Part 13

255 5 0
                                    


Persia's POV

" Ano?!"

"Shh... huwag kayong maingay," suway ko kay Stacey at Trisha. Nasa library kami at kinuwento ko kasi sa kanila iyong nangyari kahapon. Iyong nangyari sa amin ni Zach at yong panlalait na ginawa sa akin nang grupo nila.

"Palibhasa puro kasi saksakan nang yabang yang Zach na iyan,"-Stacey

"Oh ano matapos mo siyang ipagtanggol at puripurihin dati na iba siya sa mga lalaking nakilala mo, ayan nilait ka lang niya,"-Trisha

" Kung ako sa iyo, layuan mo na yang Zach na iyan,"- Stacey

"Eh baka naman kasi hindi lang niya ako mamukhaan ... na ako si Persia?" sagot ko.

"Ang tawag diyan kadesperadahan. Gumising ka nga, pinaliwanag na nga sa iyo nang mga kasamahan niyang HINDI KA TYPE NANG ZACH NA IYON,"-Trisha

"UULITIN KO, HINDI KA TYPE NI ZACH," panggagaya ni Stacey.

"Tsaka sino ba kasi yang Zach na iyan?! Gusto kong makilala yang Zach na iyan," - Trisha

" At kapag ginawa niya ulit yan, humanda talaga siya sa akin," -Stacey

"Pero kasi nong nagkita kami noon sa gym, tinawag ko ang pangalan niya at nakanuot noo pa inng nagtanong kong sino ako," sabi ko.

"Hah? Edi malinaw naman pala eh. Hindi ka nga kasi niya type kaya hindi ka talaga niya maaalala. Yong nangyari sa inyo noon ay simpleng kalandian lang. Alam mo naman ang mga lalaki di ba?" -Trisha

" At tsaka may Isiah ka na!"- Stacey

"Eh hindi ko naman talaga gusto yang Isiah na iyan eh," sagot ko.

"Hep.Hep.Hep. Ipokus mo lang yong attention mo kay Isiah at si Zach? Kalimutan mo na siya. Simula ngayong araw na ito, ayokong naririnig mula sa iyo yang pangalan nang Zach na iyan,"-Trisha

I rolled my eyes at saka binuklat iyong libro ko. Palibhasa kasi hindi nila naiintindihan. Kahit magdadalawang taon na yong lumipas simula noong una kong makita si Zach ay hindi parin talaga ito mawala wala sa isip ko. Akala ko nga noon eh hindi na kami magkikita kasi baka sa ibang eskwelahan na siya nag-aaral. Pero ngayon para naman yatang umaayon sa akin ang tadhana. Bumalik ulit sa alaala ko iyong mga panahong ninanakawan ko siya nang tingin, yong excited pa ako pumasok sa Art subject, iyong damit niyang hiniram ko. Pagkatapos naming tumambay sa library ay pumasok na kami sa susunod naming klase. Nagpaalam ako kay Trisha na magccr muna ako.

Nasa Cr na ako noon at naghuhugas nang kamay nang may lumapit sa aking isang babae. Noong una, tinititigan lang niya ang reflection ko sa salamin. Tapos tinitigan na niya ako mula ulo hanggang paa. May dumating pang isang babae at nang makita ako ay nagsalita ito.

"Well, minsan kasi may mga babaeng sipsip. Masyadong nagmamaganda. Ewan ko nga kung bakit pa pinatulan ni Isiah eh mukha namang paa," sabi noong isang babae at saka tumawa.

Mukhang ako yata iyong pinaparinggan nila. Kumalma lang ako dahil ayoko ng gulo.

" And I heard na pinagpeperahan lang niya si Isiah," dagdag pa nong isang babae.

" At ngayon nagawa pa niyang manlandi nang iba?! Kaloka, masyadong malandi yang babaeng iyan," sabi ulit nong babeng nakapigtail ang buhok.

Alam ko namang ako talaga iyong pinaparinggan nila kung kaya nilabas ko iyong cellphone ko and I dialed Isiah's number. Iniloud speaker ko iyon para marinig nang dalawang unggoy na ito ang pag-uusapan namin ni Isiah.

"Hello Persia?" sabi ni Isiah mula sa kabilang linya.

"Oh Isiah, kumusta ka na?" tanong ko.

"Ayos lang naman ako love,"-Isiah

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon