Persia's POV
" Miss sigurado ka po ba? Base po sa mga medical records niyo ay may amnesia kayo. Baka naman po nagsisinungalin kayo," sabi noong police sa akin.
"Oo nga may selective amnesia ako pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko na alam ang pinaggagawa ko. Ang gusto ko lang naman ay ireview niyo ang nakuha nong cctv camera noong gabing iyon dahil ebidensiya iyon para mahuli na ang gumawa nito sa akin," sagot ko.
"Okay po," sabi noong police at ipinaharap sa akin ang monitor.
Pinanood ko ang nakuha noong cctv footage at tama nga ang hinala ko, mukha noong lalaki ang nasa footage.
Sa loob nang tatlong taon, ngayon dapat naman niyang pagbayaran ang ginawa niya.
"Maam, ito po ang nakuha naming footage. Sigurado po ba kayong nakuha noong ctcv ang gumawa niyon sa inyo?" tanong uli noong police.
Makikita kasi sa cctv video ang gabing naaksidente ako. At sa footage ay makikita ang plaka nang sasakyang huminto at lumapit sa akin. Hindi iyon ang sasakyan ni Alexander. Kung titingnang mabuti parang huminto lang ito para tingnan ako kahit wala naman itong balak na tulongan ako. Pero sa pagkakaalala ko nilapitan niya ako para siguraduhing patay na ako.
Dahil ang lalaking bumangga sa akin nang gabing iyon ay walang iba kundi si.... Isiah.
Alam kong hindi niya iyon sinasadya pero dahil sa takot ay iniwan niya ako roon at hindi tinulongan. Utang ko ang buhay ko kay Alexander dahil siya ang tumulong sa akin.
"Maam?" kalabit sa akin noong police.
"Kailangan ko ito bilang ebidensiya," sabi ko sa police.
Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin.
*****
Zach's POV
"Kuya!!" sigaw ni Zayne mula sa baba at rinig na rinig ko siya mula sa kwarto ko. Kakagising ko palang at dahil alas siyete na rin ay naisipan ko nang bumangon at kumain nang almusal. Pagkababa ko ay nadatnan ko si Zayne na nasa may pintuan at mukhang may kinakausap.
"Zayne?" tawag ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at saka humakbang paalis sa pintuan. Tumambad sa akin ang maamong pagmumukha ni Charlotte.
"H-hi," bati niya sa akin. Napaatras tuloy ako nang maaalala kong kuso kuso ang damit ko at madaming nakatayong bed hair sa ulo ko. Matagal na rin pala noong huli kaming magkita. I rejected her the last time bago siya umalis at tumungo sa Germany para mag-aral. After that, I haven't heard anything about her.
"H-hello," sagot ko.
"Hindi mo man lang ba papapasukin ang bisita mo kuya?"tanong ni Zayne at kinindatan ako.
"Come in," sabi ko at saka itinuro ang upuan sa sala. Umalis muna ako para mag-ayos nang kaunti bago bumalik sa kinaroroonan ni Charlotte. Nadatnan ko itong umiinom nang kape sa sala habang nakikipagkwentuhan siya kay Zayne. Umupo ako sa upuan sa harapan nila at saka tiningnan si Charlotte. Tulad pa rin siya nang dati. Maamo ang mukha at napakaganda niya lalo na kapag nakangiti at kitang kita ko ang mga malalalalim nitong dimples sa magkabilang pisngi.
"Look at how Kuya stares at you. Alam mo ate Charlotte, simula nang bumalik yan rito, wala na siyang inatupag kundi ang work niya. He even sacrificed his lovelife para lang makatulong sa mga pasyente," sabi ni Zayne. I rolled my eyes.
"By the way ate Char, may gagawin pa po pala ako sa kwarto ko. Maiwan ko muna kayo rito ni kuya," sabi ni Zayne at kinindatan ako.
Nang makaalis si Zayne ay naiwan kami ni Charlotte roon. Umiwas ako nang tingi nang mahuli ko itong nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...