Part 28

298 3 0
                                    


Mushroom's Pov

Binuhat ako nang mga taong gubat at dinala sa kanilang teritoryo. Marami silang kasamahan at mukhang hindi ko maintindihan yong salita nila. Binaba nila ako at itinali sa isang punong kahoy.

"Let me go!" sabi ko pero pinalibutan lang nila akong lahat. Then dumating din yong kumuha kay Miki. Binuhat rin nila ito at itinali sa isang puno pero walang malay si Miki.

"Miki wake up!!" sabi ko dahil sa punong kahoy sa mismong harapan ko nakatali si Miki. Naku talaga tong balyenang ito, ang hirap gisingin.

"Okay, ano bang kailangan niyo? Pera? Kung papakawalan niyo ako bibigyan ko kayo kahit magkano," mahinahong sabi ko. Lahat sila nagtinginan at yan na naman sila sa mga lengwahe nilang hindi ko naiintindihan.

" Ano ba?! Let me go!"paulit ulit na sabi ko hanggang sa lumapit yong isang matandang lalaki at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Hoy tanda! Pakawalan niyo ako rito," sabi ko pero inamoy amoy lang ako noong matandang lalaki na may mahabang balbas. Bakit aso ba tong mga to?!

Nagising si Balyena at nagsisigaw dahil sa takot at mukhang naingayan ang mga taong gubat na ito kaya pinukpok nila ang balyenang iyon sa ulo at nawalan na naman siya nang malay. Homaygad!

Naku, kapag nakawala yang balyenang iyan baka ginulpi na niya ang mga ito. Baka iuntog pa niya ang mga ito sa mga naglalakihan niyang braso.

"I can give you what you want. Kahit ano!" paulit na ulit na sabi ko para pakawalan nila ako. Hanggang sa may sinabi yong matandang lalaki sa pumokpok sa Balyenang iyon at lumapit ito sa akin. May hawak hawak itong kahoy at mukhang gagawin rin niya sa akin ang ginawa niya sa balyenang iyon.

No way! Pinukpok nga niya ako at nagdilim ang paningin ko hanggang sa mawalan ako nang malay.

Persia's POV

"Hey Persia," tawag ni Zach. Lumingon ako sa kanya at para bang lumalabo yong paningin ko.

"Are you okay?" tanong nito. Ano bang nangyayari sa akin? Pumikit muna ako saglit at hindi ko alam pero nahihilo yata ako. Hindi ito pwede, kapag nawalan ako nang malay rito ay baka mahirapan si Zach sa pagbuhat sa akin. Naramdaman kong lumapit si Zach at inalalayan niya ako. Kinapa niya rin yong noo ko at narinig kong nagsalita ito.

"I think you're having a fever,"sabi nito. Hindi ko na namalayang nahilo ako at ang huli kong natatandaan ay bumagsak ako sa mga bisig ni Zach.

*****

(Mushroom's POV)

Bakit ang init?! Namatay na ba ako kanina dahil sa pagpukpok sa akin nang taong gubat na iyon? Nasa impyerno na ba ako? Kanina pa ang init init tsaka parang may nasusunog?!

Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang langit. Medyo dumidilim na at may mga bituin na sa langit. Tsaka bakit ang ingay nang paligid?! Bakit parang may naririnig pa akong tawa nang balyenang iyon?! tsaka bakit ba kasi ang init init?!

Tumingin ako sa paligid at nagulat ako sa nakita ko. nakatali ako sa isang kawayan at sa ilalim ko ay may apoy.

SHEEYYT!!!

" Pakawalan niyo ako!" sigaw ko at nagpumiglas pero masyadong mahigpit ang pagkakatali ko.

"Mahal kong asawa," rinig kong sabi nang balyenang iyon at tumingin sa akin. Teka!Bakit nakasuot ito nang damit tulad nang mga taong gubat na iyon.

" Hoy! Pakawalan mo na ako rito, Miki!" sigaw ko pero humalakhak ito at sinabayan siya nang mga taong gubat doon.

"Bakit mahal kong asawa? Nakalimutan mo na ba kung bakit kita itinali diyan?"tanong ni Miki at hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. May hawak siyang tubig at nakatingin ito sa akin.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon