Persia's POV
It's the 24th day of December at hindi kami pinayagan nang boss namin kahit isang araw na day off man lang. Marami rin kasi kaming mga costumers at may mga product pa kaming mga pagkaing pangpamilya.
" Peranah!"
Ito na naman ang kabuteng walang magawa sa buhay. Tanghaling tapat na at nandito siya sa cafe. Abala kaming lahat sa pagpupunas nang table at pagkuha nang mga order. Hindi ko siya pinansin at nakita ko pang nakaupo ito sa pinakamalaking table sa gitna mag-isa. Nakapangalumbaba pa siya at nakangiti sa akin.
Baliw.
"Miss, kunin mo na order ko!" sigaw pa niya at itinaas ang kaliwang kamay. Lumingon lingon ako sa paligid at mukhang ako lang ang nakatingin sa kanya. I rolled my eyes at tsaka nilapitan siya.
"Ano pong order niyo SIR," sabi ko.
"Take out," sagot niya.
"Ano nga ang order niyo... SIR,"
"Ikaw,"sabi niya at ngumiti.
"Ako? Hindi naman ako nagugutom ah," sagot ko.
"I'm taking you for a day," nang marinig ko ang sinabi niya ay nagtaas ako nang kilay.
" Seryoso? Sa dami dami nang costumer at tsaka manonood pa ako nang fireworks noh," sagot ko.
"Ayaw mo sumama?"
"Nope, sayang ang araw ko,"sagot ko.
"Kahit pilitin kita?"tanong uli niya.
"Kahit anong pilit ang gawin mo, hindi," sagot ko at nakacross arms na tumingin sa kanya.
" Okay, ikaw bahala."
"Tsaka saan mo naman ako dadalhin?"
"I don't know. It was Zach's order," napatingin ako sa kanya.
"Si Z-zach?"
"Yeah, sasabihin ko na lang na hindi ka pumayag," sabi niya at saka ngumiti nang nakakaloko.
"Hmmm? N-nasaan ba si Zach?" tanong ko.
" He's waiting for you," sagot niya at saka kinindatan ako.
Hinihintay ako?! Tsaka bakit naman niya ako hinihintay? Anong kailangan niya?
****
" Aayaw ayaw ka, sasama ka rin naman pala,"sabi ni Brylle nang makasakay kami sa sasakyan niya. Bago na namang sasakyan ang gamit niya at may mga shopping bag pa sa passenger seat.
"Ano ito?" tanong ko at saka sinimulang buksan ang mga shopping bags. Nagulat ako dahil nang buksan ko iyon ay puro undergarments nang mga babae ang nakita ko.
"Anong ibig sabihin nito Brylle?" tanong ko at nang tumingin siya ay agad itong nagpreno at saka hinablot ang mga bag sa kamay ko.
"Why did you open that?!" tanong niya at saka inilagay ang mga bags sa likuran.
"Nambabae ka ba?! O baka naman nagbebenta ka nang mga babae?!"" sigaw ko.
" Of course not! That.. was.. that was ... naiwan lang yan nang kasama ko kanina," pagpapalusot niya.
Asus. Magpapalusot pa kasi. -____-
Nang makarating kami sa kung saan man ako dinala nang kabute na ito ay bumaba agad ako. Nakasuot ako nang fit na kulay purple na long sleeve na blouse at nakajeans lang. Dinala niya ako sa isang bahay. Hindi naman ito ang bahay nina Zach eh. Tsaka malapit sa tabing dagat ang bahay kaya napakapresco. Malamig nga lang at mukhang wala ring tao sa kapaligiran.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...