( So what happened after their graduation? Let's find out)
After a year........
Persia's POV
"Bes isang Isiah Rodriquez ang nanliligaw sa iyo! Hello, tapos balak mong huwag siyang sagutin?! Nasisiraan ka na ba nang ulo?! -Trisha
"Mayaman? Check! Gwapo? Check! Hearthrob? Check! Magandang pangangatawan? Check na check!" -Stacey
Nasa cafeteria kami nang university at abalang kumakain nang lunch at heto na naman ang dalawang makukulit kong kaibigan, si Stacey at Trisha.
"Hindi lang naman kasi physical appearance yong gusto ko eh, gusto ko yong malinis yong intensyon. Yong mabait tapos maalahanin tapos ma-" sagot ko pero nagsalita na naman si Trisha.
"Bes, yan naman pala eh! Anong problema mo kay Isiah? Nasa kanya naman lahat yan ah!"-Trisha
"Ang bait nga niya eh, akalain mo inihahatid ka niya tapos may pasundo-sundo pang nalalaman! Hindi ba maeffort iyon?!" sigaw ni Stacey at nakapameywang pa sa harapan ko.
"Eh kasi nga ... hindi ko naman siya...,"
"Eh kasi hindi mo mahal? Like duh, don't tell me yong kinukwento mong si... sino nga ulit iyon? Yong lalaking nagbigay sa iyo nang notebook ilang taon na ang nakakalipas ang nasa puso mo?!"-Trisha
"Of all the things, notebook pa?! Hindi ka niya mahal tandaan mo iyan," -Stacey
"Hindi lang naman basta notebook iyon, may halaga sa akin iyon. At Zach ang pangalan niya at kapag nakita niyo ang Zach na iyan siguradong tutulo ang laway niyo," sagot ko.
And yes! You've heard me right, nag-aaral na ako sa isang unibersidad at nakahanap na rin nang dalawang madaldal na kaibigan, si Stacey and Trisha. After ko kasing grumaduate, nagdecide sina mama na pag-aralin ako rito sa Eastville University. And here I am kumuha nang kursong hindi ko naman gusto. Sabihin na nating nagbago nga ako nang kaunti, nagmature na physically, spiritually, mentally pero emotionally? Mukhang hindi pa yata dahil hanggang ngayon tulad nga nang sinasabi ni Stacey at Trisha, hindi pa ako nakakamove on sa lalaking iyon. Isang taon na rin noong huli ko siyang makita pero hanggang ngayon ewan ko ba kung bakit siya parin yong hinahanap nang puso ko.
"Kaya nga Persia di ba, si Isiah na ang sagot sa mga panalangin mo. Kahit nga hindi mo siya mahal ngayon, matututunan mo naman iyon eh," - Trisha
"And kalimutan mo na nga yang Zach na iyan, hindi na magcocross ang landas niyo okay? Pinagtagpo lang kayo pero hindi kayo itinadhana," -Stacey
Kahit gusto kong paniwalaan ang mga sinasabi nila, bakit parang ramdam ko magkikita at magkikita kami ni Zach.
"Ayan na siya!" tili ni Stacey at hinampas hampas niya ako gamit ang mga kamay niya. Inginuso naman ni Trisha yong lalaking papalapit sa deriksiyon namin.
It was Isiah, nakapamulsa ito at nakasuot nang puting t-shirt.
" Hey girls,"sabi nito at saka kumaway sa akin.
Tumabi siya sa akin at nang dumikit sa akin yong kamay niya ay uusog sana ako kaso mas lalo pa akong tinulak ni Stacey at tinitigan niya ako nang 'huwag ka nang maarte' look. Pinilit kong ngumiti.
"So kumain na ba kayo?" tanong niya.
" Kakakain--"
"Hindi pa nga eh," sagot ni Trisha at kinindatan ako.
"Okay, umorder lang kayo. Sagot ko," sabi ni Isiah. Nag-apiran naman yong dalawa kong kaibigan at agad agad tumakbo sa counter. Kumuha na ang mga ito nang order at inilaoag nila iyon sa mesa.
"Isiah pasensiya na at napapagastos ka pa," sabi ko. Ngumiti lang ito saka ginulo ang buhok ko.
" It's okay girlfriend naman kita eh," sabi nito. Nabilaukan tuloy ako nang marinig ko ang sabi ni Isiah.
"Huh?! Sinagot mo na pala siya?!" sabay na tanong ni Stacey at Trisha. Nagtinginan ang mga ito at saka nag-apir.
