Part 81

192 6 1
                                    


Persia's POV

Maghahating gabi na hindi pa rin ako dinadalaw nang antok kung kaya naisipan kong bumaba at magtimpla nang kape sa baba.

Pagkatapos kong magtimpla ay dumiretso ako sa veranda nang bahay at pinagmasdan ang kalangitan.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Malamig ang hangin at sobrang tahimik. Bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari kanina.

Zach's going to marry her.

Napakahina ko rin siguro dahil hindi ko man lang nagawang sabihin sa kanya ang totoo. Masyado akong nagparaya.

Muling pumatak ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Magiging okay din ako tutal alam ko namang magiging masaya si Zach sa piling nang babaeng iyon.

Dinilat ko ang mga mata ko at tumingin uli sa kapaligiran. Doon ko napansin ang mga mumunting alitaptap na umaali aligid sa akin. Naalala ko ang kwento ni Zach tungkol doon. Napangiti lang ako at nangpunas nang mga luha.

Kinabukasan ay pumasok ako sa trabaho na parang walang nangyari. Doon ko itinuon ang attensyon ko buong araw. Akala ko makakatulong iyon sa akin para makalimutan si Zach pero hindi eh. Hindi pa rin siya mawala wala sa isipan ko.

Alas tres na nang matapos ang trabaho ko at naisipan kong maglakad lakad na lang muna para naman malibang ang isipan ko.

Kung saan saan ako dinala nang mga paa ko hanggang sa nasa kalagitnaan ako nang isang parke at biglang umulan. Malakas pa rin ang sikat nang araw pero may rainshower na.

May malapit lang na silungan dito kaya tumakbo ako papunta roon. Pagdating ko ay nagpunas muna ako nang basang buhok at saka ko lang napansing may kasama pala ako doon. Nakatalikod siya sa akin at nakahood pa. Bigla akong kinabahan lalo na at wala akong makitang tao sa tabi. Napahawak ako nang mahigpit sa bag ko at hinalungkat ang ballpen doon. Kung sakaling masamang tao ang kasama ko rito ay kailangang may pandepensa ako.

Dumistansya ako sa taong iyon at nanatili kaming tahimik nang mahigit kalahating oras. Nang tumila na ang ulan ay naisipan kong umalis roon. Hahakbang na sana ako noon nang magsalita siya.

" Don't leave" sabi niya. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Nakakunot noo akong tumingin sa direksiyon niya. Unti unti nitong binaba ang hood niya at saka siya humarap sa akin.

Pakiramdam ko parang tumigil ang mundo.

Hindi ko alam pero pumatak na naman ang mga luha ko, magkahalong saya at lungkot.

It was Zach. Pinikit ko ang mga mata ko at nanalangin na sana hindi ako nananaginip. Sana totoo na ito. Dinilat ko ang mga mata ko at totoo ngang nandito siya sa harapan ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatingin lang sa akin si Zach sa akin at saka ngumiti.

" H-hi..," nakangiting sabi niya at saka kumaway.

Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya.

" A-anong.... anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Bumilos ang tibok nang puso ko nang humakbang ito palapit sa akin. Hindi niya ako sinagot at nagdirediretso lang siya palapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at saka niyakap nang pagkahigpit higpit.

Nabigla ako sa ginawa niya pero inaamin ko masaya ako. Masaya ako pero parang pakiramdam ko nananaginip lang ako dahil alam kong may mali.

Pinilit kong kumawala mula sa pagkakayakap niya.

" A-ano bang ginagawa mo?" sabi ko at tinalikuran siya.

" I have nothing to do with you. H-hindi mo dapat tinatrato ang mga pasyente mo nang ganyan," sabi ko. Hindi pa nga pala niya alam na bumalik na ang mga alaala ko.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon