Special Chapter: Peach Scent

167 5 0
                                    


Persia's POV

" Do I look okay?" tanong ko kay Pierce at nagpaikot ikot sa harapan niya.

Tumingin siya sa akin at saka siya nagthumbs up. Tumingin uli ako sa reflection ko sa salamin.

May bumusina mula sa driveway a

at alam kong si Alexander na iyon. Hindi na kami lumabas uli simula noong nagdate kami sa park. He didn't contact me for two days at kaninang gabi lang niya ako tinawagan para ipaalam na ngayon na ang ball na inorganize nang boss niya. Nagtaka nga ako bakit naman naisipan nang boss niyang gumawa nang ganoong event. Imbitado lahat nang empleyado niya kaya si Alexander ay ako na ang kinuha niyang kapares.

Nagpaalam ako kay Pierce at iyong tuta namang nahanap ko sa park ay kahol nang kahol. Pinangalanan ko siyang puff dahil sa kulay nitong puti at makapal na fur.

Hinihintay ako ni Alexander sa labas nang kotse. Nang makita niya ako ay ngumiti siya. Nagsuot kasi ako nang puting dress na may mga nakadisenyong pulang bulaklak sa hem at pinaresan ko iyon nang kulay puting hikaw.

Pinuri ako ni Alexander at sinabi niyang maganda raw ako. Ngumiti lang ako at pinagbuksan naman niya ako nang pintuan nang sasakyan niya.

We drove for almost an hour at sa buong biyahe ay naalala ko ang tungkol sa litratong nakita ko noong isang araw.

Ano ba ang connection ko sa doctor na iyon?! Bakit kasama ko siya sa litrato?! At iyong tungkol sa sinabi noong babae sa park, totoo bang naging boyfriend ko ang Zach na iyon?! Bakit wala man lang siyang naging paramdam sa loob nang tatlong taon?!

"Persia, we're here."

Tumingin ako sa paligid at napanganga ako sa laki nang bahay. Mas malaki pa yata itong bahay kaysa sa Malacanang Palace. May mga nakalatag pang red carpet at may mga nagdatingang bisita na nakasakay mula sa magagarang sasakyan.

Naglakad kami at naging escort ko naman papasok si Alexander. Pagdating namin sa loob nang bahay ay mas namangha ako dahil para ka talagang nasa England dahil sa mga naglalakihang chandelier at sa disenyo nang bahay.

" Persia, lalapitan ko lang si Soda," pagpaalam ni Alexander sa akin. Tumango lang ako at sinabing tatayo lang ako rito sa gilid. Medyo marami nang tao sa loob kung kaya kailangan kong maghintay rito baka hindi ako mahanap ni Alexander.

Hinintay ko siya nang malapit sa entrance kung kaya nakikita ang mga papasok at dadalo sa event na ito.

Mula sa kasuotan nang mga kababaihan ay malalaman ko nang galing sila sa mga kilaang pamilya. Ang mga kalalakihan naman ay nakasuot nang tuxedo. May lalaking tumingin sa direksiyon ko at nang makita ako ay kumaway siya. Hindi ko naman siya kilala kaya nginitian ko na lamang. Medyo naiinip ako kakatayo roon kung kaya naisipan kong hanapin si Alexander at ipaalam na maglalakad lakad muna ako kaso hindi ko siya mahanap.

Naglakad lakad muna ako at tumungo sa may table para kumuha nang inumin. Kumuha ako nang isang baso nang wine at tumingin tingin muli sa paligid.

Nagsasalita na ang organizer sa gitna at wala pa rin si Alexander. Pagkatapos magpasalamat noong may-ari nang bahay sa pagdalo namin ay nagsimula nang maghiyawan ang mga tao roon. Mas lalo lang ako mahihirapang hanapin si Alexander.

Naglakad lakad ako nang may biglang kumalabit sa akin sa likuran. Lumingon ako at isang lalaking nakasuot nang tuxedo na kulay asul. Nakangiti siya sa akin.

"Hi," bati niya sa akin.

"H-hi," nag-aalanganin pa akong batiin siya dahil hindi ko naman siya kilala.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon