Part 67

147 4 0
                                    


Brylle's POV

"Hah? O-oo eh... m-malay k-ko ba sa batang ito," sagot ni Miki at pinainom si Laura nang tubig.

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla. Nangyari na kasi ito dalawang beses. Kasama ko rin silang dalawa sa isang dinner invitation ni LK at habang kumakain kami ay sabay kaming napatakip nang ilong dahil sa ayaw namin pareho ang inorder ni Miki na kimchi. Ewan ko kung bakit ganoon ang reaksiyon namin parehi ni Laura.

Siguro nga dahil... dahil noong naglilihi ito ay ako ang kasama ni Miki at hanggang ngayon ay baka epekto iyon noong nagbubuntis siya.

"B-Brylle... paki.... pakihalo nga iyong niluluto ko. Bibihisan ko lang si Laura," sabi ni Miki at binuhat si Laura at patakbong umalis roon. Nagtaka ako kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ni Miki. Isinuot ko iyong apron at inihalo ang nilulutong sopas ni Miki.

Naiwan ako sa kusina at natagalan pa bago bumalik ang mag-ina. Mabuti na lang at hindi kamukha ni Miki si Laura dahil kung oo, baka batang balyena ang batang ito.

Tumingin ako kay Laura at parang may namumukhaan ako sa kanya. Parang nakita ko na ang mukhang ito dati.

Tinitigan ko nang mabuti si Laura at nang mapansin iyon ni Miki ay itinago niya si Laura sa likuran niya.

"B-bakit mo tinititigan si Laura nang ganyan," sabi ni Miki.

"I think.... I think kamukha niya.....yong... yong lalaking pinapanood mo lagi sa cellphone mo," sabi ko nang maalala ko ang lalaking koreano na laging pinapanood ni Miki noon.

"S-sino?" nakakunot-noo nitong tanong.

"S-sino nga ulit iyon? Si...

"A-ah... a-amin na nga yan. Kanina pa ako nagugutom eh," sabi ni Miki at saka inagaw sa akin ang sandok. Umupo ako at tinitigan siya.

Maamo naman talaga ang pagmumukha nang balyenang ito kung hindi lang ito sigaw nang sigaw. Tsaka kailan pa siya pumayat? Bakit ngayon ko lang napansin?! Tsaka nagpakulot rin ito nang buhok?! Bakit hindi ko iyon napansin kanina?!

Teka bakit ko ba siya tinitingnan?! Sinapak ko ang sarili ko. Brylle Washington! Kailan mo pa pinansin ang babaeng ito? No,hindi siya babae! Balyena siya. Isang malaking balyena! Tinalikuran ko siya at tumingin kay Laura na nakaupo sa tabi ko. Nakatingin siya sa akin at hindi siya umiiwas nang tingin.

"Papa....," nakangiti nitong sabi.

"Hoy balyena.... baka lumaki ang batang ito na ako ang kinikilala niyang ama...," sabi ko kay Miki.

Hindi siya umimik kaya lumingon ako sa kanya.

"Hoy balyena....," tawag ko sa kanya. Tumayo ako at nilapitan siya. Nakahawak siya sa ulo niya at mukhang masama yata ang pakiramdam niya.

"Hoy okay ka lang," sabi ko at nang tinapik ko siya ay nawalan siya nang malay. Mabuti na lang at nasalo ko siya.

"Miki!" tawag ko ngunit hindi ito kumikibo kaya nilabas ko ang cellphone ko at tumawag nang ambulansya. Habang naghihintay nang ambulansya ay nag-impake ako nang mga gagamitin niya.

Umakyat ako sa kwarto niya at nagbukas nang drawer. Maraming damit sa drawer niya kung kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong dalhin. Kumuha lang ako nang mga damit niya at pagbukas ko nang ilang drawers ay nakita ko ang mga umdergarments niya.

Tinakpan ko na lang ang mga mata ko at bahala na kung ano ang makuha ko.

Kinikilabutan pa ako sa ginawa ko. Pasalamat iyang balyenang iyan at mabait ako kung hindi baka nilibing ko na siya nang buhay.

Hinalungkat ko pa ang drawers niya nang may mapansin akong envelope sa huling drawer na binuksan ko. Hindi ko sana iyon papakialaman ngunit parang may kung anong tumutulak sa akin para buksan ang envelope.

Nang buksan ko iyon ay tumambad sa akin ang mga litrato. Just what the heck are these photos?!

Zach's POV

Brylle called me at sinugod raw niya si Miki sa hospital kung saan ako nakaassign. Kaninang umaga pa raw ngunit ngayon lang niya naisipang sabihin sa akin. Mabuti na lang at may mga doctor pa roon. I took the bus pabalik sa hospital at pagdating ko roon ay nakita ko si Brylle na nakaupo sa labas nang kwarto kasama nang batang babae na anak siguro ni Miki.

Tinapik ko siya sa balikat at lumingon siya sa akin. Tulog pa iyong batang babaeng buhat ni Brylle. Umupo ako sa tabi niya.

"B-bakit hindi mo sinabi sa akin nang mas maaga?" tanong ko.

" I forgot, " tipid niyang sagot.

" By the way, anong sabi nang doctor sa kanya?" tanong ko. Marahil ay ibang doctor ang sumuri sa kanya.

"Napagod yata ang katawan niya at kailangan lang niya nang pahinga," sagot ni Brylle.

"Good at hindi naman pala ganoon kaserious ang lagay niya," sabi ko.

Tumingin ako sa kanya at mukhang hindi ito mapakali. Kanina pa kasi ito pumipikit at mukhang may malalim na iniisip.

"Brylle, are you okay?"tanong ko. Tumango lang siya.

" I haven't told you about what happened earlier," sabi ko at tingin naman siya sa akin.

"Ang alin?" -Brylle

" Si Persia.... may boyfriend na pala siya," sabi ko sa kanya.

"Really?! Sino naman yang lalaking iyan?!" tanong ni Brylle.

"Hindi ko kilala pero Alexander ang pangalan niya," sagot ko.

Tumahimik kami pareho. Lumabas ang doctor mula sa kwarto ni Miki at sinabing wala raw kaming dapat ipag-alala. Pumasok kami sa kwarto ni Miki at pinaupo ni Brylle ang batang babae malapit sa kinahihigaan ni Miki. Mahimbing itong natutulog sa kwarto.

"So anong plano mo...?" tanong niya sa akin.

"She doesn't remember me. So what's the point of stealing her away from that guy?" sagot ko at lumapit sa may bintana.

"What if... bumalik ang alaala niya at sabihin niyang wala ka man lang ginawa..,"sabi ni Brylle.

"I think kaya naman siyang paligayahin nang lalaking iyon," sagot ko.

"Someday, you'll regret of letting her go," sabi ni Brylle at tumabi sa akin.

"Maybe I won't," sagot ko at hindi na siya nagsalita pa. We stayed there at tinitigan lang ang kalangitan. Pagkatapos nang ilang minuto ay nagsalita si Miki sa likuran. Brylle explained everything to her.

Tumunog ang cellphone ko at tinatawagan ako ni Soda. Sinagot ko ang tawag at pinapaalala lang niya na hindi matutuloy ang party na sinasabi niya dahil may urgent trip ito pabalik sa Italy.

I guess dito na yata kami aabutan nang bagong taon. Kasama ang tatlong ito.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon