Part 9

256 5 0
                                    

Zach's POV

  Ilang minuto na ang lumipas nang umalis si Persia at naramdaman kong nahihilo ako. Hindi naman siguro iyon dahil sa masikip ang damit ni Persia o dahil nalamigan ako kanina dahil wala akong damit. Sumakit yong ulo ko and I think na baka mahilo pa ako rito sa classroom kung kaya minabuti kong dumiretso sa clinic. Hindi na ako nagpaalam kay Persia dahil alam kong baka hinihintay ako noon dahil sa damit ko na isasauli niya. Nandoon yong school nurse namin at mabuti na lang na bago ako mawalan nang malay ay nasa clinic na ako.

****

Anong oras na ba? Bakit parang ang tagal ko nang nakatulog rito sa clinic? Bumangon ako at naramdaman ko pa rin ang sakit nang ulo ko. I checked the time at mag-aala singko na nang hapon. Hah?! Ganoon ba ako katagal na natulog?

"Mabuti at nagising ka?" rinig kong sabi nang school nurse sa likuran.

"Ano pong nangyari? Bakit ako nahilo?" tanong ko.
"Mukhang napagod ka lang siguro o ....," ngumiti yong school nurse tapos tumingin sa damit ko saka ko lang naalalang damit pala ni Persia yong suot ko.

"Kailangan mo lang nang pahinga at uminom nang maraming tubig," payo nang nurse. Matapos niya akong bigyan nang gamot ay umalis na ako sa clinic at nakita kong wala nang mga studyante. Binalikan ko ang classroom namin baka sakaling nandoon si Persia at hinihintay ako para naman makuha ko na yong damit ko kaso nakakandado na ang classroom. Wala na akong nagawa kundi naglakad pauwi habang suot suot ang kulay pink na jacket ni Persia na mukhang kalahati lang nang katawan ko ang natatakpan.

"Kuya Jack! Why are you wearing that?" tanong ni Zayne nang makauwi ako.

"It's a long story princess," sagot ko at kinusot ang buhok niya. Pumasok ako sa kwarto ko at sumama si Zayne sa akin. Habang naghahanap ako nang maisusuot ay naghahalungkat ito nang gamit ko. Nilabas niya yong mga krayola at kung ano-anong mga paintings.

"Kuya Jack what's this?" tanong ni Zayne. Lumingon ako and nakita kong tinitingnan niya ang drawing ko sa puting kwadernong binigay ni Persia.
"Is this a pig?" tanong nito at itinituro ang drawing kong chibi version ni Persia kapag nagbublush siya. I laughed at nilapitan ito.

"Yes, a wild pig and she stole my shirt," sagot ko at ngumiti.
After nang araw na iyon I thought normal lang na nahilo ako dahil siguro sa pagod o ano, but I was wrong dahil sa mga sumunod na araw nagcocollapse na lang ako nang bigla bigla. Kung hindi sa bahay ay sa daan papuntang eskwelahan. Wala namang makitang findings ang mga doctors eh at pareha parehas lang sila na pinapayohan akong magpahinga. Kaya sa huli nag home school ako para makacatch up sa lessons. Malapit na nga lang yong graduation namin and here I am, stucked in my bed. Inexplain namin ni mama ang situation ko sa school at kung papayagan ba nila ako para sa marching nang graduation namin. Pumayag naman sila however nong last minute na dahil alam kong nag-aalala din sila sa kalagayan ko.

Hanggang sa dumating yong araw nang graduation, hindi rin nagtagal ay sumama ang pakiramdam ko. So baka hindi na ako makakatuloy pa sa picture taking. Uuwi na sana kami noon nang maalala ko yong isasauli kong damit ni Persia. Nagpaalam ako kina Mama at dahil nag-aalala rin sila ay pinasama nila si Zayne sa akin. Nilagay ko iyon sa locker ni Persia. Buti na lang nakita ko yong isa sa mga kaklase namin at tinanong ko kung nasaan ang locker ni Persia. Sinabi ko ring sabihin niya kay Persia na isinauli ko na. And about doon sa damit ko, she can have it. Pagpantasyahan niya kung gusto niya. I placed her jacket and yong notebook na pinatong niya sa desk ko noon. Isasauli ko na dahil baka hindi na kami magkikita pa.

"Are you okay Kuya Jack?" tanong ni Zayne at hinawakan ang aking kamay.
"Yes I'm fine," sagot ko. I'm going to leave the school na para bang hindi ako grumaduate o ano. Masaya sana ako dahil kahit papaano ay nakapagtapos na ako. Pero pakiramdam ko.... may iiwan rin ako rito sa eskwelahan and that's....

(Author's note: And thats it! Natapos na natin sa wakas ang POV ni Zach. Ano na kaya ang mga susunod na mangyayari sa buhay ni Zach and Persia? Magkikita pa ba kaya Sila? Let's find out sa mga next updates ko. Arigatou Gozsimasu! 😆😘)

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon