Persia's POV
(Kindly play the song 'Thats What You Get By Paramore XD for this chapter XD)
Hindi ko alam kong paano ko haharapin si Zach ngayon. After noong nangyari kahapon, I think hindi pa rin humuhupa ang sakit na nararamdaman ko.
Ang bilis nang tibok nang puso ko sa oras na ito lalo na at naglalakad ako sa hallway. Paano na lang kong makasalubong ko siya? Paano na lang kapag nakita ko siya at hindi ko magawa ang plano ko? Paano na lang kong siya na mismo ang tumapos sa amin?
Madaming tanong ang naglalaro sa isipan ko.
At tulad nga nang inaasahan ko, mukhang makakasalubong ko yata siya sa hallway.
Hindi lang siya.
Kasama niya ang mga kaibigan niya.
Hindi ako makakilos lalo na at sa akin nakatingin ang mga kasamahan niya. Tulad noong dati, kinakabahan ako sa kung ano man ang pwedeng mangyari. Kung lalapitan ba niya ako at magsosorry o ano. Parang ang bilis bilis nang mga segundong lumilipas nang mga panahong iyon. Nanatili akong nakatayo roon at pinagmamasdan sila habang papalapit sa direksiyon ko.
"Hey Percy," bati sa akin LK. Tinapik niya ako sa balikat at saka kinindatan. Si Alfred naman napatingin sa labi ko kaya umiwas ako. Nginitian lang ako nang mga iba pang kasamahan niya at saka nagdirediretso sa paglalakad. At ang huli sa kanila si Zach. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya lalo na at itim na naman ang kulay nang buhok niya. Ngumunguya nang bubblegum , nakaheadband, at nakapamulsang nilagpasan ako.
Oo. Nilagpasan lang niya ako na para bang hindi niya ako girlfriend. Hindi rin siya nag-abalang tumingin sa akin.
Inaamin ko nasasaktan ako. Kasalanan ko ba?! Kasalanan ko bang nagkakaganito na kami?!
" Zach!" sigaw ko sa pangalan niya. Nakatalikod kami sa isa't isa at alam kong huminto siya. Hinihintay marahil kung ano ang sasabihin ko.
"Bakit ka ba nagkakaganyan?!" tanong ko.
Hindi siya sumagot at pinakawalan na naman nang mga mata ko ang mga luhang pinipigilan ko. Humihikbi ako doon at alam kong hindi pa rin siya lumilingon sa akin.Naramdaman ko na lang na humakbang na ito palayo sa akin.
Nagpunas ako nang luha at saka lumingon sa likuran pero wala na siya.
Inilabas ko ang cellphone ko at saka itinext si Zach.
To Zach:
I'll be waiting. Sa rooftop. 4 PM.
Ito ang huling text ko kay Zach bago ko ini-off ang cellphone ko.
Nagpunas ako nang luha at saka bumalik na sa classroom. Hindi ako okay. Hindi talaga ako okay. Halos hindi na ako nakikinig sa mga lecture nang professor ko. At nang matapos na ang klase ko sa alas kwatro ay patakbo akong pumunta sa rooftop. Walang tao roon.
Walang Zach na naghihintay roon.
Naghintay pa ako hanggang sa lumipas ang isang oras. Ala singko na. Darating pa ba siya?
Umupo ako roon at iniisip na baka may ginawa itong importante sa school. Nasabi kasi niya minsan ang isang medical mission na pinagpaplanuhan nang university para sa kanilang med. students.
Kalahating oras pa ang lumipas at 5:30 na. Wala pa ring Zach na dumating. Nawawalan na ako nang pag-asa.
Hindi nga siguro ako importante kay Zach.
Hindi nga siguro niya ako minahal. Siguro ay dahil mahal ko siya and he took advantage of that. Tumunog ang cellphone ko at agad agad ko iyong sinagot.
It was Zach.
"Nasaan ka?" tanong ko.
"I'm sorry, Persia. I'm sorry ," ito ang sagot niya sa akin.
"Gusto kong pag-usapan nating kung ano ba ang nangyayari sa atin. Sa relasyon natin," sabi ko. Narinig kong nagbuntong-hininga ito.
"Why? What's wrong with us?" tanong niya.
Anong klaseng tanong yan?
" Hindi mo ba nararamdaman?! Zach,...... Zach may tayo! Girlfriend mo ako! Bakit ka umiiiwas?! Bakit lumalabo na?!" tanong ko.
"Persia..... I,...."
"I want you to tell me the truth. Kung ano--," hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pagtalikod nakatayo pala siya sa likuran.
Kailan pa siya nandito?
"Ano ba ang totoong dahilan?" tanong ko. Ibinaba ko ang telepono at tumingin sa kanya.
"I'm so sorry," sabi niya na kinainis ko.
"Sorry?! Sorry lang ba ang kaya mong sabihin?! Sorry dahil niloko mo ako? Sorry dahil nasasaktan ako?! Sorry para ano pa?!" sigaw ko.
"Yes. I admit. I'm sorry for cheating, for not informing you about my relationship with Karen, I'm sorry for kissing another girl, I'm sorry for not giving you anything this Valentines Day," sabi niya. Naiinis ako dahil wala man lang expression ang mukha niya.
"And you should be sorry dahil hindi ko naramdaman na mahal mo ako," dagdag ko. Sinusubukan kong maging matapang sa harapan niya. Na kahit masakit na ay hindi pa rin ako iiyak. Tumingin siya sa akin nang seryoso.
"Yeah, I should be sorry dahil sinaktan kita but you should listen to my explanations," sabi niya.
"Explanations? Bakit ngayon ka lang mag-eexplain?! Now, that we're falling apart," sabi ko.
"Because I have my personal reasons why I have to---,"
"Personal?! Sana naman pinaintindi mo sa akin para hindi tayo umabot sa ganito," sabi ko.
"You mean you're blaming me?"
" Sino pa ba?" Wala akong pake kung ano ang pinagsasabi ko.
"Fine. It's all my fault. Blame me," sabi niya. Gusto ko siyang saktan. Gusto kong ipakita naman niyang ayaw niyang mawala ako sa buhay niya.
" Kapag ba sinabi kong nasasaktan ako, kaya mo ba akong yakapin kahit isang minuto lang? Kapag ba sinabi kong nahihirapan na ito( sabay turo sa puso ko) kaya mo bang sabihing nandiyan ka para sa akin?! Alam ko ang mga pinagagawa mo. Pero nagbulagbulagan ako dahil nga mahal kita. Alam mo iyon hindi ba?" tanong ko. Nilapitan ko siya at saka sinuntok nang mahina ang kanyang braso. Hinawakan ko siya at isinandal ang aking ulo sa kanyang dibdib. Doon ko ibinuhos ang mga luha ko. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa kusa akong inilayo ni Zach mula sa pagkakasandal ko.
"Maybe it was my biggest mistake to fake everything, I shouldn't have played with your feelings," dagdag nito.
"What do you mean?!" tanong ko. Tumigil ako sa pag-iyak nang marinig ko ang huling salitang binitiwan niya bago siya humakbang.
"I'm sorry for pretending that I like you. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for faking it all."
Nagpaulit-ulit ang mga salita ni Zach sa akin.
" Ibig sabihin tama nga ang hula ko.... pinaglaruan mo lang ako?" ani ko at tuloy tuloy na pumatak ang mga luha ko..
Ito na ang sagot. Ang sagot sa mga bakit kung tanong.
"You deserve someone better. You don't deserve a cold-hearted man like me. Let's end this,"sabi niya at tinalikuran ako.
Ganon Ganon na lang ba niya tatapusin ang lahat?!.
Kasabay nang paghakbang niya paalis ay ang pagpatak nang ulan.
Bakit ganoon? Wala naman kami sa isang pelikula para lagyan nang background moment. Mas lalo lang akong nasasaktan. Mas lalo ko lang nararamdaman ang sakit.
Natapos na. Natapos na ang lahat lahat sa amin. Natapos na ang minsan ay nagbigay nang ligaya sa buhay ko.
(Cassey: This chapter is kinda .... lame. Haha XD. )
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...