Persia's POV
Masasabi ko bang masaya ako dahil sa amin ni Zach? Kasi hindi ko ramdam. Hindi ko ramdam na may oras pa siya para sa akin. Na may Zacharius Buenavista sa buhay ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin at hindi man lang ako nilapitan para tanungin kong ayos lang ba ako.
Tuluyan ko na siyang tinalikuran.
Kailangan kong linawin ang lahat lahat kay Zach sa date namin sa susunod na sabado.
Pumasok ako sa klase ko at nakatunganga lang ako roon nang lapitan ako nang isa sa mga kaklase ko.
"Persia?" tawag sa akin noong kaklase ko.
"Bakit?" tanong ko.
"May nagpapabigay oh," sabi nang kaklase ko at may inabot sa aking isang envelope. Binuksan ko iyon at isang sulat ang laman noon.
4:00 sa rooftop
Ito lang ang nakasulat sa papel kaya nagtaka ako. Tinanong ko kung sino ang nagpapabigay nito sa akin pero ayaw namang sabihin sa akin nang kaklase ko.
Sino naman kaya?!
Hindi naman siguro galing kay Zach ang sulat na ito dahil nagkita lang kami kanina. Hindi naman siguro ito galing kina Trisha at Stacey?
Lumipas ang mga oras at dahil ayokong mahuli sa part-time job ko ay hindi na ako nagtungo sa rooftop. Wala naman kasing nakasulat na pangalan at baka niloloko lang nila ako.
Naglakad ako papunta sa W Cafe na pinagtatrabuhan ko. At nang mapadaan ako sa isang Bookstore ay naisipan kong pumasok. Naghanap ako nang mga libro na pwede kong bilhin at napansin ko ang librong pinag-uusapan dati nang dalawang babae sa harap nang Christmas tree sa park sa nakaraang taon, ang The Signs of True Love by Oceniablues. Binili ko ang librong iyon at inilagay muna sa bag ko.
Dumating ako sa Cafe at nakita ko na naman ang kabuteng iyon doon. Nakaupo sa isang table at mag-isang umiinom nang kape. Nagsimula na akong magtrabaho at makalipas ang dalawang oras ay naroon pa rin si Brylle sa table. Nang makita niya ako ay tinawag niya ako. Wala naman akong nagawa kundi lapitan siya dahil Boss ko naman siya.
"Bakit?" tanong ko.
" Nothing," isang tipid na sagot mula sa kanya.
Nakapangalumbaba ito at mukhang may pinagdadaanan ito dahil sa hitsura niya.
Alam kaya niya ang tungkol kay Miki?! Kanino naman kaya kasi ang dinadala niya?!
" Hey Persia. May gagawin ka ba?" tanong niya sa akin.
" Obviously, magtatrabaho rito. "
" Pwede mo ba akong samahan?" tanong niya. Seryoso itong nakatingin sa akin kaya binatukan ko siya.Hindi ako sanay sa ganito nitong mukha.
"Samahan? Magtatrabaho nga ako," sagot ko.
"I mean sa labas. Triple ang ibibigay kong sahod mo," sabi niya. Nakakunot-noo akong tumingin sa kanya. Tumayo siya at hinawakan ako sa kamay.
"T-teka...," ani ko nang bigla na lamang niya akong hilahin palabas. Tumungin pa ako sa manager namin at narinig ko itong sinisigaw ang pangalan ko.
"Brylle, saan mo ba ako dadalhin?!" tanong ko. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang ito sa paghila sa akin. Hinila niya ako papunta sa isang madilim na iskinita. Kinakabahan na ako sa mga kinikilos niya.
"Brylle?!" tawag ko.
Hindi niya ako sinagot at hinila niya ako patungo sa isang abandonang building. Doon na talaga ako natakot. Pinilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero masyadong mahigpit kaya kumapit ako sa isang poste.
BINABASA MO ANG
The Notebook
عاطفيةPaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...