Part 12

230 7 0
                                    


Persia's POV

"Uy tulala ka na naman diyan,"-Stacey

" Pati kahapon sa gym hindi ka sumasagot kay Isiah tapos nang-iwan ka pa. Hindi ka man lang nagtext o tumawag para naman alam namin at hindi ka na namin hinintay,"-Trisha

" May problema ka ba sa utak?" tanong ni Stacey at saka kinakapa kapa yong noo ko.

"Ayos lang ako, may pinuntahan lang ako kahapon," pagdadahilan ko.

"Pinuntahan? Excuse me, kilala ka na namin Persia. Hindi ka mahilig lumabas o magstroll, okay. So no need for you to lie,"-Trisha

"Okay. I met Zach," sagot ko at tumingin sila sa akin tapos nagtinginan sila at nagtawanan.

" There you go again Persia. Puro ka na lang Zach Zach Zach Zach. Gawd papasukin mo naman si Isiah diyan sa puso mo,"-Stacey

"And besides kahit magkita man kayo ni Zach o kahit nagkita na kayo, siguradong walang pake sa iyo yon. Haler, kwento mo ngang hindi naging kayo eh. One sided love lang yan, move on na bes,"-Trisha

"Sana nga nagawa ko iyan pero kasi....,"

"Kasi ano?! Mahirap mag move on? Pwes kong mahal mo sarili mo edi pilitin mo,"-Stacey

"At baka naman kasi mukhang uod yang Zach na iyan,"-Trisha

" O baka ten times na mas gwapo si Isiah diyan sa Zach na iyan," -Stacey

" Hindi! Si Zach yong nakita niyo --,"hindi ko na natuloy yong sasabihin ko dahil may tumapik sa akin sa likod. It was Isiah at may hawak-hawak itong bulakalak.

"Aww so sweet," tili ni Stacey at senenyasan akong abutin iyong bulakalak.

" Hi babe," bati ni Isiah at hinalikan ako sa pisngi. Naiilang ako sa presensiya ni Isiah at hindi talaga ako komportable kapag nasa tabi ko siya. Babe? Masyado yatang advance mag-isip si Isiah eh hindi ko pa naman siya sinasagot eh. At gusto kong linawing hindi ko siya sasagutin ngayong nakita ko ulit si Zach.

" Aalis muna kami Persia, naalala kasi naming may kukunin pa kami sa room eh, Bye!" sabi nong dalawa at saka kinandatan ako. Naiwan kami ni Isiah sa canteen at mas lalo pang naging awkward dahil pinagtitingnan pa kami nang mga estudyante.

"So babe, bakit ka pala umalis kahapon? I was looking for you," -Isiah

" Ah? .... M-masama kasi pakiramdam ko," pagdadahilan ko.

" Eh ngayon masama pa rin ba pakiramdam mo?" tanong nito.

"Okay na ako," sagot ko. Uminom ako nang tubig para naman makaiwas ako sa mga titig ni Isiah.

Tumunog uli ang cellphone nito kung kaya umalis ito para sagutin ang tawag. He's always like that. Magpapakita lang sa akin tapos aalis rin matapos ang ilang minuto.

"Persia, I'm sorry. I have to go somewhere," heto na naman ang gasgas niyang linya. Pero mas mabuti na ring umalis ito kesa makasama ko siya at mailang pa ako. Ngumiti ito at nagpaalam. Nag-ayos na rin ako nang gamit at uuwi na lang ako dahil tapos na rin ang aking klase. Hawak-hawak ko iyong bouquet nang bulakalak na bigay ni Isiah. Naglalakad ako sa hallway nang mamukhaan ko iyong lalaking naglalakad sa harapan ko. Si Zach. May mga kasama itong mga lalaki at sa tingin ko ay kagrupo niya ito sa basketball. Huminto ako sa paglalakad at pinagmasdan ko si Zach at nakapamulsa pa ito at may suot suot na piercing. Napakagwapo talaga nito lalong lalo na at iba ang kulay nang buhok nito. Nakangiti rin ito. Yong mga ngiti na mas lalong nagpapagwapo sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya noon at hindi ko alam kung gaano katagal ako tumitig sa kanya hanggang sa nakita kong nakatayo na si Zach sa harapan ko.

HAH?! NAKATAYO?! Bumalik lang ako sa realidad nang may pumitik sa noo ko. It was Zach at nakatingin ito sa akin. Namumula na ako noon pero para pa ring isang panaginip na nasa harapan ko ulit si Zach. Inilapit pa nito nang husto yong mukha niya sa mukha ko.

"Pasensiya na pero hindi ako tumatanggap nang bulakalak," sabi nito. Hindi ako gumalaw at nanatiling nakatayo habang tinititigan siya. Nakacross arms pa ito at saka ngumisi sa akin.

" Mukhang pepe yata yang babaeng iyan eh," rinig kong sabi nang isa niyang kasamahan at nagsitawanan sila.

" Pasensiya ka na miss pero hindi katulad mo ang hanap ni Zach," sabi rin nong isa nitong kasamahan na kulay ube ang buhok.

" Dahil ang hanap nito ay iyong babaeng sexy," sabi nong isa at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

" At maayos sa sarili," dagdag rin nong isa na may headband sa ulo at hinawakan ang buhok ko.

"At higit sa lahat maganda," dugtong uli nong kulay ube yong buhok.

"Ano meron ka ba non?" tanong ni Zach. Mas lalo pa nitong inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Ibang iba na nga siya ngayon at hindi na siya yong Zach na kilala ko. O baka naman hindi ko talaga kilala ang Zach na iyan sa simula pa lang. Masyado yata akong naniwalang mabait ito at tahimik base sa nakikita lamang nang aking mga mata.

"Wala. As in na hindi ka pasado sa tipo nang babaeng gusto ni Zachy," sabi pa nong isa lalaki.

"Kaya miss, humanap ka nang kalevel mo. Marami pa namang mga lalaki diyan eh, may papatol pa sa iyo," sabi naman nong isa at saka tinapik ako sa balikat.

Hindi ko yata gusto yong mga pinagsasabi nila. Oo, hindi ako sexy, wala ako nong ideal na katawan na 24 ang waistline at may malaking hinaharap. Hindi rin ako maayos sa sarili, gulo-gulo ang buhok at minsan may dumi pa sa mukha, At mas lalong hindi ako iyong babaeng masasabing maganda base sa definition na nasa dictionary. Pero kapag nilait na ang pagkatao ko at pesikal kong anyo, hindi ko gusto iyon.

"At sino namang nagsabi kasi na para sa iyo itong bulaklak?!" sabi ko. Hindi ko gustong pagtaasan nang boses si Zach pero para naman yatang sumosobra na yata sila. Ngumisi pa lalo si Zach at saka inilayo na ang mukha sa akin.

"Oh talaga? Mukha kasing iniaabot mo, at sa susunod huwag ka nang humarang sa daan," sabi ni Zach. Tinitigan niya ako at saka umalis sa harapan ko.

" Sa susunod kasi gamitin mo utak mo, huwag kang tatangatanga," bulong uli noong kulay ube yong buhok bago umalis. Dahil sa inis ko sinipa ko siya sa tuhod at saka tumakbo.

Nakakainis! Nakakainis talaga! Naiinis ako sa mga lalaking iyon! Kung manlait akala mo ipinanganak silang perpekto! Naiinis ako! Naiinis ako dahil kahit ganoon kung tratuhin ako ni Zach ay gusto ko pa din siya! Naiinis ako dahil kinilig na naman ako nang ilapit niya ang mukha niya! Naiinis ako dahil binigyan pa kasi ako ni Isiah nang bulaklak ayan tuloy nalait ako! Pero kung hindi niya ako binigyan nang bulaklak ay hindi ko makakausap at makukuha ang attention ni Zach!Nakakainis!!!!

At dahil sa inis ko tinapon ko sa basurahan iyong bulaklak na bigay ni Isiah at hindi pa ako nakuntento ay sinipa ko nang isang beses yong basurahan. Walang utak pala hah?! Pwes sa susunod na makita ko iyang kulay ube yang buhok, kakalbuhin ko talaga siya.


  

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon