Persia's POV
Kasalukuyan akong nasa kwarto at naghahanap nang magandang damit sa aking walk in closet na susuotin ko sana sa pagdalaw kay Zach sa hospital.
I have decided to tell him na bumalik na ang mga alaala ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya kapag nalaman niya. I think three years was already enough to test us. Ang dami dami nang nangyari sa amin so I want to settle everything at kung pagbibigyan kami nang tadhana, sana kami pa rin.
Iniayos ko ang mga damit sa kwarto ko at napili kong suotin ang isang simpleng kulay gray lang na t-shirt at isang simpleng jeans. Naligo muna ako at nag-ayos. Natawa nga ako sa sarili ko dahil natagalan pa ako sa pag-aayos at pag-aaply nang make-up sa mukha ko.
Masyado na rin yatang mahaba ang buhok ko kung kaya itinali ko iyon.
Nagbago na nga yata ako physically at hindi ko iyon namamalayan.
" Ma, lalabas lang po ako." pagpaalam ko kay mama.
" Mag-iingat ka," sabi ni mama at ipinagpatuloy ang paglilinis sa mga frame na nakasabit sa dingding.
"Ate kumuha ka nang payong balita ko kasi uulan ngayon," sabi ni Pierce.
" Huwag na,"sagot ko at nagkibit balikat na lamang siya.
Lumabas ako sa bahay at napatingin sa kalangitan. Masyadong maaliwalas at walang pagbabadyang uulan ngayon.
Nangyari na ba ito dati sa akin? Naglakad ako at naghintay nang masasakyan. Nang makasakay ako at habang papalapit ako sa hospital ay lalong bumibilis ang tibok nang puso ko.
" Maam nandito na po tayo," sabi noong driver kung kaya iniabot ko ang bayad ko. Bumaba ako at tumingin sa malaking hospital na nasa harapan ko.
Ngumiti ako at nagsimulang maglakad patungo sa office niya.
Kabadong kabado pa rin ako ngunit hindi mawala wala iyong mga ngiti ko sa labi.
Nakarating na rin ako sa wakas sa labas nang office niya.
Kumatok ako sa pintuan ngunit walang nagbubukas noon kung kaya naisipan kong buksan na lamang iyon. Baka busy kasi si Zach o baka naman wala siya roon.
Binuksan ko iyon at nakita kong walang tao roon. Nasaan naman kaya si Zach? Sinara ko ang pintuan at nakita kong natutulog pala ito sa kanyang table. Nakabukas ang bintana at medyo gulong-gulo rin ang kanyang office.
Marahil ay masyado na siyang busy. Ngumiti ako at umupo sa upuan malapit sa kanya. Nakapangalumbaba ako at nakatingin sa mukha ni Zach. Wala pa ring pinagbago si Zach.
Nanatili lang ako roon at pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha. Hindi ko alam kung anong tumulak sa akin para hawakan ang mga pilik mata niya , pababa sa ilong at sa labi.
Ilang minuto ring ganoon ang eksena hanggang sa magulat ako nang tumunog ang cellphone niya sa mesa. Dahil sa gulat ay napaatras ako dahilan para matumba ang upuan ko at mapahiga sa sahig.
Nagising ko naman yata si Zach dahil sa ingay at nakita niya ako sa ganoong ayos. Nakahiga sa sahig.
Namula ako sa hiya at napatayo. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
Aaminin ko, namiss ko ang mga tawang iyon.
" What are you doing Persia?" nagtatakang tanong niya.
"A-ah... p-pasensiya na... g-gigisingin sana kita," pagsisinungalin ko.
Ngumiti siya at tumayo para lapitan ako. Gulong-gulo pa rin ang ayos niya at parang lalo itong gumawapo.
" Tell me, am i dreaming again?" tanong niya sa akin at saka tumingin nang seryoso sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...