"H-hindi ganoon..., "
Tumunog yong cellphone ni Isiah at umalis muna ito para sagutin ang tawag.
" Ang bilis namang magbago nang isip mo, Persia. Sinagot mo agad nong wala kami di man lang namin narecord o ano para may ebidensiya tayo," -Trisha
" Hindi ko siya sinagot, okay. At ebidensiya para saan naman yon," tanong ko.
"Kung sakaling mauntog ka at nakalimutan mong may boyfriend ka na," sagot ni Stacey.
I rolled my eyes at dumating si Isiah.
"Sorry girls, I have to go somewhere," sabi nito.
"Okay, isama mo na rin itong girlfriend mo. Magpakalayo kayo o dumalaw kayo sa ibang planeta," -Stacey
" Good idea. Gagawin ko iyan next time," sagot ni Isiah at saka tumawa.
" Magparami kayo nang lahi doon sa Mars,"-Trisha
" Paano ba yan, Persia. See you around love," sabi ni Isiah at kinindatan ako. Ngumiti ako pero hindi ko talaga gusto si Isiah.
Nililigawan na ako ni Isiah for almost two months at hindi ko pa siya sinasagot dahil hindi ko naman talaga siya gusto. Mayaman nga siya, hearthrob at gwapo... sabihin na rin nating maeffort pero kasi kahit ganoon siya ayoko namang paasahin siya. Hinahatid at sinusundo niya ako, nililibre nang lunch minsan pero hindi naman ako kinikilig eh. Ayokong umasa pa siya na magkakagusto ako sa kanya dahil isa lang naman talaga laman nang puso ko eh.
"Hoy! Umalis na yong boyfriend mo! Sagutin mo na kasi siya," -Trisha
"And live happily ever after. Period!"-Stacey
"Ewan ko sa inyo," sagot ko at nilabas yong libro ko at magbabasa na lang ako.
****
Beep.Beep.Beep.
Nilabas ko yong cellphone ko na niregalo ng parents ko noong grumaduate ako. Nagtext si Isiah at gusto nitong manood ako nang laro nila after class. Ilang beses na rin niya akong niyaya pero hindi naman ako interesado sa basketball eh. So magdadahilan ulit ako. Rereplayan ko sana siya na hindi ako sasama pero inagaw ni Stacey yong cellphone ko.
"Oh, nagtext boyfriend mo. Manood ka raw nang laro niya. Sasabihin kong oo,"-Stacey
" Alam mo namang ayoko," sabi ko pero sige pa rin ito sa pagtetext back kay Isiah.
"Confirmed. Pupunta ka o hahatakin kita papunta roon?!Mamili ka?!"-Trisha
"Oo na, sige na," sagot ko. Dahil kapag humindi ako siguradong hahatakin talaga ako ni Trisha papunta sa gym.
***
Nasa gym na kami at humanap nang magandang pwesto. Nakita ako ni Isiah at kumaway ito. Ngumiti ako at hinampas ako ni Stacey.
"Ganon ganon lang yon hindi mo man lang ba siya ichecheer o ano?! Napakasweet mo hah?" sarkastikong sabi ni Stacey.
"Hindi mo man lang ba sasabihing "Go Isiah! Bebe ko!," sabi ni Trisha at nagpabebe voice pa ito.
Wala na akong nagawa kundi tumayo at sumigaw habang hindi pa nag-uumpisa ang laro. Para naman pagbigyan ko tong dalawang mokong na ito sa tabi ko.
"GO ISIAH BEBE KO!" and tadah! Masyadong malakas yata ang sigaw ko at narinig ko pang nag echo ng ilang beses sa gym yong sigaw ko.
Nasa akin yong attention nang mga tao sa gym at yong ibang babae inirapan pa ako at yong iba naman para yatang susugurin ako. Nanliit ako sa hiya pero tinapik ako ni Trisha.
"PASENSIYA NA SUPPORTIVE GIRLFRIEND EH!" sabi ni Trisha at alam kong pinaparinggan niya yong iba pang mga estudyante sa gym. Isa lang akong simpleng studyante rito sa Eastville University na gustong mamuhay nang payapa pero dahil doon sa ginawa ko kanina mukhang dadanak yata ang dugo ko sa eskwelahang ito.
Ilang minuto na ang lumipas at nag-umoisa na ang laro. Pinakilala na nila yong mga players at nakuha nang attention ko yong lalaking nagtatali nang sintas ng kanyang sapatos. Parang pamilyar yong likod niya at nang lumingon ito ay nagulat ako.
Zach?!
( Sorry for the typos, di ko pa naeedit haha, lols)
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...