ba kitang binigla sa sinabi ko?" tanong nito.
"Huh?" painosente kong tanong.
" About the date," sabi nito.
"Yon ba? H-hindi naman,"sagot ko at hinigop na para bang kape yong malamig na tubig.
" Kung hindi ka naman komportable, it's okay kung tumanggi ka," sabi niya.
"Mas lalong hindi yon ang punto ko,"sagot ko at saka tumingin sa kanya. Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. Mas lalo tuloy akong nahuhulog kapag nginingitian niya ako nang ganoon. Namula ako at umiwas nang tingin.
"Pero bakit mo naman ako niyayang makipagdate sa iyo?" tanong ko. Tumahimik siya at nakita kong umiwas na naman ito nang tingin.
"Persia Caramel, do I need to answer that?" tanong niya. Sasagot na sana ako pero tumunog yong tiyan ko.
Nakakahiya!! Lupa lamunin mo na ako!
I heard him laughed. Normal lang naman yon eh. Tsaka kailangan ko nang kumain dahil kailangan kong magpalakas. Namula na naman ako.
"Okay, I'll get some food for you, wait here," sabi ni Zach at umalis na papuntang kusina.
Hinintay ko siya at dumating itong may dalang dalawang cup noodles.
"Thank you,"pasasalamat ko nang iabot niya sa akin yong cup noodles.
Umupo kaming dalawa roon at kumain nang cup noodles.
" Do you remember that notebook?" tanong niya sa akin.
"Yong iniwan mo sa locker ko?" tanong ko.
"Yeah, were you the one who placed it on my table?" tanong niya.
" Huh? Wala naman akong iniwan sa table mo eh. I thought binigay mo sa akin iyon," sagot ko.
"I thought you were the one who put that so I gave it back to you," sabi nito.
Ibig sabihin kaya pala niya iniwan iyon sa locker ko ay akala niya ako ang nagbigay. So does that mean na may ibang babaeng naglagay noon doon?
Hindi na ako nagtanong pa. Tutal binigay pa rin niya sa akin iyon. Matapos kaming kumain ay nagpaalam na ako sa kanya. Pumasok ako sa kwarto ko at nang isinara ko iyon ay sumandal ako sa pintuan.
>____<
Kinikilig ako. Kyaahh!! Lumabas na naman yong mga ngiti kong kanina ko pa pinipigilan.
*****
Nang makasakay na kami sa eroplano ay tumabi sa akin si Zach. Nagulat nga ako dahil umupo siya sa bakanteng upuan malapit sa akin. Nang mapansin iyon ni Miki ay kinindatan niya ako. Kinukulit na naman niya si Brylle na kapag lumapag na ang private plane nina Miki sa airport ay didiretso sila sa inihanda ni Miki na engagement party. Napacute nga ni Miki dahil sa halata talagang mahal na mahal niya si Brylle. At ewan ko ba sa kabuteng Brylle na ito kung bakit hindi man lang niya mapansin pansin ang mga efforts ni Miki.
Tumingin ako kay Zach at nakita kong nakapiring na naman ito natutulog.
-_____- Hindi man lang ba niya ako kakausapin at matutulog na naman ba siya buong biyahe?
Nang umandar na iyong plane ay sinigurado kong nakafasten yong seatbelt ko. Tumingin ako kay Zach at mukhang nakalimutan niyang isecure yong seatbelt niya. Hindi naman siguro ito nakatulog kaagad kaya kinalabit ko siya.
"Uy Zach," mahinang sabi ko pero hindi siya gumalaw. Madali ba itong makatulog? Kinalabit ko ulit at hindi na naman siya gumalaw. Wala akong ibang choice kundi ako na mismo ang mag-aayos nang seatbelt niya. Lumapit ako sa kanya nang kaunti at inabot ko yobng setabelt. Nahirapan akong abutin yon dahil masyadong maiksi yong kamay ko kaya inalis ko muna iyong seatbelt ko at iaayos yong kay Zach. Tumayo ako at lumapit kay Zach. Nang matapos kong ikabit yong seatbelt niya ay biglang gumalaw yong eroplano na para bang nagslant ito nang bahagya.
Kaya na out balance ako at napakandong kay Zach.
Homaygad! Hallelujah!! 😂
"A-anong ginagawa mo kay Zach?!" mula sa harapan ay nakita kong nakatingin sa akin si Soda. Hindi lang si Soda kundi lahat nang mga kagrupo nito.
"Persia, hindi mo man lang ba hinintay lumapag tong eroplano?" natatawang sabi ni mushroom.
"H-hah?! Mali kayo nang iniisip!" sabi ko at
namumulang umalis mula sa ganoong posisyon.
" What a hot scene," sabi naman ni Alfred at magtawanan silang lahat.
"Such a pervert," sabi naman ni Orion.
" What were you trying to do?" sabi ni Zach nang hindi man lang inaalis yong piring sa mata.
" Gising ka ba kanina pa?!" tanong ko.
"Maybe? Tinatamad lang akong iayos yong seatbelt ko," sagot nito at nakita kong nakangiti ito.
Tinamad mag-ayos nang seatbelt?!Nakakainis siya!! Napahiya tuloy ako sa kanilang lahat. They thought na pervert ako. Dahil sa inis ko ay hinamapas ko siya nang kaunti sa braso.
"Don't do that persia, you're turning wild," sabi pa nito at tumawa nang malakas. Nainis na naman ako kaya lumipat ako sa upuan at iniwan siya doon.
Pervert?! Wild?! Kahit gaano ko siya kagusto, hindi ko naman siya pinagnanasaan nang ganoon katindi. Hmmph!!
"Help me Persia!!" sigaw ni Mushroom sa tabi ko dahil itinali na naman siya ni Miki sa upuan dahil baka makawala daw ito at hindi na naman sumipot sa engagement party nila mamaya.
Haynaku wala na akong ibang choice kundi umupo doon dahil doon lang ang bakanteng upuan. At sa buong biyahe puro sigaw lang ni Brylle yong naririnig ko at hindi ko na rin nilingon pa si Zach.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...