Part 3

356 9 0
                                    

  Teka, ano bang problema nang lalaking iyon sa akin at ganoon na lamang siya kaseryoso kong tumingin! Nakakainis! Tsaka baka masyado na siyang assuming na gusto ko siya dahil sa love letter na sinulat ko na ewan ko kung bakit napadpad sa locker niya. At nilukot pa niya iyon at tinapon sa basurahan? Di man lang ba niya binasa yung laman eh hindi naman siya yung tinutukoy ko doon eh! Sinulat ko pang kaklase ko siya sa Art Subject eh hindi naman kinuha ni Jiro ang subject na iyon. Umiwas ako nang tingin baka hatakin na naman niya ako sa kung saan at baka sa susunod mukha ko naman ang susuntukin niya. Binuklat ko ang aklat ko at doon na lang ako nagfocus nang attention.

Fast Forward XD

Huwebes na! Ang pinakahihintay kong araw! As usual, dahil excited ako pumasok, bumangon ako nang maaga. Mas maaga pa sa manok namin. Ako na ang nagluto nang almusal at pagkatapos ay ginising ko na lamang silang lahat para kumain.

Napansin ata ni dad ang mga ngiti ko at tinanong niya ako kung bakit.

"Malapit na kasi ang graduation ko nang high school dad. I hope na tutuparin mo yung pangako mo sa akin," pagdadahilan ko.

"Oo naman," sagot ni Dad. Two years ago, nangako kasi itong reregaluhan niya ako nang cellphone kapag nakapagtapos ako nang High School. Halos lahat nga nang kaklase ko may cellphone. Sabi kasi ni dad na baka hindi ako magfofocus sa studies ko kapag nagkacellphone ako at tulad nang ibang kabataan baka daw maaddict ako sa facebook.
Pagkatapos ko nang maghanda ay pumasok na ako sa eskwelahan. Hindi ko maiwasang mapatingin sa wristwatch ko kung anong oras na.

Katatapos lang nang lunch break namin at nasa canteen ako. Umorder na ako nang kakainin ko. At pagkatapos ay pumunta na ako sa classroom.  

  Nilabas ko muna ang librong binabasa ko para hindi naman ako mabore.

"Nagbabasa ka rin pala nang mga novels?" Napalingon ako sa taong nagsalita sa harapan ko. Si Athalia, ang campus beauty kung tawagin sa eskwelahan namin. Ngayon lang ata niya ako kinausap eh.

"Oo," sagot ko at saka ngumiti. Sinara ko muna ang librong binabasa ko at tumingin sa kanya. Makinis ang balat nito at halatang anak-mayaman ito dahil sa mga suot niyang alahas.
"Well, if you don't mind. Baka gusto mong hiramin yong mga magaganda kong libro? Kung gusto mo lang naman," sabi nito at ngumiti.

"Pasensiya na pero baka hindi ko na mababasa kung hihiram pa ako gagraduate na tayo next month eh. Baka magiging busy ako sa pagrereview at sa festival na rin next week," sagot ko. Nagtaas lang siya nang kilay at saka ngumiti bago umalis.

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa at itinago ko iyon nang dumating na ang teacher namin. Sinubukan kong itanim sa isip ko lahat nang mga pinagsasabi nang teacher namin. At nang tumunog na ang bell ay dali dali akong lumabas nang room papunta sa Art room ko. Dahil 1:52 pa lang ay siguradong wala pang tao sa classroom pero nagbabakasakali lang naman ako na baka nandoon siya. Binuksan ko ang classroom at tulad nang inaasahan ko, wala siya roon. Mukhang ako yata ang unang dumating kung kaya dumiretso na ako sa upuan ko nang maisipan kung lumapit sa kinauupuan niya. Umupo ako sa upuan niya at tumingin sa labas nang bintana. Nakapagtataka lang kasing lagi siyang nakatingin sa labas. Ewan ko rin kung anong pumasok sa isip ko at nagsimula akong halungkatin ang mga gamit niya. Puro libro lang naman ang nakalagay doon at muli, napansin ko ang kwaderno niya. Ang kwadernong lagi niyang sinusulatan kapag tumitingin ako sa direksiyon niya. Kulay puti ang kwadernong iyon. Kinuha ko iyon at bubuklatin ko sana nang biglang bumukas ang pinto.

  Namula ako bigla nang makita ko kong sino ang nagbukas nang pinto. Tumayo ako nang maalala kong sa upuan nga pala niya ako nakaupo at hawak hawak ko pa ang kwaderno niya. Lumapit siya sa akin at saka ko lang napansing naka P.E uniform ito at pawis na pawis ito. Umiwas ako nang tingin at kunwari nagkakamot nang ulo.

"A-ah.. a-ano p-pasensiya ka na... a-akala ko kasi diyan yong upuan ko.. h-ha-ha," pagsisinungalin ko pero halata namang hiyang hiya ako dahil sa tono nang boses ko at pamumula nang pisngi ko. Tsaka ano ba namang klaseng rason yong nasabi ko, sobrang nakakahiya!
Ilang sandali lang ay pumasok na ang mga kaklase ko kung kaya umupo na ako sa upuan ko at hindi ko na siya nilingon pa. Nakakahiya talaga yong nangyari kanina at kahit wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanya ay mukhang hindi ko pa rin kayang huwag siyang lingonin. Dahan -dahan akong lumingon sa direksiyon niya at ang di ko inaasahan sa lahat ay nang makita kong nakatingin siya sa akin. Nakatingin siya nang diretso sa mga mata ko.

Hindi ko na nagawang umiwas nang tingin at alam kung matagal ko yata siyang tinitigan. Hindi rin siya umiwas nang tingin at naramdaman ko na lang na kusang gumalaw ang kamay ko at kumaway pa sa kanya. Hindi ko alam kong nananaginip ba ako nang makita kong ngumiti ito at saka umiwas na nang tingin. Nagulat na lang ako sa ginawa ko at umiwas rin ako nang tingin. Kung kanina pulang pula ang mukha ko ngayon naman baka kulay purple na ako. Bumilis na naman ang tibok nang puso ko at mas lalong hindi ko namalayang tumunog na ang bell at paalis na ang ilan sa mga kaklase ko.
Lumingon ako sa direksiyon niya at nakita kong nagliligpit na ito nang gamit.

Nagligpit na rin ako nang gamit at napansin kong may nakatayo malapit sa akin. Nilingon ko iyon and it was him. Iniaabot nito ang lapis ko na gumulong sa mesa niya nong isang araw pa. Walang expression ang mukha niya samantalang ako ang bilis bilis nang tibok nang puso ko at pulang pula na naman ang pisngi ko.

 Inabot ko ang lapis ko at saka tumingin sa mga mata niya. Cold. Masyadong malamig ang mga tingin niya. 


"S-salamat," sabi ko. He just nodded at saka umalis na. Haist, hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya. Pero masaya ako dahil alam kong nabasa niya at alam na niya ang pangalan ko. Ngumiti ako at saka hinalikan ang lapis ko. Hahaha.

Umalis ako sa classroom nang may malawak na ngiti.

Fast Forward

Katatapos lang nang exam namin at ngayong araw ay magsisimula na ang school festival namin.
Bumangon na ako at nakita si Mama na nagluluto sa kusina. Kararating lang niya kahapon at sa awa nang Diyos ay bumuti na rin ang lagay ni lolo.

"Ma, nakita mo ba yong P.E uniform ko? Hindi ko kasi mahanap eh. Gagamitin ko po sana iyon ngayon para sa game ko," tanong ko.

"Ah, nalagay ko iyon sa ibabaw nang mesa mo. And anong game naman yong sinalihan mo?" tanong ni Mama.

"Sa track and field po Ma. Nawalan po kasi ako nang slot sa ibang games eh," sagot ko.

Naligo na ako at kinuha ko na ang P.E uniform ko at sinuot iyon. Bumaba na ako para sa almusal. Kumakain na ako nang biglang natapunan nang ketchup ang P.E uniform ko. Nilalaro kasi nang bunsong kapatid ko ung ketchup.
Urgh! Ano nang gagawin ko?"

"Persia, lalabhan ko na lang yan," sabi ni Mama.

"Wala na po kasing time Ma eh. Hihiram na lang po ako sa kaklase ko." sagot ko.

Nagpalit na ako nang damit at nagsuot na lamang nang kulay asul na T-shirt dahil iyon ang color nang team ko.
Nasa gate palang ako ng eskwelahan ay madami nang mga studyante. Pupunta na muna ako sa classroom para magpacheck nang attendance at para naman makahiram nang P.E uniform kulay blue kasi tong P.E uniform namin at iyon ang napag-usapan naming gamitin.

"Miss President, hindi ko kasi nadala yong P.E uniform ko eh. Baka may extra kang dala diyan. Magsisimula na kasi yong laro ko mamaya," sabi ko sa class president namin.  

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon