Part 23: Jiro's POV

242 4 0
                                    


( Before the Capiz Adventure, here's a special chapter dedicated to Jiro as promised.)

Jiro's POV

I thought friendship wouldn't last. I thought that even if we fell in love with the same girl, we will still be good friends. I have to admit that I hated Zach. I hated Zach because he can easily get something he wanted.

(Flashback!)(Readers naalala niyo ba iyong prom nina Zach na nakita niyang umiiyak si Charlotte?" Yong nasa POV ni Zach Sa The Notebook So this is the reason kung bakit)

" Ano sa tingin mo? Masyado kasi siyang tahimik eh, naku kapag yan nanligaw sa akin baka sagutin ko agad agad," sabi ni Charlotte habang isinasayaw ko siya sa prom. Nakatingin ito kay Zach na kanina pa nakatayo sa gilid at umiinom nang juice. Tinanong ko si Zach kahapon kung gusto niya si Charlotte and he told me na hindi. I'm sure of that.

"Eh ako? Kapag ba niligawan kita sasagutin mo ako?" seryosong tanong ko pero tumawa lang siya.

"Nagpapatawa ka ba?" sabi nito at tinapik ako sa balikat.

"Hindi. Charlotte I'm serious," sabi ko pero hindi niya ako pinansin and her gaze was fixed to Zach kaya napalingon din ako sa direksiyon niya. I envy him dahil kahit ako na ang kasayaw ni Charlotte iba pa rin yong laman nang isip at puso niya. Matagal ko nang nahahalatang may gusto si Charlotte kay Zach. I noticed it noong magkasama kami at sa tuwing nakikita niya si Zach, ngumingiti siya o kaya nama'y ninanakawan niya ito nang tingin.

" Jiro, paano kaya kung umamin ako kay Zach?" tanong nito sa akin para maiba ang usapan.

Tinitigan ko si Charlotte at saka binitiwan ang mga kamay niya.

" Hindi ko nga pala nasabi sa iyo. May nililigawan siyang iba," that was my biggest lie. Kailangan kong magsinungalin para sa sarili ko. I can't let Zach get everything he wanted.

"K-kailan? Bakit wala man lang siyang sinasabi?" tanong niya.

"Dahil ayaw niyang malaman pa nang iba," sagot ko. I thought na dahil nagsinungalin ako ay titigil na si Charlotte sa paghahabol kay Zach.

"May nililigawan siyang iba? Hindi naman siguro masama kapag umamin pa rin ako," sabi nito na lalong nagpa-inis sa akin.

" Bakit ba lagi ka na lang Zach nang Zach! Can't you see nasa harapan mo din naman ako ah!" sabi ko sa kanya.

"Bakit ka ba nagagalit?!" tanong nito. Nagtaas na rin ito nang boses sa akin. Lumingon ako sa direksiyon ni Zach at hindi ito nakatingin sa amin. "If you're jealous, huwag mo namang sisihin si Zach. I like him and I want to tell him that," sabi nito. I didn't know what to say at pakiramdam ko mas lamang si Zach sa akin.

"Kung wala ka nang sasabihin, I have to go," sabi niya at tinalikuran ako. Mukhang lalapitan niya ata si Zach kaya bago pa man siya umamin kay Zach, I pulled her hand at niyakap siya. Sakto namang namatay ang ilaw noon.

"Let go!" sabi ni Charlotte pero mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya.

"I said let go!" sabi niya pero nagpupumiglas pa rin ito at hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinalikan ko siya. Yes, I stole her first kiss. Sinampal niya ako at saka ko lang siya binitawan.

"I hate you!" umiiyak na sabi nito at umalis sa tabi ko. Umalis ako sa lugar na iyon dahil sa ginawa ko. I guess Charlotte will hate me forever for doing that. Matapos ang prom hindi ko na pinansin pa si Zach o si Charlotte. Deserve ko naman kung hindi nila ako papansinin pero nong nakita kong magkasama silang dalawa sa gate, naisipan kong sundan silang dalawa. And I saw the both of them, hanging out together nang hindi man lang ako inaaya. Pagkatapos noon, napagdesisyonan ko na kapag tatanungin ko si Zach muli kong gusto niya si Charlotte at magsisinungalin siya sa akin o kung ano mang kasinungalingan ang isasagot niya ay puputulin ko lahat nang ugnayan mayroon kami, pati na rin ang pagkakaibigan namin. Nilabas ko iyong cd na hiniram ko at ibabalik ko iyon sa kanya. I asked him kung bakit siya nagabihan and he lied to me. I saw him with Charlotte eating in a resto. I gave him a second chance at kapag nagsinungalin siya sa akin then I have no choice but to end our friendship.

"May gusto ka ba kay Charlotte," tanong ko. Tumingin siya sa akin at hinihintay ko kung ano ang isasagot niya.

"Oo,"

Umamin na rin siya. Hindi ko naman siguro masisisi si Zach kung gusto rin niya si Charlotte. I thought okay na iyon sa akin, hindi ko naman pwedeng pigilan ang puso ni Zach na magmahal. Hindi rin ako pinapansin ni Charlotte after nong prom. Iniiwasan niya ako at noong minsang nakita ko siya, I cornered her sa may locker.

"I'm sorry for what happened sa prom." sabi ko. Nagsalita ito pero hindi niya ako tiningnan.

" Magkaibigan pa rin naman tayo eh pero hindi kita mapapatawad sa ginawa mong iyon," sabi nito.

"Pagtatrabuhuan ko iyon para mapatawad mo ako,"sagot ko.

After that, bumalik ulit kaming tatlo sa dati. We're hanging out together sa resto kahit ramdam kong hindi gusto ni Charlotte ang presensiya ko. Hanggang sa unti-unting lumalabo ang pagkakibigan namin dahil sa hindi na kami magkakaklase. Hindi na kami lumalabas at may kanya kanya na kaming kaibigan. Hanggang sa dumating yong last year namin sa graduation. Gusto kong magkaayos na kami ni Zach at Charlotte. I tried to confront Charlotte about it at napatawad naman niya ako sa mga nagawa ko. And si Zach? Hindi na ako nakapagsorry sa kanya. Hanggang sa grumaduate kami, and narinig ko lang mula sa mga kaklase niya na nagkasakit raw ito. I tried to visit him at kinausap siya sa kanila. Bumalik kami sa dati after my visitation. And we hang out together that summer.

"Hey, remember Persia Caramel?"tanong ni Zach sa akin noong minsang naglalaro kami nang basketball.

"Yong sumulat sa akin dati?" tanong ko. I heard him laughed at tinanong ko kung bakit.

" Sorry, I put that letter on your locker. Para sa akin talaga iyon," sagot nito habang nagdidribble nang bola.

" Why did you do that?" tanong ko at inagaw sa kanya ang bola.

" Nothing, gusto ko lang paasahin ka," sabi nito at saka tumawa.

" Bastard,"sabi ko at saka ishinoot ang bola.

"But I haven't apologized to her yet for doing that," - Zach

"But do you like her?" tanong ko.

"Who?"-Zach

"Si Persia," sagot ko. I saw him smile.

"Nope but I found her cute," sagot nito.

" Pero nakangiti ka noong banggitin ko siya sa iyo," sabi ko.

" Maybe,"tipid lang nitong sagot.

"And how about Charlotte," tanong ko.

Tumigil ito sa pagdidribble nang bola at saka tumingin sa akin.

" Akala ko siya na iyong babaeng para sa akin, yong babaeng gusto kong makasama, but I was wrong. Siguro nga dahil mga bata pa lang tayo noon," sagot nito.

"What do you mean?" tanong ko.

"I liked her dahil maganda siya. I realized na takot lang ako mawalan nang kaibigan," mas lalo pa akong naguluhan sa mga sinabi nito.

Hindi na ako nagtanong pa but that summer, nagkasakit si Zach dahil mahina daw ang katawan niya so he need to rest at ako naman paminsan minsan lang dumalaw sa kanila. I also comforted him dahil nalaman kong nagdivorce ang parents niya. I told him na nabalitaan kong sa ibang bansa na raw mag-aaral si Charlotte and he just shrugged when he heard about it. Tama nga si Zach, mga bata pa kami noon para piliin ang pag-ibig kaysa sa pagkakaibigan. We remained to be good friends kahit magkaiba kami nang eskwelahang pinasukan ngayong college na kami.

And when I accidentally met Persia, noong nakaupo siya sa bench and nagjojogging ako. I pushed her na ibalik ang dating Zach. Tutal baka naman nagustuhan talaga siya ni Zach.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon