Part 27

185 7 0
                                    

Persia's POV

" Do you think, Macky gave the right map?" tanong sa akin ni Zach. Kinakabahan tuloy ako dahil alam kong plano ni Miki na ibigay sa akin ang maling mapa.

"It's Miki not Macky, at o-oo n-naman tama tong mapa,"sagot ko.

( Clueless si Persia na nagkapalit sila ni Miki nang bag so nasa kanya yong tamang mapa.)

"Then bakit parang kanina pa tayo pabalik balik dito?"tanong niya. Kung bakit ba kasi gumawa si Miki nang maling mapa. Ang nakasulat dito may lake daw malapit dito. Pero parang nagpapaikot kami ni Zach.

Kaming dalawa lang ang magkasama and hindi naman siya tumanggi nang malaman niyang magkasama kami.

Maganda naman yong panahon dahil walang sign na uulan.

"Give me the map," utos nito. Lumapit ako sa kanya para iabot yong mapa. Habang tinititigan niya yong mapa, napako yong tingin ko sa mukha niya. Ang seryoso nang mukha niya habang inaanalize yong mapa. Ngayon ko lang napansing ang ganda pala nang pilik mata niya. May nunal siya malapit sa kanyang labi. At nang mapansin ko yong labi niya naalala ko tuloy yong ginawa niyang paghalik sa noo ko. Bakit parang pabigla bigla naman ang mga ginagawa ni Zach. Minsan inaasar niya ako. Minsan hindi niya ako pinapansin. Minsan gumagawa siya nang mga bagay na hindi ko inaasahang gagawin niya. Minsan tumatawa. Minsan seryoso. Minsan hindi ko alam kung bakit niya ako tinititigan. Minsan iniisip ko na baka magkagusto siya sa akin. Minsan umaasa ako. Minsan alam ko kilala ko siya. Minsan naman iniisip ko hindi ko siya lubusang kilala. Minsan gusto ko sa akin lang nakatuon ang attensiyon niya.

"Are you listening to me?" sabi nito at pinitik ako sa noo. Napahawak ako sa noo at saka ko lang napagtantong matagal ko pala siyang tinititigan.

"A-ah?"

" Malapit lang pala yong lake dito. All we have to do is to follow this direction," sabi nito. Dumiretso ito pakaliwa sa may mga puno. Sumunod ako pero kailangan kong maglakad nang mabagal dahil sa bigat nang bag na dala ko. Of course, kailangan namin nang supplies. Lalo na ang tubig, pagkain at damit. Sabi kasi ni Miki baka bukas pa nila kami hahanapin kung sakaling hindi kami makabalik. Hindi naman ako sigurado doon eh. Puro tuyong dahon yong mga inaapakan ko at nang tumingin ako kay Zach ay medyo malayo na siya dahil ang bilis niya maglakad. Hindi man lang niya ako hinintay. Hmmpp! Paano na lang kung mahiwalay ako sa kanya? At least man lang sana, alalayan niya ako o hawakan tong bag ko. Hindi siya gentleman.

Si Miki kaya? Kumusta naman sila ni Brylle? Sa tingin ko na baka nagtagumpay siya sa mga plano niya. Sabi kasi niya sa akin na yong tamang mapa, may tatawarin silang isang lake at may bangka roon. Sasakay raw sila at doon, gusto niyang halikan si Brylle, NANG PWERSAHAN. Naku, baka bugbugin siya ni mushroom. -_____-

Hinabol ko si Zach at nakita kong inalis niya yong suot niyang bonet. Lumantad tuloy yong kulay pula niyang buhok at medyo pawisan ito na lalong nagpagwapo sa kanya.

Ang hot niya tingnan lalo na at nagpunas siya nang pawis gamit ang T-shirt niya kaya medyo umangat yon at nakita ko nang kaunti yong abs niya. HOMAYGAD! Patawaran niyo po ako Panginoon at masyadong makasalan ang aking mga mata. Umiwas ako nang tingin. Hay naku, nasa bundok pa man din kami. Nagpatuloy kami sa paglalakad at naiiwan pa rin ako dahil nga sa bigat nang dala ko. Hindi man lang lumingon si Zach para tingnan kong nasa likuran pa rin niya ako.

T_____T huhuhu

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Pawisan na rin ako at nakita kong malayo na si Zach. 

"Zach!!" sigaw ko. Lumingon siya at napansin siguro niyang nahuhuli ako. Binalikan niya ako at nagulat ako nang dirediretso lang siya sa direksiyon ko. Kinuha niya yong bag sa akin.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon