Zach's POV
" Pasensiya na. Hinahanap ko kasi si Dr. Smith pero ikaw ang nakita ko rito..." sabi niya at saka lumapit sa akin.
Am I hallucinating? Siya ba ang nasa harapan ko? O baka naman nasobrahan lang ako nang kape? O baka naman kulang lang ako nang pahinga?!
"May appointment kasi ako kay Dr. Smith. W-wala po ba siya rito... Doc?" tanong niya.
Nakatingin siya sa akin nang diretso. The same eyes. The same smile. The same woman I used to love. Bumilis iyong tibok nang puso ko lalo na at hindi siya umiiwas nang tingin.
"Nakabukas kasi yong pintuan kaya pumasok ako but I found you sleeping. H-hindi na kita ginising pa," sabi niya.
I don't know what to say. Hindi ko alam kung paano ako magrereact ngayong nandito na siya sa harapan ko.
"Doctor....? "
Why is she acting strange? Iyon lang ba ang tatanungin niya sa akin? Hindi man lang ba siya magugulat dahil nandito ako?
Tatlong taon ding nawala ako. Tatlong taong walang pasabi sa kanya. Sinaktan ko siya and now, that I'm back...
"Tinatanong mo ba kung nasaan si Dr. Smith?" tanong ko.
"Y-yes. Nagpaappointment kasi ako sa kanya," sagot niya.
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ibang Persia ang nasa harapan ko at kausap ko ngayon.
"Bakit hindi ka umupo?" sabi ko at itinuro ang upuan sa harapan ko.
Umupo naman siya at nakatingin pa rin sa akin.
"Dr. Smith is not around kaya icancel mo na ang appointment mo sa kanya. If you want, I'm free and I'm a doctor,too. You can make an appointment with me," sabi ko. Nagsinungalin akong wala si Dr Smith pero sasabihin ko rin naman sa kanya that I'm going to handle her.
"Ganoon po ba," sagot niya.
Why is she so polite?
Nanatili lang kami roong nakaupo at tahimik na pinagmamasdan ang isat isa. Minsan ay nakatingin siya sa akin and minsan naman ay iiwas rin nang tingin.
"So.... I-It's been a long time... H-how are you?" sabi ko. Nakakunot-noo itong tumingin sa akin.
" P-po?" nagtatakang tanong niya.
Ano na naman kayang drama nang babaeng ito?! Don't tell me na kinalimutan niya ako dahil nawala lang ako nang tatlong taon? Is this her pay back?
"I mean... Look , are you not that happy to see me?" I didn't know if I looked so stupid right now. Nakakunot-noo lang siyang tumingin sa akin.
"Kilala mo ako?" tanong niya.
I rolled my eyes. Ano na naman kaya ang pinapalabas niya?
"Come on. If you're mad about what happened before, ...."
"Sorry... p-pero hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo....," sabi niya.
I tried to calm my self. Nagkukunwari ba siya? Maybe, this is her way para makaganti sa akin.
"Are you still mad? Look, quit acting like a kid. I'm sorry if I did that before." I took all the courage para sabihin sa kanya ang mga bagay na ito.
"First of all, Dr. Buenavista, I don't know you. Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo.If you're not interested with my case then I'll better find another doctor," sabi niya at tumayo. Hindi na ako nagsalita pa and she walked out at the door.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
I called Dr. Smith and sinabi kong ako na ang maghahandle sa pasyente niya. Sumang-ayon naman ito kaya sasabihin na lamang niya kay Persia.
Just what the heck is wrong with her?! Hindi niya ako kilala?! Anong ibig niyang sabihin?!
Maybe she was informed na dumating ako and I'm working in this hospital. Maybe that was her way para makita ako.
****
May kumakatok na sa pinto and I know na siya na iyan. I told Dr. Smith to tell her na ako na lang ang iconsult niya. And after two days, she came back.
"W-welcome back," sabi ko sa kanya at ngumisi. I saw her rolling her eyes at saka tumingin sa akin.
"So you arranged this appointment?!" nakataas ang kilay na tanong niya.
"Nope. I thought you'd like me to handle your case...," sagot ko.
" Okay. Then ito ang medical records ko. I brought everything and I want you to help me," sabi niya.
Ibinigay niya sa akin ang mga medical records niya na nakalagay sa isang envelope.
I looked over her records at nagulat ako dahil sa nalaman ko.
"Y-you encountered an accident three years ago?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
How?! Kailan?! Bakit wala man lang nagsabi sa akin?!
"Three years ago... naaksidente ako. I don't know kung bakit ako nandoon nang gabing iyon. I was told na nagtatrabaho ako sa isang cafe and... wala nang lead kung bakit ako nandoon. Wala silang nakuhang gamit ko sa lugar na iyon so sabi nila baka raw ang motibo ay hold-up or worse.. rape," pagsisimula niya.
"S-saang lugar....?" tanong ko.
"I think.... If I remembered it right.... sa S-shaito Park," sagot niya.
Hindi ako makasagot. Bumilis iyong tibok nang puso ko at parang bumabalik sa akin ang nangyari three years ago.
I texted her that night. I thought of telling her something important. Hindi ko siya matawagan noon so I texted her. Pero her friends told me na hindi na raw siya nagtatrabaho so I went home that night.
At ngayon...... nalaman kong noong gabing iyon.... she went... but I did not show up.
"And na hit and run ako... that is why...wala akong maalala.. kung sino ako seven years ago," dugtong niya.
Hindi ako makasagot. So she's not faking it at all?! Hindi nga niya ako maalala.
"Selective amnesia...?" basa ko roon sa result na nakalagay sa medical record niya.
That means... hindi totally nawala ang alaala niya but may mga iilang hindi siya maalala.
So that means..... she cannot remember me?!
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...