Part 8

269 4 0
                                    

 Zach's POV

Papasok ba ako o hindi? Natanong ko sa sarili ka nang maalala kong school sports festival ngayon. Sumali lang naman ako sa basketball dahil alam kong manonood si Charlotte. Cheerleader kasi siya at nalaman ko iyon nang makita kong nagpapractice sila sa gym noong P.E namin. So para makita ko siya, I have decided na pumasok at sumali na rin. Naligo na ako at nagsuot nang P.E shirt dahil blue ang kulay nang team na nabunot nang klase namin together sa iba pang klase.

Bumaba ako para mag-almusal at naabutan ko ang nakababata kong kapatid na babae na si Zayne. Pitong taong gulang pa lang ito at malaki ang agwat nang edad namin dahil seventeen na ako.

"Kuya Jack!" tawag nito nang makita akong pababa nang hagdan. Lagi niya akong tinatawag na Jack dahil siguro nahihirapan siyang magpronounce sa pangalan ko so hinayaan ko na lang siyang tawagin akong Jack.
"Kuya Jack, look I made a sandwich for you," sabi nito at iniabot ang sandwich sa akin.
"Thanks Zayne," sabi ko and patted her head.

"Kuya Jack may pasok ka ba?" tanong nito.

"Oo, may activity kami sa sa school eh, I'm going to play basketball," sagot ko. At kunwari ay nagdidribble nang bola at three point shot ako. Zayne giggled and I smiled.

"Yeah! Ibig sabihin papanoorin ka nang mga girls?" tanong nito.

"Hmm? Oo naman," sagot ko.

"Then is it possible na magkakagirlfriend ka na?" tanong nito. I looked at her at saka ngumiti.

" Yon ay kong sasagutin niya ako kapag niyaya ko siya," sagot ko. I made a decision na yayain si Charlotte after these events sa school and confess to her about my feelings.

"Then you have to do your best kuya to get her!" sabi nito at saka itinaas ang kaliwang kamay at nag-apir kami.
Pagkatapos kong mag-almusal ay pumasok na ako sa school at dumiretso sa classroom para sa checking nang attendance at para makapagpractice na ang grupo namin.

But noong paalis na sana ako sa room ay nakita ko si Jiro sa may pintuan. I think ay kagrupo ko ang klase nila dahil parehas kami nang kulay. Baka nga maglalaro rin ito para sa grupo namin eh.

Lumingon ako sa kanya at nakatingin ito sa akin. I didn't moved kahit na paalis na ang mga kagrupo ko kung kaya kaming dalawa lang ni Jiro ang natira sa room.

I wanted to settle kung ano man ang pagkakamaling nagawa ko. I wanted to apologize to him. Gusto kong linawin kung ano man ang hindi namin napagkaunawaan noon.

"Why are you so distant to me?" tanong ko. Nakatingin ito sa akin nang diretso. Hindi ito sumagot at may hinahalungkat sa kanyang bag. I thought na wala siyang balak na sagutin ang tanong ko pero nagsalita ito.

"Eh ikaw? Kusa ka rin namang lumayo eh di ba?" sagot nito.
"Because I thought na ayaw mo akong dumidikit sa iyo, and dahil ba iyon kay Charlotte? Akala ko ba okay sayo iyon."

"Oo okay lang naman sa akin iyon eh dahil kaibigan kita. Gusto mo siya at alam ko iyon. But I guess I was wrong about you."

"Wrong about what?" kunot-noong tanong ko.

"Na gusto mo na sa iyo lang iyong attention niya and all. Zach, I was there noong mga panahong iyon but I felt na hindi ako nag exist sa mundo niyo. Kinalimutan ko iyon dahil kaibigan ko kayo but you shouldn't have lied that you were secretly dating her," sabi nito.

"Secretly dating? Jiro I didn't courted her. Hindi ko siya nilagawan o ano. Hindi rin ako nagconfess sa kanya," sagot ko to clear everything to him.
"Sa tingin mo maniniwala ako? Zach tama na dahil si Charlotte mismo ang nagsabi sa akin," sagot nito kung kaya naguluhan ako.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon