Part 35

159 3 0
                                    


Persia's POV

Nang madischarge si Zach ay namalagi muna ito sa kanila para daw makapagpahinga nang maayos. Nagpaexcuse siya sa school at mabuti na lang ay pinayagan kahit dalawang araw lang. At ako, syempre namiss ko siya. Kaya nang tinanong ako ni Brylle kung sasama ako sa kanila para bisitahin si Zach ay umo-oo ako. Sabado kasi ngayon at wala ako masyadong gagawin kaya nagrason ako kay mama na may gagawin kaming requirement sa school. Pumayag naman siya at dumako yong tingin ko sa nakaframe sa sala. Natawa ako dahil paa nga pala ni Bryle yong gumawa nang signature. Araw-araw kasi pinupunasan ni mama yong mga alikabok sa frame eh.

"Ate si kuya Zach ba ang bibisitahin mo?" tanong ni Pierce nang palabas na ako sa pintuan. Nilapitan ko siya at saka sinabing huwag niyang sabihin kay mama.

"Tsaka hindi mo pa sinasabi sa akin yong sinabi mo sa kanya ah," sabi ko. Inirapan niya ako.

"Amin amin lang iyon ate,"sabi niya at saka umalis. Nagtext kasi sa akin si Brylle na susunduin niya ako kaya hinintay ko siya. Ilang minuto lang ay dumating siya sa harapan nang bahay namin. Sumakay ako at nakita kong nakasuot pa ito ng sunglasses.

"Asan iyong iba?" tanong ko. Nagkibit balikat lang siya at saka pinaharurot ang sasakyan. Ang bilis nga nang pagmamaneho niya kaya sinigurado kong nakaseatbelt ako. Dumaan kami sa isang subdivision at mukhang iilang bahay lang ang naroroon. May mga punong kahoy pa sa gilid nang kalsada. Pagkatapos nang dalawang pong minutong drive ay nakarating kami sa harap nang bahay ni Zach. Hindi siya ganoon kalaki pero ang ganda nang pagkakadisenyo nito. Isang batang babae ang sumalubong sa amin ni Brylle at niyakap niya si Brylle. Siguro nasa pitong taong gulang o walo yong batang babae kaedad lang ni Pierce.

"Whoah, Zayne. Nasaan ang kuya mo?" tanong ni Brylle at nang marinig kong Zayne ang pangalan nito ay saka ko lang napansing kamukha siya ni Zach.

"Kapatid siya ni Zach?" tanong ko. Tiningnan ako ni Zayne at saka ngumiti.

"Girlfriend ka po ba ni Kuya Brylle?" tanong niya sa akin.

"Hindi," sagot ko.

"Eh ano?" tanong niya sa akin.

"Nililigawan siya nang kuya Zach mo," sagot ni Brylle. Biglang nag-iba ang mga ngiti at titig ni Zayne nang marinig niya iyon.

"You! Are you planning to steal Zach away from me?!" tanong niya na ikinagulat ko.

"E-eh..? A-ah....," hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"I won't allow that," sabi niya at saka inirapan ako. Tumawa lang si Brylle. Pumasok kami sa loob at ang ganda nang mga furnitures na nasa loob. Umakyat rin kami sa hagdanan at palingon lingon pa sa akin si Zayne. Nginingitian ko siya at iniirapan naman niya ako. Kumatok kami sa kwarto ni Zach bago pumasok. Kaso bago pa man ako makaapak sa loob ay hinarang ako ni Zayne.

"You can't enter. You're off limit here," sabi niya at nakatingin sa akin si Zach. Ngumiti ako mukha yatang ayaw ako nang kapatid niya.

"Zayne, papasukin mo na siya,"sabi ni Zach. Nakaupo si zach sa paanan nang kanyang kama.

" No!" pagmamatigas ni Zayne.

"Zayne," pagtawag sa kanya ni Zach at tinaasan niya ako nang kilay. Inirapan niya ako at saka umupo sa tabi nang kuya niya.

Hindi ganoon kalaki ang kwarto ni Zach. Simple lang ang mga disenyo sa loob at maayos. May mga librong nakapatong sa kanyang table at may maliit na veranda sa kanyang kwarto. Nakabukas ang bintana nang kanyang kwarto at dahil doon ay sumasayaw ang mga kurtina.

Nakatayo lang ako roon dahil wala naman akong ibang mauupuan. Ni hindi man lang inalok ni Brylle yong inuupuan niya.

"Kamusta ka?" tanong ko kay Zach nang tumingin ito sa direksiyon ko.

"I'm okay. Ikaw?" tanong niya. Nakita ko pang inirapan ako ni Zayne. Sinabi kong maayos lang din ako.

"Peranah, nagugutom ako. Ipagluto mo naman kami," sabi ni Brylle at nakahawak pa ito sa kumukulong sikmura.

"A-ako?" seryosong tanong ko.

" Sasamahan ko siya," sabi ni Zayne at hinila ako. Pumasok kami sa kusina at iniabot sa akin ni Zayne yong apron.

"Here. Tutal, kung nililigawan ka ni kuya, I want to make sure that you can cook," sabi niya at parang matandang binibilinan o kinikilatis ang mga kakayahan ko.

Sa totoo lang, hindi ako marunong magluto pero hindi naman sa nasusunog ang mga luto ko.

"Ano bang gustong kainin nang kuya mo?" tanong ko.

" Since nagpapagaling siya, gulay dapat ang ingredients nang mga iluluto mo," sabi niya. Kung soup kaya tapos lagyan ko lang nang kunting mushroom. Tumingin tingin ako sa paligid at naghanap nang mga kasangkapang gagamitin ko. Nasa tabi ko lang si Zayne at pinapanood ang mga kilos ko. Naghiwa ako nang mga patatas, carrot, sayote at kung ano anong gulay pang ihahalo ko. Nang kumukulo na iyong tubig ay inihalo ko iyong mga gulay.

Si Zayne naman ang naglinis nang mesa at tumawag kay Zach at Brylle. Mukhang hindi yata makakarating ang ba pang kaibigan niya. Inihanda ko na ang niluto ko at alam kong magugusthan nila ang luto ko.

"Pasado," sabi ni Brylle nang matikman nito ang luto ko.

"Pwede na," sabi naman ni Zayne at si Zach ay kumakain lang. Ngumiti ako at saka naglagay na rin nang soup na luto ko sa plato ko. Halos naubos namin yong niluto ko.

Pagkatapos naming kumain ay ako na rin nagligpit nang mga pinagkainan namin. Habang naghuhugas ako nang plato ay tumabi sa akin si Zayne.

"Pwede mo ba akong turuang magdrawing mamaya?" tanong niya. Sumang-ayon naman ako at pagkatapos kong maghugas nang plato ay tumungo ako sa kwarto ni Zayne. Naabutan ko siyang nagcocolor nang coloring book niya.

Tumabi ako sa kanya at tumingin siya sa akin.

Tumigil ito sa pagkukulay at pinulot ang kanyang libro. Mukhang binabasa niya ang kwento ni Thinkerbell.

"Can you read this for me?" sabi niya at ibinigay ang libro. Kinuha ko iyon at saka binuklat iyon. Umupo muna kami sa isang malaking sofa sa loob nang kwarto niya at nahiga siya roon. Ginawa niyang unan ang braso ko at narinig kong humikab pa ito.

Binasa ko ang unang linya sa libro at nang mabasa ko na halos ang kalahati ay narinig kong humilik si Zayne. Mukhang tulog ito kay isinara ko ang libro. Pinikit ko ang mga mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa mga boses mula sa labas nang kwarto. Minulat ko ang mga mata ko at mukhang nakatulog ako roon nang mahigit isang oras. May naglagay na rin nang kumot sa amin ni Zayne at baka si Zach ang naglagay niyon. Mahimbing pa rin ang tulog ni Zayne sa tabi ko. Dahan dahan akong umalis at inayos ang buhok niyang nakaharang sa maganda nitong mukha. Mahahaba rin ang mga pilik mata niya tulad ni Zach.

Bumaba ako sa hagdanan at nakita kong nanonood nang tv yong dalawa. Mukhang cartoons pa nga yong channel. Nang makita nila ako ay hindi ko alam kung bakit nakatitig sila sa akin pareho. May laway ba ako sa mukha? Nagpunas ako nang labi baka mayroong tumulong laway. Alas tres na pala nang hapon at kailan na naming umalis. Dumiretso ako sa kusina para umalis sa mga titig nang dalawang lalaking iyon. Uminom ako nang tubig at saka bumalik sa sala. Umupo ako malapit sa kinauupuan ni Zach at mukhang "Monk" yong pinapanood nila. Nailang ako dahil walang nagsasalita sa kanila. Buti na lang ay may nagdoorbell kaya nagboluntaryo akong buksan iyon.

Pagbukas ko nang pinto ay isang magandang babae ang nakita ko. May mga dimples ito at mahabang buhok. Nakasuot ito nang makapal na salamin at mukhang nagulat yata siya nang makitang ako ang nagbukas noon.

"Sino po sila?" tanong ko. Ngumiti yong babae sa akin.

"Nandiyan ba si Zach?" tanong niya nang hindi sinasagot ang tanong ko.

Tumango ako at binuksan ang pinto para makapasok siya. Pumasok yong babae at isinara ko na yong pinto. Sinundan ko siya sa sala at nakita kong dahan dahan niyang tinakpan ang mga mata ni Zach gamit ang mga palad niya. Inalis iyon ni Zach at nakita kong gulat na gulat si Zach nang makita niya ang babaeng iyon.

"Charlotte?"

At saka lang nagrehistro sa utak ko kung sino si Charlotte sa buhay ni Zach.

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon