Part 38

196 3 0
                                    


  Persia's POV

Malakas ang sikat nang araw at naglalakad ako sa tabi nang dalampasigan. Pinapanood ko ang alon habang humahampas ito sa isang malaking bato. Nasaan ako? Nakasuot ako nang puting bestida na umaabot hanggang tuhod. Kailan pa ako pumunta rito? Lumingon lingon ako sa paligid at mukhang ako lang yata ang tao roon. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa napansin kong walang hangganan yata tong tinatahak kong daan.

" Persia!"

Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin mula sa likuran. Lumingon ako at tama nga ako. Siya ang tumawag sa akin. Ngumiti ito at saka tumakbo palapit sa akin.

"I was looking for you," ani nito. Gwapo siya sa suot nitong puting polo lalo na at open ito. Hindi niya iyon binutones kaya lantad ang maputi nitong dibdib.

"N-nasaan tayo?" tanong ko.

"I don't know. I just woke up and found myself here," sagot niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit kami naririto. Paano at kailan? Naglakad lakad kami at pinagmasdan ang mga alon hanggang sa magsalita ulit siya.

" I'm sorry I lied," sabi nito kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko naiintindihan ang sinabi niya. May sinabi pa ito ngunit hindi ko na narinig at nakita kong humakbang ito palayo. Tinalikuran niya ako at hahabulin ko sana siya kaso hindi ko maigalaw ang mga papa ko. Masyado na siyang malayo at hindi siya lumingon. Naiwan ako roong umiiyak at sinisigaw ang isang pangalan.

"Zach!"

******

"ATE GISING!"

Doon lamang ako naalimpungatan. Nagising akong umiiyak at nasa tabi ko na si Pierce na may hawak hawak na baso. Mukhang binuhusan yata niya ako nang tubig.

"Ate kanina pa kita ginigising eh! Sigaw ka na lang nang sigaw nang pangalan ni Kuya Zach!"sabi nito.

Kung ganoon nananaginip lang pala ako?! Pinunasan ko ang mga luha ko at nang bumangon ako sa pagkakahiga ay biglang sumakit yong ulo ko.
Napahawak ako at saka ko lang naalalang lasing pala ako kahapon. Inuwi ba ako ni Miki kagabi? Baka naman nakita ako ni mama at pagalitan ako?! Hayst, Persia kasi eh. Iinom inom ako hindi ko naman pala kaya.

" N-nasaan sina mama?" tanong ko kay Pierce at bigla itong tumahimik. Humikbi ito at saka nagsalita.

"Eh.. K-.kashi....(singhot) kashi... nag-aaway shila..(singhot) sa baba," sagot niya at lumakas pa iyong iyak niya. Iniwan ko siya sa kwarto ko at bumaba. Nakita ko si Dianne sa may hagdanan at mukhang pinapakinggan niya ang pagtatalo nang mga magulang namin. Umupo ako roon at pinakinggan kung bakit ba sila nagtatalo.

" Ayan diyan ka magaling! Kung nag-isip ka sana, hindi na nila nascam yong pera natin! Inipon pa man din natin iyon nang ilang taon!"
sigaw ni mama.

" Hindi ko nga kasi alam! Narecommend lang iyon nang katrabaho ko!" sagot ni papa. Bilang panganay na kapatid mukhang obligasyon ko rin ang makiusyoso kung ano ba ang problema. Bumaba ako at nakita ako ni Mama.

"Persia!Pagsabihan mo nga yang ama mo!" sabi ni mama at nagwalk out sa sala. Napahawak na lamang si dady sa ulo at umupo sa sofa.

"Dad, ano po bang problema?" tanong ko. Inexplain sa akin ni dad na mascam nga iyon ipon namin dahil hindi na nagrereply yong pinagbigyan niya nang ipon nila.

"Pasensiya na pero mukhang mahihirapan yata kami sa gastusin mo sa school," sabi ni papa.

" M-maghahanap na lang po ako nang part time," sagot ko.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon