Persia's POV
" Hah?Bakit hindi?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Hindi rin niya inabot yong ice cream kaya habang kinakain ko yong isa, natutunaw na yong isa sa kaliwang kamay ko. Nakaupo kami noon ni Zach sa isang bench at ako abalang kumakain nang ice cream. Tinititigan lang ako ni Zach noon at nahihiya ako dahil wala akong magawa para punasan ang kumalat na ice cream sa labi ko. Kaya tinalikuran ko siya. Hindi ko kasi maitapon tapon yong isang ice cream na para sana kay Zach dahil sayang din yon.
Nagulat na lang ako noon nang sinandal ni Zach yong ulo niya sa balikat ko. Hindi ako gumalaw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa ginawa niya. Basta ang alam ko bumilis yong tibok nang puso ko.
"Z-zach?"
"Don't speak," sabi lang nito. Sinandal lang niya yong ulo niya sa balikat ko nang ilang minuto. Hindi kami nagsalita at hindi rin ako gumalaw. Hinayaan ko siyang magpahinga dahil mukhang pagod ito ngayong araw. Marahil ay mabilis mapagod ang katawan niya tulad nang sinabi ni Jiro sa akin noong nagkita kami. Mas lalo tuloy natunaw yong ice cream sa kamay ko dahil sa init na nararamdaman ko. Pinagpapawisan ako noon pero hiniling ko na sana tumigil ang oras. Na sana kapag napapagod siya ay sa balikat ko siya sasandal. Na kapag masaya siya, nasa tabi niya ako. Nagbuntong hininga na lamang ako roon. Ilang minuto kami sa ganoong posisyon hanggang sa may nagsalita.
"Mukhang balak mo yatang iuwi ang babaeng ito?" Lumingon ako and si mushroom yong nagsalita. Kahit nandoon ang kaibigan ni Zach ay hindi pa rin ito umaalis sa pagkakasandal sa likod ko. Inirapan ko lang yong mushroom na iyon. Panira nang moment.Sana hindi na ito dumating.
"Zach, kailangan mo nang umalis," sabi ni mushroom. Saan naman kaya pupunta si Zach at kailangan pang ipaalala iyon sa kanya ni mushroom.
" Pwede bang mamaya na lang?" sagot ni Zach.
Tumawa si mushroom at tumingin sa akin.
"Hindi pwede Zach, kailangan ka roon. At ako na ang bahala sa Perana na ito. Kung gusto mo ididiretso ko siya sa bahay niyo," sabi ni mushroom at kinindatan ako. Mas lalo ko siyang inirapan at naramdaman kong gumaan ang balikat ko nang alisin ni Zach ang ulo nitong nakasandal sa akin.
"Pwede mo bang gawin yon?" sagot nito kay mushroom. Mas lalo tuloy akong namula at umiwas nang tingin sa dalawang lalaking ito.
" Pwedeng pwede pero mukha yatang magboboluntaryo itong dumiretso sa bahay niyo," sabi ni mushroom dahilan para mamula yong pisngi at tenga ko. Narinig kong nagpaalam si Zach kaya lumingon ako. Nakita ko siyang naglalakad palayo sa akin at hindi rin ito lumingon kahit minsan.
"Panira ka nang moment," sabi ko kay mushroom nang makaalis si Zach.
"At mukhang nabitin ka pa," sagot nito at saka tumawa. "Kung gusto mo ako na lang sumandal sa iyo," dagdag pa nito at hinawakan ako sa balikat. Nagpumiglas ako noon at nang makawala ako ay binatukan ko siya. Tumawa ako nang makita kong umupo pa ito at napahawak sa ulo. Hindi ko naman nilakasan yong batok at nasaktan siya.
"Uy, okay ka lang mushroom?" tanong ko at nilapitan siya. Umupo ako sa tabi nito at ginulat niya ako nang batukan rin niya ako. Tinitigan ko siya nang masama. Umupo kami sa bench at nilabas ko yong pouch ko nang makita ko ang panyong ginamit ni Zach pampunas nang kanyang pawis.
Ngumiti lang ako noon at tinitigan yong panyo na para bang baliw. Kinuha iyon ni mushroom mula sa aking kamay at pinang punas niya nang pawis niya.
"Ahh!!!" sigaw ko at kinuha mula kay mushroom yong panyo. "Bakit mo pinang punas nang pawis mo ito!!" sigaw ko at hinampas siya.
"Teka, panyo lang naman yan ah," sabi nito. Napahawak ako sa noo.
"Kahit na! Importante ito sa akin!" sigaw ko at hinihipan yong panyo para mawala yong pawis ni mushroom na kumapit doon.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...