Persia's POV
" Bakit hindi mo ako hinanap? Kanina pa ako nakatayo sa kabila nang fountain," sabi nito. Hindi ako nakasagot agad dahil masyado siyang malapit sa akin at halos amoy ko ang pabango nito. Nakasuot ito nang kulay pulang hoody na jacket at itim na pantalon. At higit sa lahat ay iniba niya ang kulay nang buhok niya mula sa pula ay itim na ito ngayon. Hindi rin ito nagsuot nang headband.
" Hindi sana ako ang makakasama mo ngayon. It should have been Alfred but I don't trust him at baka kung ano pa ang gawin niya sa iyo. Huwag mong isiping nag-aalala ako para sa iyo," sabi ni Zach. Hindi ako sumagot dahil nakatingin ito sa akin nang diretso sa mata.
"Tatlong oras lang ang kaya kong ibigay sa iyo at kapag natapos ang tatlong oras, whether you like it or not, aalis ako," dagdag pa nito.
Tumango lang ako kahit wala naman akong ideya kong ano ang sinasabi niya.
"Susunduin ka rito sa fountain. Tapos mamasyal tayo. Kakain sa labas. Ito ang gagawin natin sa loob nang tatlong oras kaya tara na," sabi nito at nagsimula nang maglakad.
Ibig sabihin ba noon ang apology nang grupo nina Zach ay ang tatlong oras na makasama ko siya?! Date ba ito?!
Naglakad na si Zach at hinabol ko siya kasi mabilis itong maglakad. Hindi man lang ba niya ako icocompliment sa suot ko ngayon? Hindi man lang ba niya sasabihing maganda ako? Dalawang hakbang ko lang ata yong isang hakbang niya kaya minsan yong imbes na lakarin ko ay tatakbuhin ko. Hindi man lang ba gentlemen si Zach? Kapag humihinto ito ay hihinto rin ako sa likuran niya.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong nito. Kahit saan naman okay lang sa akin dahil ang importante kasama ko si Zach. Bago pa man ako makasagot ay naglakad muli ito. Pumasok kami sa isang building at sa pagkakaalam ko Ocean park ata iyon. Tuwang tuwa ako noon nang makita ko iyong malaking aquarium. Nasa tabi ko lang noon si Zach at para akong bata na sobrang saya.
"Ang ganda pala rito!" sabi ko para naman kausapin ako ni Zach. Tumango lang ito at naglakad na muli. Kahit gusto ko pa sanang tingnan yong mga isda ay kailangan kong sundan si Zach. Mabilis ito sa paglalakad at buti ay nahahabol ko. Ang next destination namin ay iyong dolphin na naglalaro sa may pool. Tuwang tuwa talaga ako dahil ang cute nong dolphin sa paggawa nang kanyang tricks.
"Ang cute nong dolphin!" nasabi ko dahil sa tuwa at hindi ko namalayang nahampas ko si Zach. Tumingin lang ito sa akin at napangiti ako sa kanya. Umiwas na ito nang tingin at ako naman pumapalakpak sa tuwa.
"Dito ka lang," rinig kong sabi ni Zach at umalis nang hindi man lang ako nililingon. Nag-eenjoy ako roon kahit wala si Zach at hindi ko maiwasang isipin kong babalik ba siya.
"And now, para sa last trick ni Phin, kukuha ako nang isang maswerteng tao sa audience!" sabi nong trainer ni Phin, yong dolphin.
"Ayun! Yong babaeng nasa likuran. Yung nakasuot nang kulay maroon na bestida!" sabi nong trainer. Nagulat ako doon kasi hindi ko naman inexpect na ako yong kukunin.
"Miss bumaba ka rito para sa last trick," sabi pa nito. Naalala ko yong sinabi ni Zach na huwag akong umalis roon. Baka kapag bumaba ako at hindi niya ako makita ay aalis ito. Binalaan rin niya akong huwag umalis sa kinatatayuan ko. Pinagtitinginan na ako nang mga tao roon at hinihintay akong bumaba. Wala na akong nagawa kaya bumaba na ako. Sana naman mapansin ako rito ni Zach.
Ang gagawin kasi ni Phin ay hahalikan niya ako. Ang kailangan ko lang gawin ay itapon itong bola at kapag bumalik ito sa akin ay hahalikan niya ako. Pumwesto na ako noon pero hindi ako makaconcentrate dahil wala pa si Zach sa upuan namin. Ginawa ko yong sinabi nang trainer at nang bumalik si Phin ay hinalikan niya ako. Tuwang tuwa ako noon dahil ito ang unang beses na nakahawak ako nang isang dolphin. Matapos iyon ay bumalik ako sa upuan namin at wala roon si Zach. Umalis na ba siya? Babalik pa kaya siya? Paalis na iyong ibang audience noon dahil natapos na ang show pero ako naiwan pa rin ako doong nakaupo. Nagbabakasakaling bumalik pa si Zach. Wala pa rin siya.
