Persia's POV
"Nga pala Persia... do you want to come with me sa ball? Ininvite kasi ako nang boss ko sa isang party," sabi ni Alexander.
Naglalakad kami sa park at magkaholding hands.
"Boss?" tanong ko.
" Yup. Yong mabait kong boss. Yong lagi kong kinukwento sa iyo, si Solomon Dalston," sagot niya.
"Solomon?"
"Mas kilala kasi siya bilang Soda, yon rin ang gusto niyang itawag namin sa kanya," sabi ni Alexander at huminto sa paglalakad.Tumingin siya sa akin at saka ngumiti.
Parang narinig ko na ang pangalang iyan. Hindi ko lang matandaan kung kailan at kung saan.
"So ano papayag ka ba?" tanong niya.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Nagtatrabaho kasi siya sa isang restaurant na pagmamay-ari nang isang intsik na nagngangalang Soda.
"Yes!" masigla niyang sabi at niyakap ako. Kahit madaming taong nakakakita sa amin lalo na at public place iyon ay hindi niya kinalas ang pagkakayakap sa akin.
"Masaya ako at nakilala kita Persia. Sana kahit anong mangyari huwag kangbibitaw sa akin. Mahal na mahal kita," sabi niya. Ngumiti lang ako pero bakit sa loob loob ko hindi ako masaya.
Hindi ko siya sinagot. Kusa niyang inalis ang mga kamay niya sa balakang ko at hinawakan uli ako sa kamay.
"Ice cream!" sigaw ko nang makakita ako nang nagbebenta nang ice cream sa tabi.
"Gusto mo?" tanong niya. Tumango ako at patakbo kaming pumila. Mga bata pa nga ang kasama ko sa pila kaya pinagtitinginan na nila kami. Ngumiti lang kami pareho at nang makabili kami ay umupo kami sa malapit na bench. Medyo natutunaw na ang ice cream namin dahil mainit kasi kahit January pa lang.
"Bukod sa ice cream... ano pang gusto mo?" tanong sa akin ni Alexander. Nakakunot noo akong tumingin sa kanya dahil hindi naman niya ako tinanong dati sa mga bagay na gusto ko.
" Hmm? Hindi ko naman alam ang mga bagay na gusto ko eh," sagot ko. Napaisip tuloy ako kung ano ba ang gusto kong gawin o kainin.
"It's okay kung hindi mo naman maalala,"sabi ni Alexander at pinunasan nang malamig na ice cream iyong ilong ko. Tumawa siya at nagsimulang tumakbo palayo sa akin.
"Humanda ka kapag nahabol kita!" sigaw ko at hinabol siya. Medyo nakalayo siya kung kaya pagdating ko sa may mga bushes ay nawala siya sa paningin ko. Saan naman kaya siya nagtago? Lumingon lingon ako sa paligid at nang may gumalaw sa may bush ay dahan dahan akong lumapit roon.
Ilang hakbang na lang ay malapit na ako. Nagulat ako dahil pagtingin ko ay isang tuta lang pala ang nagtatago roon at mukhang gumagala pa ito dahil marumi ito.
Nanginginig pa ito nang hawakan ko.
"It's okay puppy,"sabi ko at sinimulang haplosin iyong tuta.
Umupo ako sa may damuhan at hinaplos iyong tuta. Makalipas ang ilang minuto ay saka ko lang naaalala si Alexander.
Saan ba nagtago iyon?Nagtago ba siya o baka naman iniwan na ako noon?
Lumingon lingon ako sa paligid. Sa dami dami nang tao rito sa park ay mukha yatang hindi ko siya mahahanap. Mas mabuti siguro kong tawagan ko siya. Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan ko siya kaso hindi niya sinasagot.
Saan ba pumunta si Alexander? Nagtago pa kasi siya ayan tuloy nawala siya sa paningin ko.
"Persia?!" mula sa likuran ay may tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...