Part 6

317 4 0
                                    

  Zach's POV

"Okay ka lang," tanong ko bago siya lingonin. Pero nagulat ako dahil iba ang nahila ko. Nakasuot rin ito nang pink na bestida pero iba ang kulay nang maskara nito.

Hingal na hingal rin ito at tumingin ito sa akin bago nagsalita.

"Bakit mo ako dinala rito?" tanong niya. Buti na lang ay may suot akong maskara kung kaya hindi niya ako mamumukhaan. Inalis ng babae ang kanyang maskara at doon ko nakita ang maamo nitong mukha. Maganda ito pero hindi iyon sapat na dahilan para ipagpalit ko si Charlotte.

" I'm sorry," sagot ko. Umupo siya at inalis ang sandal na gamit nito. Nakita ko ang sugat sa mga paa niya dahil siguro sa pagtakbo nong hinila ko siya. Hinaplos niya ang mga sugat. I only stared at her at naisipang bumalik sa venue para hanapin si Jiro at Charlotte. Iniwan ko siya roon and I know mukhang napaka selfish ko naman but I have to find Charlotte.

Bumalik ako sa venue at bumalik na ang ilaw. Hinanap ko si Charlotte pero nang lalapitan ko sana ito ay lumingon ito sa akin.

And she's crying.

Wala sa tabi nito si Jiro kaya nilapitan ko siya at tinanong ko kung anong nangyari.
"Nothing. I-I have to go," sabi nito at nilagpasan ako.

What happened? I was left there at hindi ko alam kung saan hahanapin si Jiro. Kung kaya umuwi na rin ako and tatanungin ko na lamang sila bukas kong anong nangyari.

  Nasa school gate ako noon nang mapansin ko si charlotte. Ngumiti ako sa kanya at gumanti rin ito sa akin nang ngiti. Lumapit ako sa kanya at naalala ko ang nangyari noong isang araw sa prom. kung bakit siya umiiyak. Naisipan kong tanungin siya tungkol doon.

"Charlotte tungkol doon sa prom. a-anong na-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ito.

"Pwede bang huwag na natin pag-usapan pa iyon," sabi nito. Tumingin ito sa akin nang seryoso at hinintay kung ano ang magiging reaction ko. Tumango lang ako and she let out a deep sigh.

Ano bang nangyari nong gabing iyon? And si Jiro?
Nakarating na kami sa classroom and I saw Jiro. Abala itong nakikipagkulitan sa iba ko pang kaklase. Ngumiti ako sa kanya at kinawayan siya pero si Charlotte ay nagdire- diretso lang sa kanyang upuan. Sinundan naman siya nang tingin ni Jiro. Umupo ako sa upuan ko at lumapit sa akin si Jiro.

"Zach, nasaan ka pala nong gabing iyon?" tanong nito.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Nong nawala yong kuryente. Yong 15 seconds na sinabi ko," tanong niya. Naalala ko tuloy yong nangyari. Yong plano kong paghila kay Charlotte but I ended up pulling the wrong girl.

"Huh? U-umuwi na ako bago pa nawalan nang kuryente. Bakit mo natanong?" sagot ko. Hindi ko na sinabi sa kanya ang totoo.

"W-wala," sagot nito at tinapik ako sa balikat.
"Eh ikaw? Anong ginawa mo nong time na yon?" tanong ko. Hindi ako umiwas nang tingin at nakita kong sinulyapan niya si Charlotte bago nagsalita. Gusto kong malaman kung bakit umiiyak si Charlotte nang gabing iyon.

"Badtrip nga eh, nawala si Charlotte sa tabi ko," sagot nito.

Hah? Ibig sabihin wala siya noong umiiyak si Charlotte? Teka bakit parang nalilito ako kung ano ba talaga ang nangyari.

Hindi na ako nagtanong pa dahil bumalik ito sa kinauupuan niya.
Lumipas ang mga araw at napansin kong hindi na ganoon kadalas sumama sa amin si Charlotte. Hanggang sa nakahanap siya nang ibang mga kaibigan at hanggang sa nakaw na sulyap at simpleng ngiti lang ang natatanggap ko mula sa kanya.

" Zacharius Buenavista!"

Lumingon ako sa sumigaw sa pangalan ko. Si Charlotte. Naglalakad ako sa gate noon pauwi at lumapit siya sa akin.
"Uuwi ka na?" tanong nito.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon