Persia's POV
Nang makita ni mama ang ginawa kong paghalik kay Zach ay hinila niya ako palayo. Inutusan niya akong pumasok sa bahay at naiwan silang dalawa ni Zach roon. Pasilip silip pa ako sa bintana kung ano ang sinabi niya kay Zach. Nang matapos ang usapan nila ay pumasok si mama at kinausap niya ako.
" Persia, ano na naman bang nakain mo? Malinaw na sinabi ko sa iyo noon, ayokong magboyfriend ka," sabi ni mama.
"S-sorry po Ma kung sinuway ko kayo. Pasensiya na po kung di ko sinabi," sagot ko kay mama nang hindi nakatingin sa kanya.
Narinig ko itong nagbuntong hininga.
Napatingin ako sa kanya at nakakunot-noo ito." Habang mas maaga pa, at dahil bata ka pa, huwag kang padalos dalos sa mga ginagawa mong desisyon. Kung kaya gusto kong hiwalayan mo ang lalaking iyon," sabi ni mama. Ito na nga ba iyong sinasabi ko eh. Kapag nalaman ni mama, siguradong paghihiwalayin niya kami.
" Pero kasi Mama hind-," hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil may biglang yumakap sa akin sa likuran.
"Hey sweety," Napalingon ako sa lalaking yumakap sa akin at nagulat ako nang makilala ko ang pamilyar na mukha.
Keith?!
" Surprise!" sabi niya at saka binitiwan ako. Ngumiti lang si Mama kay Keith at tumingin si mama bago siya tumungo sa kusina.
"Why are you late?" tanong ni Keith.
" G-galing akong work, " sagot ko. Ngumiti siya at saka inakbayan ako.
Si Keith ang pinakackose kong pinsan. Mas matanda ito sa akin nang isang taon at naninirahan ang pamilya nito sa Baguio. Hinila niya ako papunta sa kusina at nakita kong abala silang lahat sa pagluluto para sa noche buena. Nakita kong si Tita Andrea pa, ang nanay ni Keith, ang nagluluto at tinutulongan naman siya nina Pierce at nang nakababatang kapatid ni Keith na si Kyla.
" Hi Persia!" bati sa akin ni Tita Andrea nang makita niya ako.
"Hello po Tita," bati ko.
"Persia, come on. Tutulongan mo pa ako sa paglalagay nang decors sa christmas tree," sabi ni Keith at saka ako hinila sa sala. May malaking christmas tree sa sala at nalagyan na ito nang christmas lights. May mga regalo na rin sa paligid at nakita ko ang isang maliit na kahon kung saan nakasulat ang pangalan ko. Marahil ay galing kay Mama ang regalong iyon. Hahawakan ko lang sana kaso ay pinigilan ako ni Keith.
"Mamaya mo na buksan yan," nakangiti nitong sabi. Ngumiti naman ako at saka tinulongan siya sa paglalagay nang malaking star sa dulo nang christmas tree.
"Persia, narinig kong sinabi ni Tita kanina na may boyfriend ka na raw?" tanong sa akin ni Keith. Nakapatong ako sa isang upuan para maabot ko yong dulo nang christmas tree kung saan ko ilalagay ang malaking star.
"Imagine, may boyfriend ka na eh noong mga bata pa tayo mukha kang unggoy kaya impossibleng may magkagusto sa iyo," biro ni Keith sabay tawa.Tinaasan ko siya nang kilay bago sumagot."Unggoy?! Para sabihin ko sa iyo Keith, ten times na mas gwapo iyong boyfriend ko sa iyo," sagot ko at inirapan siya.
"Baka naman kasi mukhang saging yang boyfriend mo. That would be a perfect match. Isang babaeng mukhang unggoy at isang lalaking mukhang saging," sabi niya sabay tawa nang pagkalakas lakas.
"See who's talking. Eh sino ba sa atin ang iyakin noong mga bata tayo?" sabi ko at nakacross arms na tumingin sa kanya. "Eh sino naman sa atin ang takot sa langgam? Na umakyat pa sa puno para lang hindi dapuan nang mga langgam?" -Keith
"At sino naman sa atin ang imbes na maglaro nang robots o ano mang panglalaking laruan en nakikipaglaro sa akin nang barbie dolls?"
"Eh sino naman sa atin ang pinalo sa pwet dahil sa nangongopya nang pangalan nang katabi niya sa klase noong elementary?"-Keith
"At sino naman kaya ang sinabihang mukhang kambing dahil sa pangit nang pag-iyak niya?"
"Talaga? At sino naman kayang unggoy ang malakas humilik kapag tulog?" -Keith
"Unggoy?! At sino naman kaya ang lalaking nanumpang gusto niyang pakasalan ang babaeng mukhang unggoy na ito," sabi ko at nagsmirk. Siguradong hindi niya ako sasagutin dahil kapag pinapaalala ko sa kanya ang tungkol doon ay hindi siya makasagot. Tumahimik nga siya kaya alam kong natalo siya sa asaran namin. Binatukan niya ako kaya binatukan ko rin siya.
" Pasalamat ka pinsan kita dahil kung hindi baka, kanina pa kita itinanan," pagbibiro niya. I rolled my eyes at saka ngumiti.
"Hindi ako sasama kahit yayain mo pa ako," sabi ko. Nakita ko ang pag-iiba nang reaksiyon nang mukha niya kaya kinalabit ko siya. Babatukan ko sana siya kaso dumating si Pierce at hinila si Keith sa kanyang kwarto dahil may ipapakita raw ito sa kanya. Naiwan ako sa sala mag-isa nang tumunog ang cellphone ko. Tinawagan ako ni Stacey para sabihan nang maligayang pasko. Sumunod namang tumawag si Trisha. Naalala ko tuloy si Miki. Kamusta na kaya siya sa America? Halos isang buwan rin nang umalis siya rito sa Pilipinas. Ilang minuto rin ang lumipas at kumain na kami. Salo salo kami nang pamilya ni Keith. Matapos iyon ay nagbukas rin kami nang mga regalo sa sala. Isang malaking stuff toy ang nakuha ni Pierce at isa namang libro ang nakuha ni Dianne. Si Keith naman ay nakatanggap nang isang Cd Album nang paborito nitong banda. At ako? Nakatanggap ako nang isang maliit na box. Kung saan nakalagay ang isang kwentas. Nagboluntaryo pa si Keith na siya na raw ang maglalagay nang kwentas sa akin. Nang matapos ang lahat ay lumabas kami para manood nang mga fireworks. Maingay sa labas dahil sa sunod sunod na pagputok nang mga fireworks at bigla akong inakbayan ni Keith. May ibinulong pa ito sa akin kaso hindi ko narinig.
"Ano iyon Keith? Pakiulit nga?" sigaw ko.
"ANG SABI KO MERRY CHRISTMAS SA IYO UNGGOY!" sigaw niya kaya siniko ko siya. Nagpaalam ako kay Keith na papasok ako para kunin ang camera. Aakyat na sana ako sa taas nang tumunog ang telepono. Sinagot ko iyon at si Miki lang pala.
"Persia," tawag nang pamilyar na boses sa kabilang linya.
"Kamusta ka na diyan Miki?!" tanong ko. Hindi siya sumagot at nakarinig pa ako nang mga mahinang hikbi. Tumawa ako sabay nagbiro sa kanya.
"Don't tell me namimiss mo ako?" sabi ko pero wala pa ring siyang sagot sa kabilang linya.
"Miki? Uy Miki," tawag ko.
"Persia...... I... I t-think.. I'm... p-pregnant,"
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...