Part 2

451 9 1
                                    

  Umiwas agad ako nang tingin sa pag aakalang tumitingin ito sa akin.

Nakita kong inilagay lang niya ang lapis ko sa ibabaw nang mesa niya. Nagbuntong-hininga na lamang ako.

"Haist, kung kailan naman di ko dinala ang payong ko eh saka naman uulan,"sabi nang babaeng nakaupo sa harapan ko. Lumingon ako sa labas.

Natatakpan na nang mga ulap ang araw at maya maya pa ay tumulo na ang malakas na ulan. Haist, sana nakinig ako kay Dianne. Hindi ko pa naman dala ang payong ko.
Matapos ang klase ay tiningnan ko ang direksiyon niya and I found him na nagliligpit nang gamit niya. Lalapitan ko sana ito para sabihing lapis ko iyon ngunit nabigla ako nang dumating si Karen, isa sa mga kakaklase ko at sinasabing nawawala ang painting ko.

"Persia, hindi ko alam kung paano nawala yong painting mo. Sinigurado ko kasing inilagay ko iyon sa room para sa contests next week eh. I'm really sorry." pagpapaumanhin niya at ramdam ko ang sobrang pag-aalala nito.

"Sinubukan ko iyong hanapin sa pagbabakasakaling sa iba ko lang iyon nilagay pero wala pa rin eh. I'm so sorry. Pwede mo bang ipaint uli iyon?I know its too much pero kasi..." sabi nito at ramdam ko ang sobrang pag-aalala nito sa tuno nang kanyang boses.

"Oo naman. But I guess I need time para matapos iyon," sagot ko.

"Thank you talaga Persia. Kaso kailangang ngayong araw sana maisusubmit yon kay Maam eh,"

"It's okay. Kaya ko namang gawin iyon eh," sabi ko at saka nginitian siya. Tumingin ako sa wristwatch ko at alas tress pa lang naman.

"Pwede bang sa classroom na lang natin gawin? Hindi kasi available tong room na ito eh," sabi ko and she nodded.
Kinuha ko ang mga gamit ko at bago ako tuluyang umalis sa classroom ay nilingon ko ang direksiyon niya. Hawak hawak pa rin niya ang lapis ko. Tuluyan na kaming umalis sa room at pumasok sa classroom namin.  

  Dumating kami sa room at nilabas ko na ang mga gagamitin ko. Hindi naman mahirap yong painting na ginawa ko dahil simple lang ito at hindi masyadong abstract. Basta tama lang yong mga mixture nang mga primary colors para lumabas yong kulay na gusto ko. I tied my hair at itinaas ang sleeve nang uniform ko para hindi mamantiyahan. Pagkatapos kong gawin ang painting ay kinuha agad iyon ni Karen at papatuyuin muna bago niya isusubmit sa class adviser namin. Niligpit ko ang aking mga kagamitan at nagtungo na ako sa C.R para maghugas nang kamay. Tumingin ako sa labas at medyo umaambon pa din.

Naglalakad ako sa hallway at iilang studyante na lang ang naglalakad. Tumingin ako sa wristwatch ko at 5:30 na pala. Didiretso na sana ako sa locker ko para magpalit nang sapatos nang makasalubong ko ulit si Jiro. Nakatingin ito sa akin at hindi ko alam pero nakaramdam ako nang takot. Umiwas ako nang tingin at naisipang magdirediretso lang sa paglalakad. Nilagpasan ko siya nang hindi siya nililingon pero nabigla na lang ako nang hilahin niya ako. Dinala niya ako sa isang bakanteng classroom.

B-bakit?" tanong ko. Sinubukan kong huwag ipahalata ang takot ko sa tuno nang boses ko.

"Did you wrote that?" tanong nito at tumingin sa akin nang seryoso.

" Ang alin?" tanong ko at umiwas ako nang tingin.

Binitiwan niya ang kamay ko at may nilabas siya mula sa bulsa niya. Nagulat ako dahil iyon ang love letter na nilagay ko sa locker nang lalaking iyon.
"Paano napunta sa iyo yan?" tanong ko and looked at the letter. Kukunin ko sana iyon sa kanya kaso nilukot lang niya iyon at itinapon sa malapit na basurahan.

"Stop putting your nonsense letters in my locker,"sabi nito.

"T-teka, hindi naman para sa -" naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita muli ito.

"Shut up. You don't need to explain," sabi nito at tuluyang umalis sa room.

Naiwan akong mag-isa sa classroom habang nakatingin sa nilukot niyang love letter ko sa basurahan. Paano napunta kay Jiro ang love letter ko?

  I clinched my fist at tumungo sa basurahan. Pinulot ko ang nilukot ni Jiro na love letter sa basurahan. Nonsense? Hindi naman niya kailangang sabihing nonsense yong sulat ko and besides hindi ko sinulat iyon para sa kanya. Dumating ako sa bahay nang basang basa at nadatnan si Dad na nagluluto. Tinanong niya ako kung bakit basang basa ako pero hindi ko na siya sinagot. Nagdiretso ako sa kwarto ko at naligo na.

Paano kaya napunta sa locker ni Jiro ang sulat ko? Kailangan kong malaman kung paano nangyari iyon.

***

Lumipas na naman ang araw at tulad nang dati nasa eskwelahan na naman ako at nakikinig sa lecture ng teacher ko sa math. Hindi ko naman naiintindihan yong pinagsasabi niya. Actually mas madali pa ngang intindihin yong nasa libro kesa sa mga explanations niya sa board.

Aist, Monday. Ilang araw pa bago ko uli makikita ang lalaking iyon sa Art subject. Nagbuntong-hininga na lamang ako at nagsimulang magdrawing nang chibi version nong crush ko sa Art Subject sa likod nang Math book ko. Hindi ko nga pa pala siya nadedescribe sa inyo.

Matangkad siya, mga nasa 5'8 ang height maputi rin at payatot. Matangos ang ilong at masyadong tahimik. Kaya nga hindi ko man lang narinig ang boses niya at hindi ko rin siya nakitang ngumiti. Minsan ko nang nakita yong gawa niyang painting. Simple lang yong gawa niya. Isang batang babae at isang batang lalaki na naglalaro sa isang parke yong ginuhit niya. Siguro isa iyon sa mga masasayang alaala niya noong bata pa siya.

Pagkatapos kong punuhin ang likod nang math book ko nang mga drawings ay sinara ko na iyon at tumingin kay Maam na abala pa rin sa pageexplain.

Lumingon ako sa paligid nang makita ko ang mga pares nang matang nakatingin sa akin. Si Jiro?!  

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon