Part 42

172 3 0
                                    

  Persia's POV

Nakatingin ako sa kalendaryo sa kwarto ko at December 21 na, three weeks na simula nang maging kami ni Zach. Natapos na rin namin ang first semester at christmas break na namin. Nanatili pa rin akong nagtatrabaho sa W cafe na pagmamay-ari nina Brylle. Minsan minsan rin kong dumalaw doon si Brylle. Kung minsan para daw hindi siya mamatay sa boredom sa bahay nila at kung minsan para naman asarin ako. Maayos rin kami ni Zach. Walang gaanong problema sa amin. Hindi rin naman kami nag-aaway at madalas kami magkasama sa school. Kaya nga nang mareceive ko ang text niya na sa susunod daw na linggo ay magbabakasyon ang pamilya niya sa probinsiya nila ay nalungkot ako dahil hindi ko siya makakasama sa pagsalubong nang bagong taon. Nakafull time ako at hindi rin ako makakasigurado na may free time ako para yayain si Zach sa isang date bago ito umalis patungo sa kanilang probinsiya.

Lunch break na namin sa work at nang matapos akong kumain ay naisipan kong tawagan si Zach. Mabuti naman at sumagot siya agad sa tawag ko.

"Hmmm?" sabi niya mula sa kabilang linya.

"Z-zach, a-ano palang ginagawa mo ngayon?" tanong ko dahil wala naman kong ibang masabi.

" Nagbabasa nang libro," sagot niya.

"Yong makapal na libro?" natatawang tanong ko.

"Sort of, I'm reading Train To Trieste," sagot niya.

"N-naisturbo ba kita?" tanong ko.

"Hindi naman," sabi niya. Ilang segundo ang lumipas at wala akong masabi sa kanya.

" Persia, trabaho ang atupagin mo huwag yang cellphone mo," tawag sa akin nang manager.

"T-tinatawag na ako nang manager," sabi ko at isang "ok" lang mula sa kanya ang natanggap ko.

" Goodbye Zach, ......." Nag-isip muna ako kung ito na aba iyong right time para sabihan ko siya na mahal ko siya... "I- I love--- tot tot tot," hinablot sa akin noong manager yong cellphone ko kaya hindi ko na nasabi pa kay Zach iyon. Kainis naman oh! Ako lang ba ang empleyado dito?!Bakit iyong ibang katrabaho ko kahit harap harapan na kung lumandi hindi na sinisita noong manager. Urgh!

"Ibabalik ko ito mamaya,"sabi noong manager at inirapan ako.

Pumasok na ako at saka dumiretso sa pagmomop sa floor sa dining area. May pumasok na mga costumers at iyong manager namin kung makatitig sa mga lalaking kano kala mo naman ang ganda ganda?! Nakakainis lang kasi eh! Ni hindi man lang ba niya nahintay na sabihin ko iyong love you?! Minsan na nga lang ako umamin tapos hindi pa natuloy?! I'm so pissed!!

" Hey?" rinig kong sabi noong costumer na nakaupo sa table malapit sa akin.
Lumingon ako sa costumer at nang makita ko kung sino ito ay nagulat ako.

"H-hi,"bati ko sa kanya.

"You're working here?" tanong niya habang umiinom nang frappe.

"O-oo," sagot ko. It was Charlotte. Nakasuot pa ito nang kulay pula na off shoulder na blouse na pinaresan niya nang kulay itim na squarepants. Napakaganda nga niya sa suot niya.

" Great to see you here. By the way, do you remember me?" tanong niya at ngumiti sa akin.

"Oo, nakita na kita kina Zach noon," sagot ko.

"Persia right?" tanong niya. Tumigil muna ako sa pagmomop at tumingin sa kanya.

"O-oo," Ito lang ang mga sagot ko sa mga tanong niya.

"And how are you related to Zach?" tanong niya. Tumingin ito sa akin nang diretso. Nginitian ko siya bago sumagot.

"Girlfriend niya ako," sagot ko. I felt na at least mas lamang pa rin ako dahil girlfriend ako ni Zach at hindi isang simpleng kaibigan.

Ngumiti ito at saka napa 'o' shape ang bunganga niya.

"I see, I never expected na magkakagirlfriend siya," sabi niya.

" He courted me, and since matagal naman na kaming magkakilala and we've been to some places together kaya sinagot ko siya," sagot ko at saka ngumiti. Gumanti siya nang ngiti at uminom nang frappe.

"Okay, I'm so sorry. Nadisturbo pa kita sa paglilinis mo, Go on just clean," sabi niya na mukhang inuutusan pa akong magtrabaho. Hindi na ko nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa pagmomop. Nang matapos na akong magmop roon ay naghugas naman ako nang plato. And natapos na rin ang shift ko sa work at gabi na. I took the most safest na daan dahil ayokong mangyari ulit yong dati. Alas nuwebe pa lang at may mga tao pa ring naglalakad. Marahil ay nagpapahangin dahil sa malamig at presko na hangin at ang mga christmas lights na display sa daan. May malaking christmas tree kasi sa park at tanaw na tanaw iyon kahit nasaan kaman naglalakad o nakatayo.

Tumayo muna ako doon nang ilang minuto at pinagmasadan ang mga ilaw.

I think na magkakaroon daw nang fireworks display doon sa gabi nang 24 before midnight.
Nagpatuloy ako sa pagtitig sa christmas tree nang marinig ko ang usapan nang dalawang babae sa tabi ko.

"Last year, dito nagpropose yong kaibigan kong si Jethro sa girlfriend niya. Naniniwala kasi siya sa kwentong kapag kasama mo ang taong mahal mo bago ang fireworks display rito ay suswertehin ka raw sa pag-ibig,"

"Maniwala! Sabi sabi lang iyan. Tsaka ang pasko para kay Jesus, hindi sa lablayp," sagot naman noong isa.
"Tsaka bumili ka na lang kaya nong librong pinipilahan sa bookstore,"

"Ano namang libro iyon?"

"The Signs of True Love, sinulat ata iyon ni Oceniablues. Naku, doon mo malalaman kung mahal ka talaga nang taong mahal mo,"sagot naman noong isa.

The Signs of True Love? Mayroon bang ganoon? Hindi na siguro uso ang instinct at trust sa mga tao ngayong nagmamahal. Naghahanap pa sila nang ebidensiya o patunay na mahal nga sila nang boyfriend o girlfriend nila.

Naghintay na ako nang taxi at nang may dumating ay agad agad ko iyong pinara. Nang makauwi na ako ay nag-open ako nang facebook account. Matagal na rin noong huli ko itong ginamit. Tsaka hindi rin naman ako nakikiuso sa mga kung ano anong makabagong teknolohiya o kung ano man.

Nang makalog-in ako sa account ko ay nagbasa ako nang notifications at puro lang updates mula sa mga kaibigan ko. Nagscroll down lang ako hanggang sa makita ko ang pinost ni Miki sa facebook account niya. Isang litratong selfie kasama ang parents niya sa America.

Nakamove on na kaya siya? Nagscrolldown pa ako pababa hanggang sa makita kong nagpalit nang profile pic ang kabuteng Brylle na iyon. Isang chibi version niya na kulay ube din ang buhok. Nagscrolldown pa ako at binasa ang lahat nang nasa newsfeed ko nang mapansin ko ang isang litrato kong saan nakatag si Zach.

Post ni Charlotte Shiela Fernandez.

Isang litrato ni Zach na nakatingin sa camera at nakangiti pa. Nakapeace sign ito habang may hawak hawak na libro. Si Charlotte naman ay nakapeace sign rin na nakatingin kay Zach.

10 hours ago. Siguro ay dumalaw siya kina Zach after niyang pumunta sa cafe kanina.

I felt jealous. Ni hindi nga ako kumukuha nang litrato kapag kasama ko si Zach. Bakit ba mas lamang pa din iyong kaibigan kesa sa sariling girlfriend?! Masyado na ba akong naniwalang dahil girlfriend niya ako ay dapat hindi na ako mag-alala kung sino kasama niya o ano ginagawa niya?! I think na kahit girlfriend niya ako, hindi ko pa rin ramdam na mahal niya ako! Ayokong mag-isip nang masama na baka magkagusto siya sa iba o akitin siya nang iba pero kasi, nagmamahal din naman ako. Agad kong dine activate yong account ko at inishutdown iyong laptop. Nakakainis!

O kung bumili kaya ako nang The signs of Love ni Oceniablues? Matutulongan ba ako nang librong iyan para malaman if I finally found the right man?!   

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon