Persia's Pov
"Persia, gising na," rinig kong sabi ni Miki. Minulat ko ang aking mga mata at nakita si Miki na nakatingin sa akin.
"Dumating na ba tayo?" tanong ko.
"Kanina pa Persia, buti nga naalala kita kanina baka naiwan ka pa rito sa eroplano," sabi nito.
Minulat ko ang mga mata ko at medyo madilim na sa paligid.
"Thanks to me, binalikan pa kita. Ni hindi ka man lang ginising nang Zach na iyon," sabi ni Miki.
" N-nasaan na yong iba?" tanong ko nang mapansin kong kaming dalawa na lang yong nasa loob nang eroplano.
"Kumakain na sila nang dinner sa bahay," sagot ni Miki. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at medyo nahihilo pa rin ako sa biyahe. Inalalayan ako ni Miki sa paglalakad at siya na rin ang humawak nang bag ko. Pagkalabas namin sa eroplano ay tumambad sa akin ang ekta ektaryang lupain.
"Sa inyo lahat ito?" tanong ko.
"Yes! Mula rito hanggang sa dulo nang bundok na iyon," sagot nito at saka itinuro ang bundok na nasa malayo.
"Nasaan yong bahay bakasyonan niyo?" tanong ko dahil wala akong nakikitang bahay sa paligid.
"May kalahating oras pang lalakarin mula rito papunta roon," sagot nito.
"Lalakarin?" tanong ko.
"Yes, at dahil gumagabi na ay kailangan nating maglakad at baka abutan pa tayo nang dilim sa daan," sabi nito. Itinuro nito ang hindi kalawakang daan at nakita kong may mga street lights naman roon kaya may iilaw sa dadaanan namin.
" Ano? Napag-isipan mo ba yong sinabi kong pag-amin mo kay Zach?" tanong nito.
"Huh? Kailangan ko ba talagang gawin yon?" tanong ko.
"Oh my gash! Oo naman Persia! Ilang taon na rin na gusto mo siya tapos hindi ka umaamin?" -Miki
" Paano kung mareject ako?"
"Paano kong hindi ka mareject?"-Miki
"Paano kung may mahal siyang iba?"
"Paano kung mahal ka niya?"-Miki
"Paano kung hindi ako umamin?"
"Ano ba Persia, hindi mo alam dahil hindi mo pa sinusubukan. Kahit minsan lang dapat maging matapang ka," sabi ni Miki.
"Kung mareject ka at least alam mo," dagdag pa nito. Hindi na ako nagsalita pa. What if umamin ako kay Zach? Ano kayang magiging reaction niya?
Kwento nang kwento lang si Miki tungkol sa plano niya sa kanila ni Brylle habang naglalakad kami. At matapos na rin ang ilang minuto ay natanaw ko ang mga ilaw mula sa malaking bahay. Masyadong malaki at mukhang palasyo ito sa laki.
"Sa inyo ito?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes!" sagot uli nito. Ang ganda nang pagkakadesenyo nang bahay. Pumasok kami sa loob at gawa sa muwebles ang sahig at may mga paintings na nakasabit sa dingding. May mga katulong rin doong bumati sa amin. Mayaman talaga ang pamilya nina Miki. Ibinigay ni Miki ang bag ko sa isang katulong at sinabihan niyang ilagay iyon sa kwarto ko. Pero may ibinulong ito sa katulong bago ito umaakyat sa taas.
"Baka gusto mo munang kumain? Nakahanda na ang hapunan. Baka nga kumakain na yong mga lalaking yon," sabi ni Miki.
" Gusto ko munang maligo bago kumain,"sagot ko. Ngumiti ito sa akin na para bang may naisip na ideya.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...