Persia's POV
"Bakit basang basa ka anak?" tanong ni mama.
Nakauwi na ako at hindi na ako pumasok pa sa trabaho dahil tutal magpapaalam na ako sa kanilang magreresign ako. Inabutan ako ni Mama nang twalya at hindi ko mapigilang umiyak.
"Bakit?" tanong ni Mama. Hindi ako sumagot at niyakap ko na lamang siya. Humagulgol ako sa iyak. Dahil na rin sa sakit na nalaman ko ang katotohanan kay Zach.
Hindi ako makapaniwalang kayang gawin sa akin ni Zach iyon.
Kung pinaglalaruan lang niya ako ay sana naman hindi na siya nagbigay nang motibo. Kasalanan ko naman lahat lahat eh dahil sinagot ko. Pero masisisi ko ba ang sarili ko kung mahal ko siya?
Dumiretso ako sa kwarto ko at sinabi kay mama na masama lang talaga ang pakiramdam ko. Naligo ako at humiga na sa kwarto ko. Patuloy pa rin ang pagpatak nang mga luha ko at napadako ang tingin ko sa kwadernong binigay ni Zach sa akin after the graduation.
Kinuha ko iyon at binuklat.
Nagsimula ang lahat dahil sa kwadernong ito.
Binuklat ko iyon at nakita ko ang mga drawing ni Zach. Iginuhit niya ako habang nakatingin sa labas. Iginuhit niya ako noong binato ako nang teacher namin nang chalk. May smiley na sticker pa sa tabi.
Binuklat ko iyon at kahit gusto kong punitin lahat lahat nang naroroon ay hindi ko magawa. Sa huli nang pahina ay may nabasa ako.
'I like You."
Ito ang nakasulat sa huling pahina nang notebook. Hindi ko iyon napansin noong una dahil mukhang lapis pa ang ginamit na pansulat roon.
Marahil ay sulat ni Charlotte dahil sa kanya naman nanggaling ang kwadernong ito. Binigay lang sa akin ni Zach dahil ang akala niya ay sa akin galing.
Napatingin na naman ako sa litratong nakaframe sa ibabaw nang mesa ko. Ang picture namin ni Zach sa Cafe kung saan nakasuot ako nang bugs bunny na costume. Nakangiti kami pareho sa camera.
"I'm sorry for pretending that I like you. I'm sorry for faking it all."
Ang mga linyang sinabi ni Zach two hours ago. Bakit ganon lang kadali sa kanya sabihin ang mga bagay na iyon. Bakit nagawa niyang magpanggap at saktan ako.
Kung titingnan mo kasi si Zach.Akala mo hindi niya kayang manakit.
Wala lang ba sa kanya iyong nangyari?
Yong date namin? Yong paghalik niya sa akin sa Capiz? Yong mga time na masaya kami? Yong pumunta kami sa dalampasigan?
After all this time, lahat lahat noon ay mga palabas lang niya?!
Ayokong maniwala pero andito na. Natapos na. Tinapos na niya. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at nagising na lamang nang tumunog ang cellphone ko.
Text message mula kay Miki. Wala daw siya magawa kaya kung hindi ako busy ay tatawagan niya ako.
I dialed her number at sinagot naman niya iyon agad. Sinabi ko sa kanya ang lahat nang nangyari kahapon. Na wala na kami ni Zach.
"Huwat?! Naku, kung hindi lang ako buntis baka nabasag ko na ang mukha nang Zoro na iyan!!" sigaw niya.
"It's okay. Ayoko namang ipilit ang sarili ko lalo na at hindi niya ako mahal," sagot ko.
"But napaka unreasonable naman nang Zoro na iyan! Naku, ipapabugbog ko iyan kay Brylle!" sigaw niya at narinig ko pang may itinapon ito.
"So paano na? Wala pa namang official na break up sa inyo ah? Paano mo siya haharapin?" tanong ni Miki.
" Kailangan pa ba naming mag-usap? Hindi na dahil alam ko nang wala siyang nararamdaman para sa akin," sagot ko.