"Persia," lumingon ako sa likuran at nakita ko siyang pawis na pawis.
"San ka galing?" tanong ko dahil mukhang tumakbo pa yata ito. Saan ba ito pumunta at natagalan siya? Hindi niya ako sinagot pero umupo ito sa tabi ko at hingal pa rin ito nang hingal. Sumandal siya sa upuan at ako naman ay nakatingin sa kanya dahil ang gwapo niya lalo kapag nakapikit. Nakita ko ang mga tumutulo nitong pawis kaya nilabas ko yong panyo sa pouch na binili ni mushroom kanina. Wala sa isip na pinunasan ko yong mga pawis ni Zach sa noo. Kung bakit ba kasi ito umalis at bakit napagod. Hanggang sa dumako yong panyo sa may labi ni Zach. Tinitigan ko lang yong labi niya at kumpara sa labi ko ay mas matingkad ang kulay nito. Napatingin din ako sa ilong nito at matangos iyon. Hanggang sa napatingin ako sa mga mata nito. Ang swerte ko naman at nakatingin sa akin ang mga mata niya. Huh? Nakatingin?! Nagulat ako nang marealize kong nakatingin pala ito sa mga ginagawa ko. Matagal na ba niya akong tinititigan?! Namula na naman ang pisngi ko at para hindi niya iyon mahalata ay itinapon ko yong panyo sa mukha niya at tumayo.
"Huwag mong isiping pinagnanasahan kita," sabi ko nang hindi siya nililingon pero narinig ko siyang tumawa.
Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang tawa niya. Nakahawak pa ito sa kanyang tiyan at medyo malakas pa ang tawa nito.
"Nakakatawa ba ako?" tanong ko. Nagpunas ito nang luha tapos tumingin sa akin.
"You never changed at all," sabi nito. Kinuha niya yong panyo at pinunasan ang pawis sa leeg nito.
Tumingin ako sa wristwatch ko at magdadalawang oras na kaming magkasama.
" So saan na tayo pupunta?" tanong ko. Lumingon lingon ako sa paligid. Iilang tao na lang ang naroroon. Ayokong mag-aksaya nang oras dahil alam kong tatlong oras lang kami magsasama ni Zach.
"Kakain, may magandang resto rito," sabi nito at saka tumayo. Sinundan ko lang siya sa likuran tapos itinapon niya muna iyong panyo sa akin. Sinalo ko iyon at inilagay sa pouch. Naglakad kami at tulad nang dati hinahabol ko na naman siya dahil mabilis itong maglakad.
Nasa may pedestrian kami noon at naghihintay na tumawid. Maraming tao noon kaya kailangan kong lumapit kay Zach dahil baka matulak pa ako at mawala si Zach sa paningin ko. Umilaw na yong kulay berde kaya tumawid kami pero may tumulak sa akin kung kaya nawala si Zach sa harapan ko. Halos siksikan yong tao noon sa pagtawid at pinilit kong isiksik yong sarili ko para makaalis roon. Lumingon lingon ako sa paligid nagbabakasakaling mahanap si Zach pero mukhang malabo yatang mahanap ko pa ito dahil madaming tao. Ano nang gagawin ko? Paano ko hahanapin si Zach?! Hindi ko pa man din alam kung saang resto yong sinasabi niya?! Nakakainis naman oh. Hindi ko alam kung paano siya hahanapin. Nagpaikot ikot ako roon nagbabakasakaling bumalik si Zach at mapansin nitong wala ako sa tabi niya.
"ZACH!!" sigaw ko baka kung nasaan man ito ay mahahanap niya ako. Kahit pinagtitinginan na ako nang mga tao roon ay ang importante sa akin ay mahanap ako ni Zach.
Nagpaikot ikot ako roon nang halos ilang minuto bago ko mahanap si Zach. Nakatayo ito malapit sa department store at mukhang kapapansin lang yata niyang wala ako sa tabi niya. Nilapitan ko siya at nakita kong nakakunot-noo ito.
" Saan ka pumunta?" tanong niya.
"Hah? Nawala ako kanina dahil sa sobrang dami nang tao," sagot ko.
"I think we can't make it kapag pupunta pa tayo sa resto," sabi nito at nakatingin sa wristwatch niya.
"Ganoon ba?" tanong ko. Lumingon lingon ako sa paligid at nakita kong may nagbebenta nang ice cream sa tabi.
"Sandali lang," sabi ko. At kahit pagod ako ay lumapit ako roon sa nagtitinda nang ice cream. Bumili na ako noon nang dalawang strawberry flavored na ice cream. Binalikan ko si Zach at nakatayo pa rin ito at nakacross arms. Iniabot ko yong isang ice cream sa kanya.
" I don't eat ice cream," sabi nito.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...