Part 40

189 4 0
                                    


  Persia's POV

It's been a week mula noong magtrabaho ako rito sa Cafe at isang linggo na rin simula nang maging kami ni Zach. Hindi ko pa nasasabi kina mama ang tungkol doon at kahit naman gusto kong isekreto ang relasyon namin I think it's better to tell them.

Papasok na ako sa eskwelahan at naglalakad ako. Lumamig na naman ang tempuratura dahil magpapasko na. Naghihintay ako nang masasakyan nang mapansin ko ang dalawang babaeng kasama ko.

"Do you think magugustuhan niya?" tanong noong babaeng kulot ang buhok.

"Oo naman. At least nga may improvement sa ayos mo. Nagpakulot ka para naman medyo gumanda ka," sagot naman noong babaeng nakatali ang buhok.

" Siguro naman magugustuhan niya itong bagong ayos ko," sagot naman noong kulot ang buhok.

Dumating na iyong bus at nang makaupo ako ay naalala ko iyong usapan nang dalawang babae.

Si Zach kaya? Nagagandahan ba siya sa akin?
Naalala ko kasi dati noong sinabi nilang hindi ako pasado sa ideal type na babae na gusto ni Zach. Nilabas ko iyong suklay sa bag ko at inayos yong mahaba kong buhok na kahit gaano ko suklayin ay bumabalik pa rin sa pagiging alambre. Nilabas ko rin iyong salamin at kahit wala akong pimples sa mukha ay masyado pa ring maga yong kutis ko. Basag na rin yong labi ko at may mga eye bags pa akong malalaki. Paano na lang kung makahanap nang babaeng mas maganda si Zach?! O baka naman tuluyan siyang akitin nang Charlotte na iyon?!

I have to do something sa pagmumukha ko. Tumingin ako sa wristwatch ko at may isa at kalahating oras pa bago ang klase ko. Siguro naman ay pwede pa akong dumalaw sa parlor. Bumaba ako sa bus stop at lumingon lingon muna sa mga booth at mga shops roon. Pumasok ako sa isang parlor at tinanong ako kung anong ipapaayos ko.

Nang sinabi ko sa kanya ang gusto ko ay pinaupo muna niya ako. Kumuha siya nang gunting at sinimulang gupitin ang buhok ko. Pagkatapos noon ay nagpaayos na rin ako nang kilay at nagpamake up nang light lang. Pagkatapos nang lahat lahat ay pinaharap niya ako sa salamin.

Ako ba ito?! Ang ganda ko tingnan rito sa salamin. Lalo na at maayos yong buhok ko. Umaabot na lang iyon hanggang balikat at kulay pink lang na light ang shade nang lipstick na ginamit sa akin.

Isang oras na pala ako rito sa parlor at nang makapagbayad ako ay naghanap na ako nang masasakyan. Ilang minuto pa lang akong naghihintay ay may bumusinang sasakyan sa harapan ko. Nagtaka ako kung sino iyon at nang lumabas ito sa sasakyan ay napanganga ako.

"Brylle?!?!" Hindi ako nagulat dahil si Brylle ang sakay noon kundi dahil nagpagupit ito nang semi highcut at kulay itim na ito at bago na naman ang sasakyan niya.

" Hey Peranah, sumabay ka na," sabi niya. Hindi na ako nag inarte pa at pumasok agad sa kotse niya dahil baka malate pa ako.

"Whoah, you look good with that new transformation, Peranah," sabi ni Brylle at ngumiti ako.

"So ikaw bakit ka nagpagupit?! Ang pangit mo tingnan," sabi ko at tinitigan siya.

"You're so honest Persia, pwede bang magsinungalin ka naman," natatawang sabi niya. Inirapan ko siya at tumingin sa labas nang bintana.

"About Miki, m-may sinabi ba siya, " sabi ni Brylle.

"T-tulad nang ano?" tanong ko pero hindi ko siya nilingon.

"K-kung b-bakit siya umalis?" sabi niya.

"You know that Brylle, ikaw kasi eh. Hindi mo man lang siya binigyan nang chance," sabi ko.

"I-it's not about that.... s-sinaktan ko siya," sabi niya.

"We all know that lalo na at hindi ka sumipot sa first engagement party ninyo. It's all your fault kung bakit siya umalis at nagpakalayo layo sa America at ngayon hahanapin mo siya, Brylle nagmomove on na siya," sagot ko.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon