Miki's POV
" Huwag!! Kapag sinabi kong huwag, huwag! Kapag sinabi kong hindi, Hindi!" sigaw ko kay Brylle na kanina pa hinahawakan ang chocolate cake sa ibabaw nang mesa. Palibhasa kasi walang ibang pinupuntahan kundi dito sa bahay ko. Mukhang inaabuso yata niya ako at pinapalamon ko na rin ang unggoy na iyan dito.
" Just one bite, please," pagmamakaawa ni Brylle.
" No! Hindi ko ito ginawa para sa iyo," sabi ko at tinaasan siya nang kilay.
"As if naman ginawa mo iyan para sa ibang lalaki," nakangising tanong ni Brylle.
"Excuse me lang hah, if you think na hindi lapitin ang balyenang ito, gusto kong malaman mong halos kasinghaba nang traffic sa Edsa ang nanliligaw sa akin," sabi ko kay Brylle.
"Nice try. That was a nice joke." sabi ni Brylle dahilan para ilapit ko ang kutsilyo sa ilong niya.
" Joke?! Malakas lang talaga ang sex appeal ko. Like isang Meiko Sachiro?! Come on," sabi ko at tumingin kay Brylle na nakangiting nakatingin sa akin.
" Don't look at me like that Brylle. Mukhang gusto kong isiping may gusto ka sa akin," nagbibirong sabi ko pero hindi ito nagalit o nagsalita.
Like hello?!Asan na iyong lalaking laging sumisigaw sa akin sa tuwing binabanggit ko ang mga bagay na ganito.
" B-by the way... k-kamusta na kayo nong babaeng nakilala mo sa resort?" tanong ko. Nasaktan ko pa sarili ko sa tinanong kong iyon.
" Bakit mo natanong?" tanong niya sa akin.
Juicekonemen! Bakit ba binabalik nang lalaking ito ang katanungan ko.
" W-wala lang... b-baka pwede mo naman akong kwentuhan tungkol sa babaeng iyon,"
sabi ko at umiwas nang tingin. Hinahati ko iyong cake para makakain na kami.
" How should I describe her? Hmmmm... she's really not that pretty ," pagsisimula niya.
" Not really pretty? Like typical beauty lang? Akala ko ba perfectionist ka? Ang layo naman sa standards mo iyan," sabi ko. Tandang tanda ko pa kasi na gusto ni Brylle nang mga magagandang babae. Iyong malaki ang boobs at hips. Kaya nga hindi nagkakagusto sa akin dahil wala daw siyang mapapala at malaki lang daw ang braso ko. Duhhh!
" Yeah... and I don't know. Hindi ko talaga siya madescribe,"natatawang sabi ni Brylle.
" Kita mo Brylle, hindi mo naman pala lubusang kilala tapos gusto mo nang ipakilala," sabi ko habang kumukuha nang plato.
" Kaya nga hindi ko alam basta naramdaman ko na lang na gusto ko siya... you think ginamitan niya kaya ako nang potion?" tanong ni Brylle. Tinaasan ko siya nang kilay tapos napaisip.
" Pwede! Sa liit nang utak mo marahil ay nagawa ka niyang lokohin!" sabi ko kay Brylle.
"Liit nang utak?!" naiinis na pang-uulit niya sa sinabi ko.
" I mean pwede naman natin siyang iuntog dito sa braso ko kung sakaling lolokuhin ka niyan," sabi ko kay Brylle at itinaas ang sleeve nang damit ko. Tumawa kami pareho at napapunas pa ako nang luha sa mata kakatawa.
" Eh, ikaw?Are you not going out with someone else?" tanong niya sa akin.
" Huh? O-oo naman," pagsisinungalin ko.
" Really? Sino naman?" tanong niya.
" Bakit mo natanong?" pagbabalik ko nang tanong sa kanya.
" W-wala lang," sagot niya at humarap sa akin para punasan ang ilong ko nang icing.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...