Persia's POV
Nasa canteen kami at kumakain. Kasama ko si Zach at ang grupo niya. And nanduon rin si Brylle. Umiiwas lang ako sa kanya dahil hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pagsira kay Zach sa akin.
"You're free tomorrow right?" tanong ko kay Zach. Ipapaalala ko lang kasi sa kanya ang date namin. Although, niyaya ko lang naman siya para ipagdiwang naman namin ang second monthsary namin.
"Yeah," sagot ni Zach at tumingin sa akin.
"So where do you want to go?" tanong niya at nasilayan ko na naman ang mga ngiti niya.
" Kahit saan," sagot ko. Ngumiti ako at saka tinitigan siya.
"Sama ako," rinig kong sabi ni Orion sa tabi ko. Inirapan ko siya at saka ngumiti.
"Date namin iyon noh. Yayain mo kasi si Trisha," sagot ko kay Orion.
" Okay. I'll pick you up at 8 am sa inyo," sabi ni Zach at nang maalala ko ang sinabi ni mama na dapat hiwalayan ko si Zach ay sinabi kong sa bus stop na lang niya ako sunduin.
Pagkatapos naming kumain ay sinabi sa akin ni Zach na may game daw siya mamaya baka gusto ko raw manood. Ngumiti ako at saka sinabing manonood ako.
" See you," isang linyang binitiwan ni Zach bago siya umalis sa kanyang upuan at magtungo sa susunod nitong klase.
" Yo Persia!" tawag sa akin ni Soda.
Tinitigan ko siya at nakita kong sinita siya ni LK. Mukhang may sasabihin pa sana si soda kaso pinigilan ni LK.
"Nothing, manood ka sa game namin ah,"sabi niya at saka umalis sa upuan niya. Isa isa ring umalis ang mga kagrupo ni Zach hanggang si Brylle na lang at ako ang naiwan roon. Tinitigan lang niya ako at saka tumayo na para sumunod sa mga kasamahan niya. Hindi siya nagsalita tungkol sa nangyari noong isang araw. Hindi pa rin kami in good terms in Brylle at kasalanan niya iyon.
***
Fast Forward
Nasa bleacher ako nakaupo kasama si Trisha na ngayon ay ichinecheer si Orion at si Stacey naman na kumukuha nang litrato nang lalaki sa kabilang team. Napalingon ako kay Zach na kasalukuyang nagpupunas nang kanyang pawis sa noo. Nakasuot ito nang puting jersey na may tatak na number 3. Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan si Zach nang litrato. Unizoom ko iyon para makakuha nang maganda niyang litrato. I took stolen shots of him habang umiinom nang tubig. Pagkatapos ay ibinalik ko sa shoulder bag ko ang phone ko.
" Persia, sino iyon?" tanong sa akin ni Stacey at itinuro sa akin ang babaeng nakaupo sa bleachers malapit sa kung nasaan ang mga grupo nina Zach. Napalingon ako sa babaeng itinuturo ni Stacey at hindi ko siya namumukhaan. Ngayon ko lang siya nakita at mukhang kay Zach siya nakatingin.
"Hindi ko siya kilala," sagot ko. Nakangiti ang babaeng iyon at nakasuot nang puting t-shirt at jeans lamang. Kilala ba siya ni Zach? O baka naman nagkamali lang ako nang tingin?
Napatingin si Zach sa direksiyon ko and he smiled. Isang napakasweet na ngiti at gumanti rin ako nang ngiti.
What was that?
Nagsimula na ang laro at napapasigaw lang ako kapag hawak na ni Zach ang bola. Noong nakathree point shot ito ay napatalon ako sa kinauupuan ko. Natapos ang first quarter at lamang nang sampung puntos ang grupo nina Zach. Nang magsimula na ang second quarter ay nagpaalam muna ako sa mga kabibigan ko na pupunta akong C.R.
Nang naghuhugas na ako nang kamay sa Cr ay biglang may tumabi sa akin. Napalingon ako at nagulat ako nang makita ko kung sino iyon.
It was Karen.
BINABASA MO ANG
The Notebook
Lãng mạnPaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...