Tumulo na naman ang luha ko.
Masakit kasi eh. Lalo na at naniwala ako sa kasinungalin niya. Na dahil sa pagpapanggap niya ay naging masaya ako.
Matapos kaming mag-usap ay ibinaba na ni Miki ang telepono.
*****
Nakatulala lang ako sa classroom nang lumapit sa akin ang dalawa kong kaibigan. Si Stacey at Trisha. Nasabi ko sa kanila ang nangyari at tulad nga nang inaasahan ko ay gusto rin nilang gulpihin si Zach.
" Tama na. Wala na kami. Salamat na lamang sa mga panahong pinaniwala niya akong gusto niya ako dahil iyon na lamang ang mga panahong naging masaya ako. Sapat na ang dahilang hindi niya ako mahal para bitawan ko na siya," sagot ko.
Hindi na nagtanong pa ang mga kaibigan ko at iniwan ako doon para mag-isip. Hindi na rin sumabay sa akin ang mga kaibigan ko sa pag-uwi dahil may gagawin pa sila.
Mag-isa lang akong naglalakad sa may gate nang mapalingon ako sa mga babaeng nagtitilian sa labas nang gate.
Si Zach. Nakasandal ito sa motor niya at mukhang may hinihintay.
Bumilis ang tibok nang puso ko. Sino naman kaya ang hinihintay niya?
Nanatili akong nakatayo at pinagmamasdan siya habang nakangiting nakatingin sa kabilang direksiyon kung saan naglalakad ang isang babaeng nakasuot nang puting bestida.
Hindi ko siya kilala pero namumukhaan ko siya. Siya iyong nakatingin kay Zach sa game nila dati.
So siya ba? Siya ba ang ipinalit sa akin ni Zach? Hindi nga siguro bagay ang isang Persia Caramel sa kagaya ni Zach. Sino ba naman kasing magkakagusto sa akin? Ni hindi ako marunong mag-ayos. Ni kumpara sa ibang babae, hindi ako maappeal.
Hinalikan noong babae si Zach sa pisngi at inabot pa ni Zach ang hawak nitong bag.
Ibang iba si Zach kung ako ang kasama niya. Ibang iba sa nakikita ko ngayon.
Tumulo ang mga luha ko pero pinunasan ko rin iyon. Ayaw kong ipamukha kay Zach na nasasaktan ako sa nangyari. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko siya nilingon. Alam kong napansin niya ako pero ngayon kailangan kong magtapang tapangan para sa sarili ko kahit alam kong durog na durog na ang puso ko.
Nagdirediretso lang ako at hindi ako lumingon pa. Dinala ako nang sarili kong paa sa pinagtatraabuhuan kong cafe. Hawak-hawak ko ang resignantion letter ko at iaabot ko sana iyon sa manager namin kaso ay isinabit niya iyong apron sa akin at sinabing madami kaming costumer at kailangan nila nang tulong. Itinago ko muna ang resignation letter ko at ibibigay na lamang iyon mamaya sa closing.
Halos sigawan ako ni manager dahil daw napakabagal kong gumalaw.
"Persia! Bilisan mo! Mas mabagal ka pa sa pagong!"
"Persia!Galit na ang nasa table 3! Kalahating oras daw sila naghihintay ay wala pa ang order nila!"
"Persia! Huy! Persia!"
Halos ito na ang naririnig ko sa manager namin at salamat naman at malapit na ang closing. Naglilinis ako nang table at tinawag ako ni Edward dahil daw tumutunog ang cellphone ko. Marahil ay si mama dahil hindi ako nakapagpaalam. Tumungo ako sa may locker at sinagot ang tawag ni mama. Nagpaalam ako at sinabing magreresign na ako.
Nang ibaba na ni mama ang tawag ay nagbasa ako nang message. Mula kay Miki ang mga text message na nabasa ko at ang huling text na nabasa ko ay mula kay Zach.
From Zach,
See you at the Shaito Park. After your work.
Kinabahan ako sa text niya. Bakit siya makikipagkita sa akin? May sasabihin ba siya?
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...