Persia's POV
" Bibilhin ko ito," sabi ko sa saleslady at iniabot ang pulang blouse at isang sweatshirt.
"Okay Maam, diretso na lang po kayo sa counter," sabi naman noong saleslady. Pagkatapos kong magbayad ay lumabas ako sa mall at naisipang tawagan si Alexander. Busy raw kasi siya sa meeting nila kanina at napagkasunduan kasi naming susunduin niya ako rito sa mall.
Inidial ko ang number niya kaso out of coverage area. Tinawagan ko uli kaso wala talaga. Tumayo muna ako roon at maghihintay na lamang nang taxi kaso ilang minuto na akong naghihintay ay punuan na dahil tanghali na kasi. Naisipan kong maglakad na lang muna at umupo sa kalapit na bench. Umupo ako roon at inilabas ang cellphone ko. Maganda ang kalangitan kaya naisipan kong kumuha nang litrato. Pagkatapos ay ibinalik ko sa bag ko ang cellphone ko at tumingin sa kapaligiran. May mga batang naglalaro sa tabi kaya pinanood ko na lamang sila habang hinihintay ang tawag mula kay Alexander.
Ilang minuto na akong nakaupo roon nang may matandang babaeng tumabi sa akin.
"Iha, gusto mo bang basahin ko ang nakasulat sa palad mo?" tanong niya sa akin.
"P-po?" tanong ko.
"Ang sabi ko babasahin ko ang kapalaran mo," sabi niya at hinila agad ang kanang kamay ko.
"Pero bago iyan iha, bigyan mo ako nang isang daan," dagdag pa noong matanda.
Manghuhula ba talaga ito? Mukha kasing taong grasang pagala gala sa kalye ang matanda at hindi isang manghuhula. Marumi ang mga kamay niya at punit punit pa ang kanyang damit.
Dahil na rin sa gusto ko siyang tulongan ay binigyan ko siya nang isang daan.
"Ayun sa nababasa ko sa palad mo... ikaw ay susuwertehin sa pag-ibig. May makikilala kang lalaking magmamahal sa iyo nang tunay," sabi noong matanda. Nakakunot noo lang akong nakatingin sa matanda habang may kung anong ginuguhit na letra sa palad ko.
"Paano ko po makikilala ang lalaking iyon?" tanong ko.
"May dagdag na bente kapag may follow up question iha," sabi noong matanda at napakamot ako sa ulo. Pinagpeperahan yata ako nang matandang ito. Kumuha ako nang bente sa wallet ko at iniabot sa matanda.
"Ayun sa palad mo... ang lalaking iyon ay....," hindi niya tinapos ang sasabihin at tumingin siya sa akin.
"Ay ano po?"
"Makakasalubong mo ang lalaking iyon at kapag nakita mo siya... mararamdaman iyon nang puso mo....," sagot noong matanda.
Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Paano mauna na ako," pagpapaalam noong matanda. Hindi ko na siya hinabol pa para tanungin tutal hula lang naman iyon. Hindi iyon totoo.
Nagring ang cellphone ko at si Alexander ang tumatawag. Hindi raw niya ako masusundo dahil sa urgent meeting niya.
Tumayo ako at naisipang maglakad lakad papunta sa isang book store para bumili nang libro. Nasa may pedestrian lane na ako at hinihintay na umilaw ang berde. Kaso hindi pa umiilaw ang kulay berdeng ilaw ay may tumawid na bata. May sasakyan ring paparating at hindi niya yata napansin ang batang lalaking nasa kalsada. Iilang lang kaming naroroon at sumisigaw pa ang matandang katabi ko. Wala sa mga kasamahan ko ang gustong sumagip sa bata dahil sa takot na mabangga sila kaya wala na akong ibang choice kundi ang tumakbo at itinulak ang bata.
Tanging malakas na busina na lang ang narinig ko at nakita ko muli ang sarili ko sa gabi noong nangyari ang aksidente tatlong taon na ang nakakaraan.
Ang gumawa sa akin noon na nakita ko bago ang aksidente.... ay walang iba kundi ang... lalaking iyon.
"Miss! Magpapakamatay ka ba?!" sigaw noong driver sa akin.
Hindi pa pala ako nasagasaan pero malapit sa akin iyong kotse. Dahil sa takot ay hindi ako makagalaw at nakita ko na lang na umiiyak iyong bata sa tabi ko. Nilapitan siya noong mga magulang niya at ako naman ay naiwan sa gitna nang kalsada. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sumasakit ang ulo ko dala nang mga naaalala ko noon. Nagsisigawan na rin ang mga driver at nabibingi ako dahil sa malakas na busina nang mga sasakyan.
May mga naaalala na ako sa nangyari tatlong taon na ang nakakalipas. Ang pagkakaksidente ko sa Shaito Park at kung sino ang bumangga sa akin.
Napapikit na lamang ako at nabigla nang may bumuhat sa akin paalis sa gitna nang kalsada. Binuhat niya ako nang bridal style at nang tingnan ko kung sino iyon ay walang iba ang kundi si Zach.
Bakit hindi ko maaalala si Zach?!
Nang makatawid na kami ay ibinaba niya ako.
"Just what the heck are you doing there Persia?! Muntik ka nang maaksidente?!" sigaw niya at nakatingin sa akin nang diretso.
Tumingin ako sa kanya nang diretso at bakas ang galit at pag-aalala sa kanyang mukha.
"I-I'm s-sorry.... I- I'm just worried na baka mas lumala pa ang kalagayan mo kapag naaksidente ka uli," sabi niya at napahawak sa kanyang noo.
"P-pasensiya na," sagot ko at saka siya tinalikuran.
Hahakbang na sana ako paalis nang bigla bigla na lang akong yakapin ni Zach sa likuran.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot at pilit kong inaalis ang mga kamay niyang nakahawak sa akin lalo na at maraming nakakakita sa amin. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin at amoy ko ang pabango niya.
Ang pabangong ito. Ito ang pabango nong lalaking humalik sa akin sa kwarto nong gabing iyon.
Si Zach ang lalaking iyon?! Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero mali eh.
Kusa niyang inalis ang pagkakayakap niya sa akin.
" I'm sorry," sambit ni Zach. Hindi ko siya nilingon at humakbang na ako paalis.
Hanggang ngayon pa rin wala siyang ibang masabi bukod sa salitang 'sorry'.
(Cassey: Homaygas! I'm having a writer's block 😂😂)
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...