Persia's POV
"What?! Bakit ngayon pa?!" saad noong manager namin nang mabasa niya ang resignation letter ko. Alam kong maiintindihan naman niya lalo na at talagang delikado para sa akin ang magpagabi.
Napafacepalm na lamang siya at walang nagawa kundi pumayag sa pagreresign ko. Alas nuwebe na kung kaya alam kong naghihintay si Zach sa Shaito Park. Nagpaalam ako sa mga katrabaho ko at sinabing dadalawin ko pa naman sila dito. Tumingin ako sa cellphone ko at magshushutdown na iyon dahil palowbat na. Wala pa man din akong load pangreply kay Zach at walang nakabukas na tindahan.
Shaito Park? Medyo malayo iyon rito ah. Binilisan ko ang paglakad at nang maalala kong break na pala kami. Napahinto ako sa paglalakad.
Tama bang sumipot ako? Ano naman kayang sasabihin niya sa akin ngayong gabi?
Baka naman magsosorry siya sa nangyari. Baka naman tatapusin pala niya nang tuluyan ang lahat lahat? Baka for closure? Baka naman magpapaalam na ito nang tuluyan. Madami akong tanong sa isipan.
Kukunti na lang ang naglalakad sa ganitong oras lalo na at madilim ang paligid. Wala pa namang street lights sa paligid.
Magshushutdown na ang cellphone ko at wala na akong pang flashlight.
Kung bakit ba kasi sa ganitong oras gusto ni Zach makipagkita sa akin? At sa malayong lugar pa? Pwede naman bukas niya sabihin eh!
Nakarating ako roon at tumayo ako sa may ilaw. Wala na. Nagshutdown na ang cellphone ko. Nasaang banda ko naman kaya hahanapin si Zach? Naghintay pa ako at ilang minuto lang ang lumipas ay kinakagat na ako nang lamok.
Zach nasaan ka na ba?! Hindi ka na naman ba sisipot?!
Ilang minuto pa ang lumipas at naisipan kong umalis. Inuuto lang yata ako ni Zach! Baka pinaglalaruan na naman niya ako.
Humakbang ako paalis at nang tumingin ako sa paligid ay wala nang naglalakad. Binilisan ko ang paglalakad lalo na at madilim sa paligid. Nakakakapit ako nang mahigpit sa sling bag ko nang may makasalubong akong tatlong lalaking lasing.
Huminga ako nang malalim. Relax Persia. Walang mangyayaring masama sa iyo. Nagtatawanan ang mga ito at nang maisipan kong magtago sa madilim na parte nang daanan ay napansin nila ako.
"Hi Miss!" sigaw noong isa.
Hindi yata maganda ito. Tinalikuran ko sila at nagsimulang humakbang paalis. Tumakbo ako at kahit hindi ko alam kung saan ako patungo ay takbo lang ako nang takbo basta ang importante ay makaalis ako rito.
"Sa tingin mo ba makakatakas ka!" sigaw noong isa mula sa harapan.
Kailan pa siya nakarating doon?! Umatras ako at akmang tatakbo ako ay may humawak sa akin sa braso.
"Huli ka!" sabi noong isang lalaki.
"Bitawan mo ako!" sigaw ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at hindi man lang ako makagalaw para kumuha nang pwede kong gamiting self defense sa sarili ko.
"Mukhang jackpot ito ah," sabi noong isa at sinimulang amoyin ang buhok ko.
"Manyak!" sigaw ko at sinipa siya.
"Hmmm... pa hard to get ka pa hah," sabi noong isa sa likuran at hinawakan ako sa baba.
"Ganito kasi iyong tipo naming babae eh," sabi niya at sinimulang hawakan ang mukha ko. Dinuraan ko siya sa mukha at mukhang galit ito sa ginawa ko kung kaya sinabunutan niya ako.
"Mukhang kailangan mo nang leksyon!" sabi niya at hinila ako sa buhok. Sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa nagkaroon ako nang chance para kunin ang ballpen ko sa bag. Ginamit ko iyong pantusok sa kamay noong nakahawak sa akin. Binitiwan naman niya ako at doon na ako nagkaroon nang chance para tumakbo. Hindi ako lumingon pero alam kong hinahabol nila ako.
Takbo lang ako nang takbo hanggang sa makarating ako sa may pedestrian lane at mukhang may mga sasakyang dumadaan pa roon. Malapit na sana ako nang maabutan ako noong isa at nahablot niya ang blouse ko. Tinakpan niya ang bunganga ko at sinuntok niya ako sa sikmura. Halos hindi ako makatayo sa sakit nang pagkakasuntok niya sa akin. Isa pang sipa ang inabot ko sa kanya at mabuti na lang ay mag-isa lang siya at mukhang wala pa ang mga kasamahan niya. Pinilit kong tumayo at pumulot nang buhangin at saka ibinato iyon sa mga mata niya. Napahawak ito sa kanyang mga mata at dahil paparating na ang mga kasamahan niya pinilit kong lumakad patungo sa may ilaw. Siguradong may makakakita sa akin doon.
Naglakad lang ako nang naglakad at kahit mahina na ang katawan ko dahil sa natanggap kong sipa at suntok ay pinilit ko pa ring maglakad.
Zach.
Nasaan ka na ba Zach?
Hindi ko alam kung may tutulong pa sa akin. Hanggang sa tuluyan ko nang ipikit ang mga mata ko at isang nakakasilaw na ilaw mula sa sasakyan sa harapan ko at isang malakas na busina ang huli ko lang natatandaan bago ako mawalan nang malay.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...