Miki's POV
" One. Two. Three!" naglalaro kami ni Laura sa labas nang bahay nang may pumaradang magarang sasakyan at bumusina pa sa amin. I wasn't expecting any visitor ngayong araw except sa lalaking iyon. Tinawagan kasi niya ako kagabi telling me na dadalaw daw siya. Like hello?! Eh halos araw araw nga kung dumalaw iyon rito eh.
Huwag niyo lang sabihing bagong sasakyan na naman ito nang unggoy na iyon. Naku, hindi pa nga niya binabayaran ang utang niya sa akin at may pabilibili pa siya nang sasakyan.
Pumarada ang sasakyan at nang lumabas ang may-ari nito ay tama nga ako ang aking hula. Walang iba kundi ang unggoy na iyon.
" Yo Miki!" Bati niya at nakangiting tumingin sa akin. Napakaweird niya ngayon. Sobrang weird. Dati kasi hindi naman niya ako tinatawag sa pangalan ko lalo na at parang ang ganda nang aura nang unggoy na ito.
" Laura!" tawag niya kay Laura at lumapit naman ang anak ko sa kanya.
" Happy Birthday little princess!" bati ni Brylle sa kanya at ginulo gulo ang buhok ni Laura.
" So... by the way, hindi ako magtatagal rito dahil may gagawin pa ako,"sabi ni Brylle at saka ngumiti sa akin.
Ang mga ngiti kung bakit ako nahulog nang sobra sa kanya.
" Bakit may pupuntahan ka ba?"tanong ko sa kanya. Ngumiti ito at saka napakamot sa ulo. Alam ko ang ibig sabihin nang ganoong kilos ni Brylle.
" Hindi ko pa nasasabi sa iyo but I'm going out with a girl I met last month,"sagot ni Brylle at nang marinig ko iyon ay magkahalong kaba at takot ang naramdaman ko.
Hindi ako makapagsalita. Bakit parang takot na takot akong makahanap nang ibang babae si Brylle?! Alam kong hanggang ngayon hindi pa niya alam na anak niya si Laura pero..... pero takot rin akong mawala siya sa akin.
" Bakit parang ang bilis naman nang decision mo?" tanong ko.
Ngumiti lang siya sa akin at ramdam ko pang kilig na kilig ito.
" I know.... but I kinda like her," sagot ni Brylle.
" Baka naman lokohin ka noon, Naku Brylle mag-iingat ka baka kinulam ka non," sabi ko para magbago anhmg decision niya pero nakangiti pa rin itong tumingin sa akin.
" She's not like that. She's different tho sometimes napakabungangera niya but that's what makes her unique," sagot ni Brylle.
" Well, if you like, you can meet her. Ipapakilala ko siya sa pamilya ko next week and I will be invuting everyone," sabi pa ni Brylle.
" Ganoon kabongga?! Sabi mo wala pang isang buwan?! Huwag kang magdalos dalos sa mga desisyon mong unggoy ka baka magsisi ka lang sa huli," sabi ko.
" Miki, I know na magugustuhan mo rin siya kapag nakilala mo siya," sabi ni Brylle.
"D-do you love her?" tanong ko. Ngumiti ito sa akin bago sumagot.
" Maybe...?" sagot ni Brylle at saka tumingin sa aking mga mata nang deritso.
Umiwas ako nang tingin at nananalangin na sana hindi niya nahahalata ang lungkot sa mga mata ko.
"Well, see you, I still have so many things to do," sabi ni Brylle at lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok ko pero wala na akong lakas para pagalitan siya o sigawan.
Hindi yata kami ni Brylle ang para sa isa't isa. Marahil ay baka hindi ko maibibigay kay Laura ang kompletong pamilya. Kasalanan ko rin naman eh, huli na ang lahat. Naging mahina nga siguro ako dahil hindi ko nasabi kay Brylle ang totoo. Baka nga hindi ko na rin masabi pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...