Part 29

200 6 0
                                    


( And I'm back! Thank you for waiting haha)

Persia's POV

Naalimpungatan ako dahil sa sinag nang araw na tumama sa aking mukha. Nasaan ba ako? Paano na yong hiking namin ni Zach? Medyo masakit pa rin yong mga mata ko at nasisilaw sa liwanag mula sa bintana.

"Hoy Persia! Kailan ka ba gigising ah! Isang araw ka nang tulog, wala man lang nangyayari sa ating dalawa dito sa Capiz! Well, at least ako, pinirmahan na ni Brylle ang marriage contract namin! Kyaahh!" ang boses na iyon ay kay Miki at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Kaya ikaw, gumising ka na. Nilalandi na nang mga katulong si Zach," dagdag pa nito.

Iginalaw ko yong kamay ko at iniharang sa sinag nang araw.

"Oh, gising ka naman pala," -Miki

"A-anong nangyari?" mahina kong tanong dahil mukhang nawalan na yata ako nang lakas.

" Sa amin ni Brylle? Naku, You won't believe it! Binihag kami nang mga taong gubat doon and I didn't even know na hindi pala sakop nang lupain namin yong teritoryong yon. Isang gabing itinali nila kami sa isang punong kahoy! Buti nga nakatakas kami, and..... Brylle just signed our marriage contract! Buti na lang dinala ko iyon dito! Hahahaha,At pagbalik natin ay itutuloy na namin ang engagement party!" kwento niya at saka tumabi sa akin sa kama.

" Anong nangyari sa akin?" tanong ko.

" Inapoy ka nang lagnat noong nanduon kayo and Zach have to carry you pababa nang bundok," sagot ni Miki.

"Binuhat niya ako pababa?" -ako

"Oo, bakit gusto mong maiwan doon?" -Miki

" Ilang araw na ba akong tulog?"tanong ko.

"Isang araw lang naman at bukas ay aalis na tayo," -Miki

"Ganoon na ba ako katagal nagkasakit?"

"Yes, and thanks to Zach dahil siya ang nagbantay sa iyo," -Miki

"Binantayan niya ako?" tanong ko.

"Oo though may mga katulong naman kami sa bahay,"-Miki

"Nasaan si Zach?" tanong ko.

"Right here," mula sa pintuan ay nakita kong nakasandal si Zach at nakapamulsa. Humihikab pa ito saka lumapit sa akin. Sinubukan kong bumangon pero pinigilan ako ni Miki.

"Oh, iwan ko muna kayo ni Zach at sasabihin kong maghahanda nang almusal mo yong mga katulong,"sabi ni Miki at umalis na. Kinindatan niya ako at naiwan kami ni Zach roon. Ang awkward nga eh dahil nakahiga ako tapos si Zach, nakatingin siya sa akin.

" Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya.

"Maayos naman," sagot ko.

"You made it hard for me to carry you back in here, masyado kang mabigat," sabi niya at kunwari ay iniistretch niya ang mga braso niya.

"Pasensiya na," sabi ko. Sinubukan kong bumangon at umupo sa kama. Si Zach naman ay inayos yong kurtina sa kwarto ko. Binuksan niya yong bintana at narinig ko ang mga huni nang mga ibon.

"Masyadong tahimik sa lugar na ito, It's a nice place," sabi ni Zach at tumingin ako sa direksiyon niya.

"Oo," sagot ko. Naramdaman ko ang malamig na hangin at mula sa kung saan ay may malakas na togtug.

Now Playing: Carpenters- Close to you

Luma nga yong kanta pero parang sumakto sa nangyayari sa amin ni Zach. Tumotugtog lang yong kanta at mukhang alam kong si Miki ang naglagay nang music na iyon.

Soundtrack:

(Why do birds suddenly appear...

Evertime you are near

Just like me they longed to be

Close to you......)

"By the way, I called your mother. Sinabi kong may sakit ka. Don't worry hindi ko naman pinakialam yong laman nang cellphone mo, buti nga walang password,"sabi nito. Wala naman akong tinatago sa phone ko at kung tutuusin ay 6 lang ang nakasave na contacts doon. Ang number ni mama, papa, Stacey, Trisha, ako at nang kapatid ko.

Soundtrack:

(On the day that you were born...

The angels got together And decided..

to create a dream come true...)

Nanatili lang kami nang ganoon hanggang sa matapos yong kanta. I think nakakagaan nang pakiramdam yong ganito.

(That is why all the girls in town

follow you all around

just like me they longed to be

close to you .....)

At nang matapos nang tuluyan yong kanta ay lumingon sa akin si Zach. Humarap siya sa akin at mas lalo siyang gumawapo dahil sa hindi na nito suot yong headband. Medyo natakpan nang buhok niya yong noo niya.

"Persia," sabi nito.

Lub. Dub. Lub.Dub

Bakit parang kinabahan ako sa tono nang boses niya. Tumingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa akin.

"Go on a date with me,"sabi nito at halos mawalan ako nang hininga sa narinig ko.

Go on a date with Zach?!

Hinga lang Persia. Huwag mong kalimutang huminga. Mukhang hihimatayin na naman ako sa narinig ko? Totoo ba ito?! Niyaya niya akong makipagdate sa kanya?! Uminit na naman ang pakiramdam ko at mukhang lalagnatin ulit ako! Huminga ako nang malalim at sasagot sana ako ngunit walang lumabas sa bibig ko.

Gusto ko. Oo gusto kong sabihing that after all this time, gusto kong mabigyan rin ako nang chance na makasama ulit si Zach. Yong hindi na siya napipilitan, yong kusang siya na mismo ang nagyaya.

" I'll take yes as your answer," sabi nito at saka nagtama ang aming mga mata.

"AND HERE'S YOUR BREAKFAST PERANAH!!" Bumukas yong pintuan at sa boses pa lang ay alam kung si mushroom iyon.

May dala dala itong tray na may laman na pagkain. At sa tabi nito ay ang nakasimangot na si Miki.

"Oh Zach! Nidisturbo ko ba kayo?" tanong ni mushroom at nilapag yong pagkain sa mesa malapit sa akin. Nilapitan siya ni Zach at tinitigan lang sa mata at umalis na rin.

"Bakit Persia? Nadisturbo ko ba kayo?" tanong uli ni mushroom.

" Marunong ka bang kumatok sa pintuan?!" tanong ko kay mushroom at inirapan siya.

"Naku Miki, pakituruan nga tong ube na ito!" sabi ko. Panira talaga siya nang moment eh.

"Asawa ko, lumabas ka na," sabi ni Miki.

"Asawa?! Hoy, pinirmahan ko lang yong kontrata but that doesn't mean na asawa mo na ako,"-Brylle

"Baka nakakalimutan mo yong pangako mo. Remember, niligtas kita sa gubat," -Miki

Heto na naman sila sa mga away nila. Kinuha ko yong pagkain na inilapag nila sa mesa at kinain na.

Paano ko ba haharapin si Zach mamaya?! Ibig sabihin ba noon nililigawan ako ni Zach?!

Jusmeyo! Bakit parang ang bilis naman?! Bakit parang hindi pa pumasok sa isip ko na lalabas kami together?! Ni hindi pa nga ako umaamin sa kanya tapos niyaya niya akong magdate?!

Kyaahhh!!!! >___<

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon