Persia's POV
"How about this one? I think this color suits you more," sabi niya at ibinigay sa akin ang kulay dilaw na bistida. Inabot ko iyon at pumasok ako sa fitting room.
Sinukat ko ang damit na pinili niya at tumingin sa salamin. Hindi ko gusto ang kulay nang damit pero ayoko namang tumanggi lalo na at siya ang pumili. Lumabas ako sa fitting room at ipinakita sa kanya.
"Hmm.. I think ito na ang mas babagay sa iyo," sabi niya.
"Miss bibilhin namin ito," sabi niya sa saleslady . Pumasok uli ako sa fitting room at inalis ang damit na suot ko. Nagpalit na ako at saka inabot sa saleslady ang damit.
Binayaran iyon ni Alexander at pagkatapos ay dumiretso kami sa isang fast food.
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya sa akin.
"Kahit ano na lang," sagot ko. Umorder siya at habang hinihintay namin ang order namin ay tumingin siya sa akin at hinawakan ako sa kamay.
Ngumiti ako pero hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko.
Si Alexander ang tumulong sa akin noong gabing naaksidente ako. Isinugod niya ako sa hospital at noong na coma ako for three months ayun kay mama ay binibisita raw niya ako.
Noong nagising ako, siya ang unang nakita ko. Hindi siya pamilyar sa akin kung kaya noong una hindi ko siya pinapansin. Hanggang sa madalas na siyang bumisita sa hospital at nakwento ni mama na siya ang sumagip sa akin.
Dahil siya ang lifesavior ko ay wala na akong nagawa.
Sabi sa akin ng Doctor ko na si Dr. Smith na may selective amnesia ako. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi niya lalo na at wala talaga akong maalala.
Hindi ko alam kung paano ko ibabalik ang mga alaala ko. After kung lumabas sa hospital ay umuwi kami sa bahay. Pero hindi sa bahay na naaalala ko. Lumipat na pala sina mama at naninirahan na lang kami sa isang appartment dahil sa tumaas ang bayarin namin sa hospital bill ay napilitan sina mama na ibenta ang bahay.
Isang taon ang lumipas after the accident, wala pa ring dumadalaw sa akin. I thought I lived a good life sa kolehiyong pinapasukan ko pero mukhang tulad pa rin noong high school ako. Bihira kasi kong magkaroon ako nang kaibigan kung kaya wala sigurong dumadalaw sa akin.
Not until noong minsan ay may consultation ako kay Dr. Smith ay may dalawang humarang sa akin. Isang babae at isang lalaki. Napakaweird nga nila eh. Yong lalaki kulay ube ang buhok at iyong babae naman ay hinawakan ako sa collar.
" Hoy! Peranah! Nasaan ka nagsususuot hah?! Isang taon ding nawala ka??!!" tanda ko pang sigaw sa akin noong kulay ube ang buhok.
Peranah?! Hindi naman ako Peranah.
" Don't give me that kind of expression! I demand an explanation from you!!" sigaw rin noong babae at saka akmang sasakalin ako kaya tinabig ko ang kamay niya palayo sa akin.
"Sino kayo?!" tanong ko.
Noong una, akala nila ay nagbibiro ako pero nang iniwan ko sila roon ay hinabol nila ako.
"May amnesia ka ba?!" tanong nila sa akin. I nodded at nang marinig nila iyon ay kapwa sila lumayo sa akin.
Hindi kaya kaibigan ko ang mga ito?! What if... what if maging daan sila sa pagbabalik nang alaala ko?!
Tatanungin ko sana sila kaso dumating si Alexander noon kaya umalis yong dalawa. After that hindi ko na sila nakita pa.
" Persia? Okay ka lang?" tanong sa akin ni Alexander. Napansin niya sigurong kanina pa ako nakatulala rito.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...