Part 59

151 4 1
                                    


Zach's POV

"Bro! I knew it! You would come!"

It was 6 pm, December 18. Two days bago ang kasal ni Soda.

Nasa bar ako kasama niya at mukhang ako pa lang ang unang dumating dahil wala pa naman akong nakikitang iba maliban sa kanya. Niyakap niya ako and I just tapped him on his back.

"That was three long years! Buti nga nalaman ko pa ang address mo dahil sa kaibigan ko in Singapore so I was able to contact you," sabi ni Soda.

"Yah, that was three long years," sabi ko. Iniabot niya sa akin ang isang baso nang wine and inabot ko iyon.

"And by the way, this is a celebration bago ko iwelcome ang marriage life ko," sabi niya and we both laughed.

"So who was that unlucky girl?" biro kong tanong kay Soda.

Ikinuwento niya sa akin kung paano sila nagkakilala nang mapapangasawa niya. I congratulated him and umalis na ito dahil dumating pa ang iba nitong mga kasamahan.

Umupo ako sa isang sofa roon and I checked my phone. Wala pa naman akong natatanggap na message mula kay Zayne. I informed her na magagabihan ako.

"Zach?!"

Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko and it was Alfred. Desenteng desente siya sa suot niyang puting polo. He was even holding a briefcase. Lumapit siya sa akin and tapped me.

"It's nice to see you," -Alfred

Dumating rin ang mga iba and ako ang una nilang nilapitan. Everyone was happy to see me at tinanong ako kung bakit daw ako naglaho na parang bula nang araw na iyon. I explained to them na biglaan lang talaga iyong alis ko.

"By the way, I heard na mananatili ka na raw rito sa Pilipinas?" tanong sa akin ni Orion.

" Yeah... natapos na ang kontrata ko sa Singapore and someone offered me a job," sagot ko.

"Then that's good, you can hang out with us again," dagdag pa ni Orion.

I smiled.

"Nasaan si Brylle?" tanong ko nang mapansin kong siya na lang ang kulang.

"Baka busy na naman iyon sa mga babae niya," sagot ni Travis.

Nakipagkwentuhan pa ako sa kanila hanggang sa naisipan ko munang pumunta sa labas dahil sa mainit sa loob. Nagpahangin ako sa labas at tumingin sa kalangitan. Kitang kita ang mga bituin atmasyadong maliwanag. Tumingin ako sa paligid at napansin kong may mga mumunting alitaptap na lumilipad sa paligid. That was when I remembered the story about the fireflies to her. Nabasa ko lang ang tungkol doon sa isang libro and I think she liked the story. I stayed outside for I guess thirty minutes at nang paalis na ako ay may batang babaeng tumatakbo palapit sa akin. Nagtago siya sa likuran ko and I think she was crying. Wala namang ibang tao sa paligid maliban sa akin.

"What's wrong?" tanong ko doon sa bata.

Humihikbi lang ito kaya umupo ako para makalevel ko ang height niya.

"N-nawawala ka ba?" tanong ko. Lumingon uli ako sa paligid pero walang ibang tao roon. Baka anak nang isa sa mga bisita ni Soda ang batang ito. Iyak lang ito nang iyak kaya wala akong ibang nagawa kundi kargahin siya.

That was when I got to see her face clearly. Pamilyar ang mukha niya sa akin.

" Laura!" Sigaw nang iaang babae sa likuran dahilan para lumingon ako. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha.

"Laura! I told you to stay th--,"

Mukhang nagulat yata siya nang mamukhaan niya ako. Ngumiti ako at ibinaba ang batang babae.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon